Showing posts with label School. Show all posts
Showing posts with label School. Show all posts

Tuesday, January 5, 2010

Rules And Regulations!

Wala masyadong entertainment sa last blog ko. Medyo nawala na kasi ako sa mood noon. So try ko ngayon. O game, let's get started!

Toink!
.
.
.
Aray!
Sapul! May nabiktima na naman ng mahiwagang english block. Sapul sa face! Yehey! Aksyon na naman to!
So, hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng english block. Isa siyang box na kasing size ng pinakamaliit na karton na lalagyan ng toothpaste, may kulay blue na balot, at may nakalagay na "ENGLISH BLOCK". Yan yung bagay na maituturing na number one liability ng may hawak sa kanya. Para siyang sumpa na hindi magagamot ng halik ng prince charming mo.

To know more about the great english block, read the rules and regulations stated below.
1. Speak in english.
2. Don't you dare to speak in tagalog or in Filipino.
3. It is your prime duty to look for another person who violated the first two "laws" stated above to pass on the english block.
4. Payments for the english block will be given by the last person who holds the block after the class and shall be paid to the treasurer.
5. Don't think about giving bribes to your classmates. (It is more expensive than paying for the block. It's worth 5php only.)
6. Don't lose the block or you'll have to make another one better than the first one. (I suggest adding some ruffles to make it easier to see when it has been thrown to you. lol)
7. No promissory notes are allowed for the payment.
8. The money accumulated will be added to the class fund. (Hindi ako naniniwala dito. Feeling ko may mga corrupt sa klase namin.)

Ayan! Kung sino mga nakakaalam at mga nakakaranas pa na magkaroon ng english block sa klase, pakishare sa akin kung may mga nakalimutan pa akong rules at kung may mga bagong updates sa inyo. Salamat.

Sa klase namin active na active ang english block. Umaga pa lang e may nakahawak na sa block na parang untouchable. 'Wag kang lalapit sa kanya dahil ahas yan. Hihintayin ka lang niya na magtagalog tapos ibabato sa mukha mo yung block. Tapos ayun. Ikaw na ang "block holder". Yun yung title na hawak mo. Astig di ba? At least hindi ka tinatawag na preso. XD

Sa ibang classrooms mga diplomat ang mga tao. Kapag may block holder at may nahuli siya, iaabot lang niya yun at sasabihin na "Hey -toot-! You're the block holder!". Sa amin hindi ganun. War kung war. Hindi na mukhang block yung amin. Mukha na siyang bomb. Kasi binabato yun. Anghel ka sa klase kung iaabot mo lang yun. Kasi walang thrill. At madalas pa nyan e hindi mo agad mapapasuko yung mga kaklase mo. Kailangan niyo pang magharap sa korte bago siya umamin na nagsalita siya ng tagalog. Yung iba naman tinatanggap yung block. Pero pag bayaran na, hindi na nila tanggap. Kaya napupuno yung listahan ng treasurer namin at kilala na niya yung mga estapador. Si Rae at si Farrell. (Ayan! Sikat na kayo mga dude! Sikat na estapador!)

Lahat yan e nangyari noong high school ako. Pero noong elementary pa man e may mga ganyang modus. Aalis si ma'am tapos si teacher's pet number 1 ang hahalili bilang tagalista. Ano ang mga nililista niya? Here's the list.

Noisy - Eto yung mga taong hindi malikot ang katawan pero madulas ang bibig. Para hindi ka mahuli, ang kausapin mo e yung tagalista. Legal yun.
Standing - Eto yung mga taong may bulate sa pwet. Hindi mapakali kaya tayo ng tayo. Legal na dahilan para tumayo? CR.
Not Sitting Properly - Iniwan tayo ni ma'am ng nakaproper posture so dapat pag balik niya e ganun pa rin tayo. Dito, pwede kang mag taym pers para gumalaw at huminga. Pwede ditong mag-nap at matulog. Basta PROPER POSTURE!!!
Not On The Proper Seat - Madalas yung mga nasa standing e nandito din. Eto yung mga nagttrip to Jerusalem at nakikipagSOS sa kabilang dulo ng classroom sa tabi ng basurahan.

Mahirap ang trabaho ng tagalista. Kapag may naisulat ka na pangalan e magmamakaawa yun sa'yo at syempre makukunsensya ka. Pipigain ng mga kaklase mo ang isang gramo ng kunsensyang pinakatatagu-tago mo sa kaluluwa mo. Para madali, sabihin mo na buburahin mo yung pangalan nila kapag hindi na sila umulit. At yung mga kaaway mo naman tingnan mong maigi yung paa nila! Nakasampay sa kabilang upuan. Ayan! Bumawi ka na! May dahilan ka na para ilista sila. Pero beware! Mamaya after class babawian ka din nila. Dumating na si ma'am, pinasa mo ang listahan, madaming napagalitan, madami ka na ding kagalitan.

