Sunday, May 10, 2009

Food Trip

Pagkain ang isa sa mga basic necessities ng tao. (OMG! Spell necessity?) Lahat ng tao kumakain. (Kahit nga garapata kumakain din 'eh.) 8 times a day daw kumakain ang mga Pilipino. ('Di naman ako ganito. Siguro ang tinutukoy nito 'eh yung mga sobra kung kumain at gutumin.)

Dahil sa pangangailangan ng tao sa pagkain 'eh madaming nagsusulputan na mga kainan sa kung saan-saan. Nauso ang Jollibee, McDO, Chowking, Wendy's, Pizza Hut, Burger King, Burger Machine, Max, Starbucks, KFC, at kahit ang mga maliit na karinderya sa kanto tulad ng tindahan ni Aling Nena. (BTW, who's Aling Nena?)

Kahit saan ka magpunta hindi pwedeng mawalan ng kumakain, kakain, nagtitinda ng pagkain, nagpapakain, at kahit kinakain. (Pwera na lang yata kung mag-isa ka at walang makain.)

Sa school, paglabas mo nandyan yung mga street foods like kikiam, calamares, isaw, dugo, paa ng manok, ulo ng manok, squid balls, fish balls, at kung anu-ano pang mga balls. Hindi mo sigurado ang kalinisan nyang mga yan. Pwera na lang sa paborito kong stall, ang Kiaman. ('Di niyo alam yan!)

Sa malls, maraming mga kainan dyan at siguro 'eh binubuo nila halos kalahati ng buong mall kapag sinukat mo.

Kapag may mga events tulad ng birthday parties, bagong taon, Christmas, pagkapanalo ni Pacquiao laban kay Hatton, at kahit may namatay, mamamatay, at muling nabuhay 'eh hindi pwedeng walang handaan. Kapag walang pera meron tayong mga "friends"(Friends ba talaga hanap mo?) na pwedeng utangan para may ipanghanda. Ganyan ang ugali ng pinoy. Minsan 'di mo malaman kung gusto lang ba niyang mag-celebrate o gusto lang niyang magpasikat sa kapitbahay.

Kapag naghahanda dito sa amin at kung saan man na kakilala ko 'eh hinahanap ko yung mga ulam na may halong tomato sauce. Menudo, mechado, aftritada, caldereta, at syempre 'di mawawala yung spaghetti. (Madalas 'di ko na pinapansin kung mechado, menudo, caldereta, o afritada yung ulam dahil pareho lang naman ng kulay.)

Sa ibang bansa, kaya nilang mabuhay ng hindi kumakain ng kanin. (Hindi bigas ha!) Dito sa Pilipinas 'eh kahit meryenda may kasama nang kanin. (Trivia: Alam niyo ba na nakakahigh-blood din ang sobrang kanin? 'Di ko sure yan ha.)

Masarap ang lechon pero nakakahigh-blood. Tuwing kakain tayo dapat minsan iniisip mo din kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo sa pagkain mo ng kung anu-ano. Pwede kang malason, ma-red tide, matinikan,  ma-impatso, at kahit na simpleng mabilaukan ka. (Tubig nga!)

Masarap kumain. Mahirap magpigil ng gutom. Mahirap maging high blood. Have a balanced diet peeps!

(P.S. Happy Mother's Day!)

1 comment:

  1. *Kahit nga garapata kumakain din ‘eh.*

    taenang yan pati nananahimik na garapata dinamay mo? LOL

    pre agree ako sa KIAMAN! di nila alam yun. wahahaha!

    ReplyDelete