Level up! 'Yan yung pinakamagandang time sa paglalaro ng iba't ibang computer games. Eto yung part kung saan 'eh mas lumakas yung character mo. Kumapal ang buhay, lumakas ang damage, magkaroon ng bagong skills, lumaban sa mas malalakas, at magpalit ng mas bonggang damit. (Bongga! WTF!)
Sa mga online games ang pinakamadalas na naglelevel up na characters dahil madalas 'eh MMORPG ang mga 'yun. Hindi tulad ng Counter-Strike na hindi mo kailangan i-palevel. (Kung naglelevel sila kaya 'yun, ano ang mangyayari? Magiging drug lord ang terrorist at magiging Chief of Police ang Anti-terrorist?) Dahil sa kagustuhan at pangangailangan naman ng mga manlalaro sa baril-barilan games 'eh nagkaroon na din ngayon ng online games like Warrock at Special Force. (Pangangailangan? Bakit nakakabusog ba 'yun tulad ng pagkain?)
Kahit mga larong 'di nangangailangan ng internet connection nagkaroon na din ng level up system tulad ng DOTA. 'Eto yung larong pinakasikat sa mga taong mahilig pumatay (First Blood!) at magpalaki ng mga halimaw (Owning!). Halos lahat kasi ng character na pwede mong gamitin dyan 'eh halimaw at hindi masyadong maayos ang itsura. Kalansay (Clinkz), demonyo (Lucifer), tikbalang (Bradwarden), puno (Rooftrellen), at panda (Mangix). (Halata bang wala akong alam sa DOTA? *Galing lang yan sa guide*) 'Yan yung mga maaabutan mo na character 'dun. Dahilan kung bakit 'di ko minahal ang DOTA. (Minahal? Ano 'yan babae?)
Sa tinagal-tagal kong gumagamit ng computer sa buhay ko. Minahal ko ang paglalaro ng online games. Simula Ragnarok (PH at Private Server), RF, Warrock, SF, Wonderland, O2Jam, Audition, Freestyle, hanggang sa pinakamamahal kong FlyFF! (Tinuring kong parang babae 'yan kaya alagang-alaga ang mga account ko dyan.) Madami pa akong natry na laro kaso yung iba 'eh limot ko na yung pangalan.
Madami akong natutunan sa paglalaro ng mga 'yan.'Eto ang ilan.
*Natuto ako ng iba't ibang klase ng mga desserts. (Mga drops ng monsters sa FlyFF. Diabetic na siguro yung character ko kung tunay na buhay 'yun.)
*Natuto akong pahalagahan ang pera. (Nag-iipon para pangbili ng card pang-load sa Ragna!)
*Natuto ako ng mga imposibleng moves sa basketball court. (Mga moves sa freestyle na kahit si Jordan 'eh sure na hindi kaya.)
*Natutong dumapa kapag binabaril ka at kailangan mong gamutin ang sarili mo. (Warrock 'yan at madalas akong 'di na nakakatayo mula sa pagdapa dahil patay na ako bago pa ako gumaling.)
*Natuto akong mag-design ng bahay. (Uso kasi ang furnitures sa Wonderland kaya medyo masikip ang bahay ko. *Mayaman kasi ako. Nyahaha*)
'Eto nga pala 'yun dictionary para sa mga hindi alam kung ano ang pinagsasabi ko.
MMORPG = Massively Multiplayer Online Role Playing Game (*nosebleed*)
DOTA = Defense Of The Ancients
EB = Event ng ibang online games kung saan magkikita ang mga players sa isang lugar para sa mga games at announcements. (i.e., Mall)
OL = Online (Pauso lang 'yan nung iba.)
Pwede na siguro yan na dictionary para dito. For more questions, ask my manager. (Mas adik sa akin 'yun!)
Madami akong nakilala dahil lang sa paglalaro. Madaming akong naging bagong kaibigan, EB na pinuntahan, pagtitipid na kinailangan, bagay na pinagkaabalahan, mga items na ginastusan, at mga pet na namamatay agad.
At last, dumating na yata ang araw na ihihinto ko na ang paglalaro. Retirement day na. At 'yun 'eh ngayon na. (As in. Now na!) Medyo napagisipan ko kasi kanina (Kanina lang? OMG!) na medyo matagal ang nawawalang oras sa buhay ko dahil sa paglalaro ng OL games. (Saan kaya napupunta 'yung mga oras na 'yun?) Kaya 'eto ang blog ko for today. Online gaming retirement blog. (Kanino na lang items ko? *'Wag kayo masyado umasa. Iiwan ko lang 'yun at baka magbago isip ko after some time.*)
Masarap maglaro, masarap magpalevel, pero minsan kailangan huminto at gawin ang mga bagay na mas importante. Tama na, tayo na't mag log-out. May gagawin ka pa sa baba. (Kung nasa 2nd floor ka ng bahay niyo tulad ko.)
Salamat sa experience!
(P.S. Goodbye OL Games na nga ba?)