Hmmm. Ayus na gawain yan. Try niyo. Magpauso kayo. Tingnan natin kung sisikat. XD

Ayan. Wala na akong maisip na iba. Magandang sumunod sa rules. Lalo na kapag ang tagalista at block holder e yung kaaway mo. Kapag hindi ka sumunod e patay ka! Bababa ang grade mo sa conduct at magbabayad ka after class. Sabi nga nung isa naming ininterview sa Students' Welfare And Formation Office ng university namin, ignorance of the law excuses no one. Kahit sa tunay na buhay e may mga ganyang mga rules din. Yung iba nga lang e indirect kung magsabi. Tulad nung mga pauso ng MMDA. WALANG TAWIRAN! NAKAMAMATAY! O 'di ba? Parang sinabi na pagtumawid ka e diretso langit na ang biyahe mo. Pero kahit may mga pang Shake, Rattle, and Roll na mga signs na ganyan e madami pa ring hindi sumusunod. Tawid dito, tawid doon. Simpleng batas na kahit bata e kayang intindihin. Simpleng batas na pag matanda, hindi kayang sundin.

Yung mga tagahuli naman na iba, wala pang violation e nanghuhuli na. Para daw may pang almusal. Yung binayad mo e siguradong maliligaw ng landas. Didiretso kasi yun sa bulsa nila. Para daw organized. Tapos pag uwi nila sa bahay sasabihin nila, "Ay! Nakalimutan kong i-report tong nahuli ko, 'di ko naibigay yung pera. 'Di bale na, akin na lang to." Ayus! Nakatulog sila ng malinis ang kunsensya!

Minsan, kailangan din nating sumunod sa batas. At minsan, kailangan din nating maging tapat sa tungkulin natin. 'Wag kang kabado sa nililista mong noisy. Sila dapat ang kabahan kay ma'am mamaya. Kapag inaway ka after class. Sumbong mo kay ma'am. Tapos makikita mo na lang ako. Sumisigaw. Sumbungero! Sumbungero! Belat! Wala ka pala e! XP

O ayan. Tapos na. Wala na akong maisip na sabihin e. Sana okay naman tong blog ko ngayon. Gagayahin ko na lang yung ending ng YesYesShow. Bigla na lang mawawala.

Thursday, December 24, 2009

An Afternoon With The Ladies

Bakasyon na namin. Share ko lang.
O game, let's start.

Tuesday last week. PE namin. Swimming. Kung nagbabasa kayo ng blogs ko, malalaman niyong 'di ako marunong at ayokong matutong lumangoy. Kung hindi niyo pa alam, ngayon alam niyo na. Wala yung professor namin. May inattendan na naman yatang seminar sa Pacific Ocean. Ang aga ng break namin. Simula 9:30 hanggang 11:30 ang PE at pagkatapos nun e break ng 4.5hrs pa. E 'di 6hrs kaming walang gagawin. Yung iba umuwi na lang, yung iba gumala. Yung iba bumili ng mga materials para sa activity sa REED, at nagkataong ako yun. Hindi kasi ako nakabili ng black cartolina. So nagpasama ako sa isang groupmate na babae at nakabili kami. Hindi na ako umuwi dahil wala namang tao sa bahay, walang pagkain, walang kausap. Emo. Kaya sumama na lang ako sa mga berks ni groupmate. Puro sila babae. At ako, lalaki syempre! Look. O 'di ba kulay brown at mahaba....ang slacks ko! Sa babae kasi green. (Please bare with my kakornihan. 'Di niyo naman ata gets e.)

So ayan, sa may kubo sila tumambay. E di syempre dun din ako. Kubo, ewan ko ba kung kubo ba talaga yun kasi sementado. Parang waiting shed na may bench at table lang. Pagdating pa lang namin ni groupmate doon e nagsasagot sila ng mga activity sa accounting. Ayus! Nakakaintimidate. Kung ikaw ang nandoon e siguradong mapapaaral ka talaga. OP ka kung hindi. Yun e feeling ko lang. 'Di din naman kasi ako nagsagot nung araw na yun. O sige. Ipapakilala ko na lang sila, ang hirap kasing sabihin na si friend1, friend2, or si friend ng friend. Mas madali pag may name. Si Jill, si Erika, si Emely, si Anne (My dear groupmate.), at si ♥Donna♥. Bakit may heart? Paki niyo ba!

Nagaaral sila Jill, Donna, at Erika. Si Emely naman e tulog. Tinanong ako ni Jill kung bakit hindi ako umuwi. Sinagot ko naman. Ang sabi ko... (Read the first part para malaman ang dahilan ng 'di ko paguwi.). Akala ko e inaantok lang si Emely kaya natulog. Yun pala masama ang pakiramdam niya. So ayun. Niyaya niya si Anne na pumuntang clinic. Ipapacheck niya yata kung matino pa talaga si Anne. Syempre, a groupmate is a groupmate so sumama ako sa kanila.

Ngayon ko lang napansin, yung groupmate na word e nakaunderline ng red. Sabi dapat daw group mate. Ang naaalala ko kasi e classmate kaya one word na lang. Hayaan mo yung red line wala namang english teacher dyan sa tabi-tabi.

Habang tinatype ko yung nasa taas nito e nakapunta na kami sa clinic. Gulat ka no? Ayun. Nagpacheck si Emely. Sabi ng mga nandun e may schizophrenia daw si Anne! Baliw daw siya! Baliw! Loko lang. Ang nangyari e naiwan ako sa labas, chinecheck si Emely at si Anne e gumagala sa loob ng clinic. Maya-maya, lumabas si Anne. Naiiyak. Tagumpay daw ang operasyon.

Kasi ba naman! Ang tagal. Kaya nagkwentuhan na lang kamis a labas ng clinic. Nalaman ko ang talambuhay ni Anne. Ayus naman pala. Matinong kausap. Astig at pangMMK ang buhay. Gusto niyong malaman? Itanong niyo sa kanya.

Tadaaaaaaaaaa! Lumabas na si Emely! May hawak na kasulatan. Isang excuse letter at isang reseta. Hindi pala namimigay ng gamot sa clinic. Kailangan, yung may sakit ang bibili. So kung may mataas kang lagnat, kailangan mong gapangin ang botika para sa gamot mo. Ewan ko kung bakit ganoon dun. 'Di ko trip. Kaya sa mga ka-university ko, BAWAL MAGKASAKIT... sa loob ng university. Pinauwi na si Emely. Nagayos muna siya ng gamit, pumunta sa underground at kumuha ng gamit sa locker. Hinatid namin hanggang sa may...... intersection! 'Di ko kasi madescribe yung pinag-iwanan namin sa kanya. Ang sure ko lang e intersection yun papuntang gate 3.

Bumalik kami sa kubo AKA waiting shed. Nagaaral pa rin sila. Mga bandang 11:30-12. Yata. At nakaisip kumain yung barkadahan. At ayaw nilang iwanan yung pwesto nila para may babalikan pa sila mamaya. So isasakripisyo nila si Anne na maiwan habang bumibili or kumakain yung iba. Alam kai nila na kailangan din magdiet ni Anne. ROFL. Ako? Ako na ang nagpaiwan para magbantay ng bag habang naghihintay. Ayos! Nakakagutom.

Tic!
Tac!

May lalaking dumating at umupo dun sa bench sa table namin. Gumagawa yat ng assignment. Ewan ko kung naintimidate siya, kasi tinitingnan ko siya every moment na gagalaw siya. Stalker e no? Wala naman siyang ginawang kakaiba.

Tic!
Tac!

After craving for food. Dumating na din sila! Sa wakas! 'Di pa sila nakakabalik sa kubo e sinalubong ko na sila at nagmadali papunta sa pinakamalapit na kainan. Pagkabili ko dun ng meal, nakita ko yung isang classmate pa namin. Emo siya. Kumakain magisa. Burger, iced tea, at noodles. Lunch na pala niya yun. Isang table ang sinakop niya. Ewan ko kung bakit hindi na lang siya dun sa may mga upuan sa labas. Kasi kung ako yun e hahayaan ko na yung ibang tao sa table. Pero 'di na bali, wala naman masyadong tao noon. Kwentuhan tungkol sa ROTC, sa tatay niya, sa pamliya niya. Hindi ako masyadong nagsasalita kapag may nagkkwento, mga comments lang para hindi maputol yung topic. Mas trip ko kasing nakikinig lang at hayaan yung tao na magkwento. Yun e kapag hindi ako ang nagsimulang makipag-usap.

Mas nauna siyang kumain kesa sa akin pero mas nauna pa akong matapos. Hindi ko alam kung gutom lang ba talaga ako noon o parang pusa lang siyang kumain. Sinama ko na siya dun sa kubo at dumami kami. May mga extra kasi na nakiupo na. Mga 'di kilalang tao. Kwentuhan tungkol sa Windstruck, My Sassy Gril, Wrong Turn, Saw, at Deathnote. Ang daldal nung sinama ko sa kubo. Hindi tuloy makapagsalita si Anne. Sabay silang nagkkwento. Hindi ko alam kung kanino magfofocus at titingin. Hindi naman kasi pwedeng tig isang tenga at mata sila. Kaya ayun. Tumatango na lang ako.

2:30 umalis si MItch. (Yung sinama ko.) May gagawin pa daw kasi sila sa ROTC. Nagpatugtog ng Open Arms, at mga nakakanatok na music si Donna. Trip ko yung mga kantang yun. Once in a blue moon. At kapag gabi. Pero dude! Siesta time yun at mellow ang tugtugin. Inantok tuloy ako ng konti. Napunta ang usapan sa kung sino ang mas trip ko. Shaina Magdayao o Maja Salvador. Ako ang tinanong pero naunang sumagot si Donna. Syempre Maja! Kamukha daw kasi siya nun sabi ng nanay niya sa kanya. Natawa ako nun. Sumunod naman si Anne. Kamukha din daw siya ni Maja. 'Di ako natawa. Alam ko sa buong buhay ko! Hindi niya kamukha si Maja! Wahaha! Ang sagot ko na lang, wala. 'Di ko kasi trip yung dalawang yun. Sa tingin ko naman, kahit anong itsura mo e maganda o pogi ka sa mata ng nanay mo. May kumontra. Si Erika! Kinukuwestyon daw ng nanay niya ang tigyawat niya. Natawa tuloy ulit ako.

Madami pang mga nangyari nung hapon na yun. Maganda din pala minsan na sumama sa mga babae. Madami kang matututunan. Tulad ng.... Basta! (Parang wala naman akong natutunan noon.) Wala na akong maitype. Dito na lang muna. Share ko lang naman kung anong nangyari sa akin last week. Sige mga peeps! Happy Holidays!

(P.S. Ang saya kahapon! Thanks to Justin! Kung ano yun? Chat tayo kwento ko sa inyo! LOL. JK.)

Thursday, October 29, 2009

Happy Birthday

Happy Birthday, Special Treasure



God gave a gift to the world when you were born—
a person who loves, who cares,
who sees a person’s need and fills it,
who encourages and lifts people up,
who spends energy on others
rather than herself,
someone who touches each life she enters,
and makes a difference in the world,
because ripples of kindness flow outward
as each person you have touched, touches others.
Your birthday deserves to be a national holiday,
because you are a special treasure
for all that you’ve done.
May the love you have shown to others
return to you, multiplied.
I wish you the happiest of birthdays,
and many, many more,
so that others have time to appreciate you
as much as I do. By Joanna Fuchs
17 years ago nang parehong araw kahapon, may isinilang na sanggol na babae. Hindi ko alam kung natuwa ba ang magulang niya nung makita siya... Wala kasi ako doon nung pinanganak siya. Pinangalanan siyang Joanne Mariae. (Mariae as is marey.) Kung bakit ganoon ang pangalan niya? Ewan ko. Tingin ko wrong spelling lang yun. (Dakilang manghuhula.)
Syempre bata siya nun, malamang naglalaro siya, sumasayaw ng pamela wan, nagchinese garter, taguan, bahay-bahayan, taya-tayaan, habulan, nadapa, nasubsob, tumulo ang laway, lumobo ang sipon, pinagpawisan, blah blah blah. Lahat nang yan 'di ko sigurado. Hula lang kasi yan. Yung ibang sinabi ko kadiri, siguro naman 'di siya madungis dati.
Lumaki siya. (Syempre lumaki siya! Ano siya? Bansot?) Nauso sa kanya ang pag-aaral. Ayun, nagbunga naman. Graduate siya na may honor sa klase at tinitingala ng mga lalaki. (Rhyming yan. 'Di ko sure yung second part kung totoo. Hula again.)
Sa college life na niya ako papasok. (Yes! May parte na ako dito!) Nakita ko siya nung first day sa klase. Ayos! Isang babaeng bibong bibo sa mga teacher. Sa bawat tanong kailangan may sagot. Ang teacher ang nagtatanong, siya ang sumasagot. (Bastusing bata! Sumasagot!) Kumbaga sa aso, nagtapon si ma'am ng frisbee at siya naman ang nagfefetch. (Good dog!)
Syempre minsan may sad part din sa buhay niya. Nakipaglandian si boyfriend (Ouch!), nasabihan siyang malandi (Agh!), at naasar siya sa akin (Boom!). Okay naman siya ngayon. Minsan sa mga tawanan portion na kasama siya kahit 'di ako masyadong natatawa e napapahalakhak ako dahil sa tawa niya. (Be careful sa tawa syndrome.)
Natapos ang 1st sem. Birthday niya kahapon. Late akong nagpost nang request niya. Patay! So, ayan. Kwentong half barbero, half nakikibirthday. -Bow-

Thursday, July 9, 2009

My Sports Life 1

Napakadaming sport sa mundo na pwedeng laruin ng isang tao. May nakakapagod, may nakakasakit, may nakakahilo, may nakakauhaw, may mas magandang panoorin na lang sa TV, may nakaka"wow", at syempre, halos lahat naman e nakaka-enjoy. Mas maganda daw na habang bata pa lang ang isang tao e naeenhance na ang kakayahan nito sa isang sport.

Hindi ako masyadong active sa sports. Basketball, volleyball, swimming, badminton, etc. Sa mga team sports e medyo 'di ako welcome kasi medyo "malaki" ang katawan ko at alam kong ako ang tatalsik kapag banggaan mode na. Marunong ako ng basics ng basketball, wala lang application. Sa volleyball naman, naglalaro din ako 'nun. (Sporty ako e!) 'Di lang naman para sa babae ang volleyball. (Kasi naglalaro ako at alam kong tunay at hindi kulay pink ang dugong dumadaloy sa ugat ko.)

Dahil para akong si Nara Shikamaru mag-isip tamad ako, chess ang nakahiligan ko. Madali lang kasi 'yun, protect the king and conquer your enemies lang. (Kung magsalita akala mo Pro e 'no?) Madali lang 'yun kasi hindi mabigat ang hahawakan mo, chess piece lang. (Pwera na lang kung life size ang gamit mo.) Hindi mo kailangang tumakbo. (King mo lang ang tatakbo.) Utak lang at daliri ang gamit mo. 'Yan ang chess, pwede kang lumipat sa sport na yan kapag sawa ka na sa snake and ladders.

High School.

Syempre 1st yr e medyo "mabait" ka pa. Wala pa kami masyadong sport na nilalaro. Pero nung 2nd yr, nakilala ko si Jan-Ove Waldner ang table tennis. Syempre dahil 'di pa kami close e nakikisawsaw at nakikisali lang kami sa mga naglalarong higher years.

Ayan. Naglalaro na kami. Pero dumating yung time na medyo nagdamot na si tadhana at hindi na kami pinapahiram ng raketa.... at bola..... at pati net tinago na. Nalungkot kami ng mga kasama ko. Drama ng buhay namin. Dahil dito, nagsimula kaming maghimagsik. Nangako kami sa aming mga sarili na sa oras na magkabola at raketa kami e 'di din namin sila papahiramin. (Ayos ba story? Read on!)

May mga napipilitang mabubuting tao pa naman na nagpapahiram ng bola sa amin. Pero wala pa ring raketa. Dahil sa kahirapan, sirang arm chair ang gamit namin. (Tiis-tiis na lang kami. Inggit sila, fast learner kasi kami. lol)

One day, bumili ako ng raketa. (Friends na kami ng table tennis.) E 'di meron na kaming isang raketa.

Laro..

Laro..

Laro..

May dumating pang raketa after 1 week. 'Di lang isa, dalawa pa! E 'di masaya na kami kahit pangit yung 2nd at 3rd racket. Training Laro na kami kahit ma-late minsan!

Dumating ang intrams at sumali ako sa table tennis. Naging CHAMPION! Yehey! (Tinatamad kasi yata yung last kong kalaban.) Tuwa na ako nyan. Astig!

Tapos, dahil nagagandahan ka na sa kwento ko, gaagwin kong 2 parts 'to para mabitin ka. Gabi na kasi, I need to study. (Weh? 'Di nga?)

_END_

Next chapter: The Sport 2

Tuesday, June 23, 2009

Son of An -Ism!

For now, magkukwento lang muna ako about sa mga pangyayari sa early college days ko. Kung may maisip kayong topic na madadalian ako sa paggawa e i-comment niyo lang dito at titingnan ko. (Titingnan ko lang. 'Di ko gagawin.)

English subject, tungkol sa mga count at non-count nouns ang topic. (College na nga ba ako o elementary ulit?) Sa non-count nouns na uso ang mga salitang may -ism ang dulo dahil itong mga 'to yung madalas na kaisipan lang at hindi nahahawakan.

Give examples daw sabi ni ma'am. Mutualism po! (Naalala niya dahil topic namin 'yun sa ecology kailan lang.) Nagulat si ma'am! (Parang narinig ko pa siyang nagsabing "WTF is mutualism?!" *Joke*) Ngayon lang daw niya narinig yung word na 'yun. (Yes! May natutunan siya galing sa amin!) Inexplain pa ng chorus ng klase kung ano ang meaning ng mutualism. (Kung 'di niyo alam e search niyo na lang. Nasa baba ang notes ko at 'di ko tanda ang meaning nun. *Bobo! Bobo! Bobo!*)

Natapos ang mutualism era. Sumunod, parasitism! (Naging mga pang-science na ang mga examples namin!) OK daw sabi ni ma'am. Next! Dahil mukhang walang maisip si classmate e nasabi niyang organism po! (Wow! Pati 'yun nahalukay pa niya!) Tama naman daw sabi ni ma'am kaso 'wag daw puro science. Nauso ang patriotism, nationalism, regionalism, capitalism, at lahat ng mga may kaugnayan sa pagiging makabayan. (Kung meron sigurong barangayism e nasabi na din.)

Medyo nauubusan na ang klase. Hanggang sa may isang nagtaas ng kamay! Tentenenen-tenen! The last answer! VANDALISM! Yahoo! Ayos ang naisip niya! Inspired siguro ng mga nakasulat at drawing sa armchair niya. (May isang drawing akong nakita na parang ano ng lalaki. In fairness, kamukha nga! So artistic!)

Ayan. Natapos na ang english. Pero ang -ism na salita hindi pa! Natuloy ito sa last subject.

Religion!

Dumating na naman ang (entertainer) teacher namin. Siya yung kwelang teacher namin na makulit. Uso naman sa religion ang -ism dahil sa mga "different kinds of faith".

As usual, give examples na naman daw!

Christianism (Mga kristyano!), Buddhism(Mga shaolin!), Confucianism (Mga Confused lagi!), Hinduism(Mga nagtitinda ng DVD!), Taoism (Tao?), at kung anu-ano pang mga relihiyon. Pati nga kay Rizal nabanggit e. At syempre ang favorite ko. 'Di namin sure kung meron nga bang religion na ganito. Pero kung meron man, sila ang madalas sumasayaw ng Jai Ho. JAINISM! Pagkarinig ko pa lang dito parang biglang nagplay ang Jai Ho sa utak ko.

'Yan lang po. Share ko lang ang -ism words.

Sunday, June 21, 2009

Back to School!

College na ako. Syempre kailangan kong pumasok sa 1st day. Matagal ko nang kilala ang university na papasukan ko. Simula noong bata pa ako, hindi pwedeng hindi ko madadaanan 'yan tuwing sasakay ako ng jeep. Ang university na 'yan ay ang walang katinag-tinag na DLSU-D. (Halos 40% siguro ng graduates sa school ko e d'yan na matatagpuan.)

Course? Accountancy! (Whoa! Bigtime ba?) Medyo mahirap daw ang course na kinuha ko. (Medyo nga lang ba? O pampalubag-loob lang 'yun? Let's see.) Madaming naghahangad na mag-accountancy kaso hindi lahat nakakapasa sa qualifications. ('Di kasama ang kagandahang lalaki d'yan kaya welcome ang lahat!)

OK, game na.

1st Day!

(Kabado.) Ayokong tumayo sa harap at magpakilala. 'Di ako sanay makipag-usap sa iba. (Emo? 'Di din. Shy-type? Oo. Para kunwari napakabuting tao mo.) 1 and 1/2 hr ang unang subject. 15mins late ang prof e pwede ka nang umalis dahil considered absent na siya. 13mins nang late si ma'am. Syempre excited na ako. Kaso, palpak! Nakita ko ang anino niya sa labas ng room na naglalakad papunta sa pinto ng room. Bigla akong napaisip na sana e may humarang sa kanya at makipagkwentuhan para 'di siya makapasok sa room at ma-late. Mali ako. Pumasok siya ng 'di late. 13.5mins pa lang ng dumating siya. 1.5mins na lang 'di pa niya tinuloy. (Whew! Sayang!)

English subject ang una. Syempre mas kakabahan ka dahil 'di ka lang basta-basta magpapakilala. Dapat in english. E 'di nosebleed na ako noon. (Buti 'di ako hinimatay!) Swerte! 'Di na talaga uso sa college ang magpapakilala ka sa harap. (Lalo na kung 45 kayo sa klase at nagsisimula sa letter "A" ang surname mo. Ang laking ginhawa!)

Natapos ang english.

Late na sumunod ang psychology. (Matakaw sa oras kasi ang english namin.) First impression sa teacher- TERROR! Pero mali ako. (Mali na naman?) Isa siyang kwelang teacher. Galing daw siya sa kumbento. (Dating nagmadre pero 'di nakatiis.) Naaliw naman ako sa kanya. 'Di siya boring. 'Di din siya nagtawag para magpakilala. 'Di din siya agad nagklase! (Yahoo! 'Yan ang magandang teacher!)

Natapos ang psychology.

Lunch break.

Meron akong kaklase na schoolmate ko 'din dati kaya sa kanya ako sumama. Kaso madami siyang kasama kaya nagpaka loner na lang ako. (Emo? Sabing hindi nga e!) Pagkakain ko, walang matambayan kaya nagPC na lang ako.

Muntik na akong ma-late pagbalik dahil akala ko 11:30 pa. Filipino ang subject. Nakakatakot ang teacher namin by looks pero mabait naman. Nahihirapan daw siya na magbagsak ng estudyante. (Pabor sa akin 'to!) Wala pa kaming ginawa kung 'di ang syllabus na naman.

Noong magtitime na, may nakita akong (payaso) teacher na sumilip sa bintana. Siya pala ang teacher namin sa religion.

Noong una kong nakita ang religion na subject namin ang buong akala ko e pari or madre ang papasok. Pero mali ako! (Lagi na lang akong mali! Wala na akong ginawang tama!) Ang pumasok e isang lalaking ala japanese na samurai ang hairstyle ang pumasok sa room. Tinanong niya kami kung anong course namin dahil baka naliligaw siya. Tama! 'Di siya naliligaw! Siya talaga ang prof namin sa religion. Kwela siya. Payaso talaga. Nakakaaliw at nakakabaliw. (Lalo na't may tonong bisaya pa ang pagsasalita niya.) Dito ko nagustuhan ang religion na subject. (Bakit kaya siya naging religion teacher?)

Time na! Uwian mode!

Ayan ang nangyari sa 1st day ko sa school. Fast forward na lang!

Summary: Nakakaaliw ang 1st day! (Dahil walang introduce yourself part!)

Wednesday, May 13, 2009

Physical Education

Bukod sa break(2nd choice) at uwian(1st choice), 'eto yung 3rd sa paborito kong part ng pag-aaral at pag pasok. Ang walang kamatayang physical education. Simula pre-school hanggang college meron nyan.

Sa elementary, yan yung time kung saan pwede kang maglaro ng kahit anong laro na alam mo. (Kung hindi naman nakabase sa book yung teacher mo.) Pipili ka lang kung saan ang "forte" (FTW! English!) mo. Text, jolen, pogs, chinese garter, 5-10s, sipa, ice ice water, sapakan, asaran, balyahan, sampalan, o kahit sabunutan. (Sumpak na ang gagamitin mo kapag mataas na ang experience mo sa mga 'yan.)

Sa high school medyo iba na ang ginagawa ng mga estudyante. Madalas 'eh gumagamit na sila ng libro kaya ang madalas na P.E. 'eh sayaw at exercise. Pero kapag swerte ka at hindi pa rin gumagamit ng book si ma'am/sir 'eh malaya ka ding gawin ang gusto mo. Mag kulot ng buhok, manalamin, mag-nail cutter, manligaw sa crush, magsugal, at maglaro ng kung anu-ano. (Ano ba madalas laruin ng boys kapag HS na? Hmmm.)

Sa college, pareho din nung sa high school pero siguradong hindi ka na pwedeng maging happy-go-lucky dito dahil madalas 'eh madaming ginagawa pag-P.E..

Last school year, (4th yr HS ako.) napakasaya ko tuwing P.E.. Walang ginagawa ang buong klase namin. (Halos lahat kasi sa amin 'eh varsity. Sporty kasi kami 'eh!) Kaming mga boys 'eh nagpapapawis sa table tennis ('Di required sa amin 'yun. Bisyo lang.) at yung mga babae 'eh nagpapalamig sa airconditioned classroom namin. (Sosyal!) Laking pasasalamat ko kay Bro nung mga panahong 'yun.

PERO! Dumating na ang araw na nagtanggal ng mga happy moments ng P.E. para sa akin. 4th yr, 4th grading, 1st time. Nagbago ang ihip ng hangin kasabay ng anunsyo na nagbago na daw ang P.E.. Swimming na daw. FTW na sana. Kaso kapag nasa pool ako 'eh para akong barya na hindi nakakalutang sa tubig. OMG! 'Di ako marunong lumangoy. Paano na ako at ang sporty image ko? (WTF!) Once a week ang P.E.. Nagkaron kami ng 2months na ganun. 8x na P.E.! Paano na ako? Swerte at madalas may event ang magiting kong school kaya nabawasan ng ilang weeks ang P.E.. (Ang pesteng P.E.!) Wala akong ginawang activity 'dun sa subject na 'yun. Naging mahirap ang sitwasyon ko. SHS pa naman akong naturingan. Tapos babagsak sa P.E.? OMG! Pinipilit ko namang gawin ang kaya ko, pero ganoon talaga ang kinalalabasan, lulubog ng at lulubog na parang bato. Dumating 'yung finals. Patay! 'Di ako lumangoy. Kasama ng iba kong kaklase 'eh humingi kami ng extra na week. Approved kami!

NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT, dumating ang the day before tomorrow. (Tomorrow is the day of my life! Finals naming mga natira!) Nakita namin si sir sa may lobby. Ginreet pa namin siya at sinabihan na "Sir! Bukas ha! Paturo muna kami!" tapos sumagot siya. Dineclare daw ni Madame Director na wala nang P.E.. OMG! Patay ang grade ko! (Ginreet pa naman kita ng good afternoon tapos 'eto lang ang igaganti mo?)

Depressed, tired, at suicidal na siguro ako nung mga panahon na 'yun. (OA!) Pinalipas ko na lang. Graduating ako, may mga grades na 90+ pero magkakaroon ng isang palakol. (70) Masakit pero kailangan tanggapin. Bata pa ako at 'di ako handa na kumuha ng lubid at isampay ang sarili sa hagdan. Namuhay ako ng payapa hanggang sa dumating ang oras ng kuhaan ng card.

"YAHOOOOOOOOOOOOOOOOO!" Sigaw ng puso kong patumbling-tumbling sa tuwa. Nakakuha ako ng 95 sa P.E.! Isang himala, mirakulo, senakulo, sira ulo. Salamat sa teacher ko at mukhang nakita naman niya ang pagsisikap kong 'wag malunod sa pool dahil mas pinili na lang niyang mag darts at magbunutan para sa grade ko. (Saan kaya niya nakuha 'yung 95 na nakasulat doon?)

Graduate na ako last March. Walang palakol. Success! Salamat kay sir! Mwah! Utang ko sa'yo ang pananatiling maganda ng card ko hanggang sa huli. Ang bait mo! (Sana kunin ka na ni Lord! Jokes!)

Ayan. 'Yan ang kwento ng P.E. ko. Dito na muna. Bakasyon pa kasi at walang P.E. kapag bakasyon.

(P.S. 'Eto ang topic ko ngayon dahil tribute ito sa Social Dance na P.E. ng "manager" ko sa papasukan niyang University! Goodluck! Giling na!)

Saturday, May 9, 2009

School: My Second Home

Sabi nila eskwelahan daw ang pangalawa nating tahanan at ang mga teachers natin ang pangalawa nating parents. Madami akong naging teachers. (Ibig bang sabihin lahat sila nanay at tatay ko?) May mga mabait, makulit, mataray, malambing, mayabang, pa-humble, matalino, nagmamarunong, maganda, at merong mahilig magpaganda kahit walang pagasa.

Naaliw ako sa mga teacher na medyo kalog at makulit pero magaling magturo. Noong 2nd yr ako, may teacher kami sa computer na medyo may pagkapilyo at lagi niyang nahahaluan ang mga lesson namin ng mga bagay na kinatutwa ng mga lalaki at kinaiilang ng mga babae. (Partida computer subject 'yon. Paano pa kaya kung science at ang topic 'eh parts of a female body?) Naaaliw ako tuwing nagkaklase kami sa kanya dahil naituturo naman niya ng tama ang mga lesson namin kahit laging may mga ibang ideya na sumasagi sa isip namin. Minsan 'eh nagklase kami tungkol sa mga tao na may kinalaman sa pag-upgrade ng computer mula sa abacus. Na-tackle namin ung babaeng ang name 'eh Anna Moran ('Di ko sure kung Anna nga.) tapos ang sabi nung teacher namin 'eh kapatid daw nun si Tina. Inisip namin, "so what kung kapatid niya si Tina, sino ba yun?". Then after a while, nakuha na namin ang ibig sabihin. Tina Moran, siya si Tina Moran. ('Di ko na ilalagay ang meaning niyan pero 1word lang yang name na yan at nakakadiri na ang kalalabasan!) Tawanan to the max kami noong mga panahon na 'yon. The girls? Yung iba nakitawa, yung iba nagiisip kung ano ang meron doon, at yung iba 'eh nagkukunwaring alam nila ang pinagtatawanan naming mga lalaki.

Masasabi kong masaya sa school. Araw-araw kang may pera. Araw-araw kang umaalis ng bahay. Araw-araw kang nang-iinis ng teacher.  Araw-araw kang may ka-jamming sa pagkanta. 'Yon nga lang, araw-araw kang nag-aaral, naglilinis ng classroom 'pag uwian, nag-lelecture, nakikinig sa mga formula sa Physics, at nagsosolve ng equations sa Calculus.

Madalas kapag free time naglalaro ng jolen, sipa, taya-tayaan, tumbang preso, 5-10s, at kahit sapakan ang mga elementary students. Ang high school naman, DOTA, kopya ng assignment para sa next subject, review para sa exam dahil hindi nagawa kagabi, at nakikipagligawan sa kabilang room.

Ako simple lang, nag-chess at table tennis. (Proud to be varsity!) Minsan na-lalate kami sa klase dahil nasa roofdeck ang table at nasa 4th floor ang room namin. (Kasalanan ng table 'yon!) Napapagalitan, nagsisisi, at ginagawa ulit. Ganyan ang buhay ko sa school.

Masayang matuto. Masayang mag-aral. Kasi nga nandyan ang mga classmates, teachers, parents, schoolmates, at pati yung janitor at guard niyo para makasama mo the whole year pwera lang sa weekends at holidays.

Sayang nga lang dahil hindi lahat 'eh nararamdaman yung ganyan. Hindi lahat nakakapag-aral. Merong mga nakapag-aral nga, hindi naman nakapagtapos. Kaya kayo! Kung mag-aaral kayo siguraduhin niyo na makukuha niyo yung diploma niyo bago magloko. (College diploma ha!) Kahit halos bagsak ang lahat ng subjects niyo basta nakuha niyo yung diploma niyo, ok lang. Kahit butas ang polo at pants mo basta nakuha mo yung diploma mo, ok lang. Konting tiis lang yan. 17 years ka lang naman mag-aaral. (Saglit lang yan 'di ba?)

Nai-share ko na sa inyo ang dapat i-share para sa araw na ito. Sana lang may makabasa naman. Visit niyo lang 'to. Update ko everyday if possible.