+Positive+
Masarap talagang mangarap ng kung anu-ano.Pwede kang mangarap na maging mayaman, magkaroon ng bagong kotse, sariling Disneyland, private island, maging presidente ng US, at kahit matutong lumipad. Ayos lang mangarap ng imposible wag mo lang masyadong dibdibin at baka bumagsak ka ng super taas kapag di mo iyon naabot at mahantong sa isang karumaldumal na kalungkutan. Masaya mangarap dahil walang kang gagastusin dito. Libre lang mangarap. Uupo ka lang. Tutulala. Mag-iisip. Kahit tulog ka pwede mo 'tong gawin 'yun nga lang iba na ang tawag. Panaginip.
Noong maliit na bata pa lang ako pinangarap ko na maging astronaut, lumipad sa labas ng mundo, magdiscover ng ibang planeta, at tumira sa spaceship. Masyadong mataas ang pangarap ko. Mabuti at hindi ko dinibdib masyado hanggang sa paglaki ko dahil kung hindi 'eh baka naging bulok na geek na ako 'eh hindi ko pa natutupad iyon. Sa ngayon, mga mababaw na pangarap lang ang afford ko. Magpalevel sa mga nilalaro ko, tumaba, lumakas, at mabuhay.
-Negative-
Minsan ka na lang mangarap. Alam mong abot na abot mo na iyon. Pero di ka pinagbigyan ni Mr. Tadhana. Parang isusubo mo na lang 'eh bigla pang nabali ang super tigas na kutsara mo. 'Yun ung masakit. Hindi na 50-50 ang rate. 99-1 na kaso nanalo pa yung 1. Parang 1vs100 ba.
Ito ang isang part ng makulay kong love life.
May isang babae na medyo matagal ko nang kaklase. Hindi siya kagandahan pero matalino. (Wala namang bobo di ba?) Sa iilang babae na naging girlfriend ko 'eh wala naman sa kanya ang standards ng isang babaeng gugustuhin kong maging girlfriend. Pero, ngunit, subalit, datapwat(Sweet is that you?) isang araw 'eh nabuo yung sinasabing "Jigsaw Puzzle" at nakabuo ng Heart shape at ang nakalagay 'eh I Love Her. ('wag nyong isipin ng literal!) Naging siya na "YATA" ang isa sa mga pangarap ko.
Bakit ako na-inlove sa isang tulad niya? Kahit ako 'di ko alam. Minsan 'eh shinare ko 'yung story ko sa isang aso este kaklase pala. Medyo may pagkatuso ang tono niya nung sinabi niya na "ligawan mo na!". Syempre 'di ako nagpatukso sa kanya. (Ako bida 'eh 'di ba?) After 1 week, kumalat ang balita, nagkaroon ng tenga ang lupa, at natutong magkalat ng chismis ang mga aso. Nalaman na niya. Patay.
Wala na akong magagawa. Alam na niya. Medyo naging iwas siya sa akin. (Kailan ba hindi?) Letseng aso 'yan makalat talaga. Sabay tuwing kinakausap ko naman ung pinagsabihan kong kaklase(Si Aso) 'eh parang kilig na kilig siya habang sinasabi na "Hindi ako nagkalat ng kwento. Wala akong sinasabi sa kanila."
Magtatapos na ang school year. Malapit na ang graduation. Ano ang gagawin ko? Itutuloy ba o pack-up na? Wala akong ginawa. Hindi ko tinuloy, hindi ko din hininto. (Wala naman kasi akong sinimulan.) Medyo kinausap naman niya ako nung mga last days na. Noong graduation 'eh binigyan ko siya ng bracelet na sa kasamaang palad 'eh hindi daw kasya. (Regular naman ang haba ng kinuha ko. 'Di kaya nagiging Incredible Hulk siya kaya 'di kasya?)
Naging mag-textmates kami kailan lang. Umamin na ako. Ang sabi niya 'eh "Friends tayo 'di ba?" na parang ang talagang gustong sabihin 'eh "Maging friends na lang kasi tayo! Tama na 'yon!". Oo naman ako. Kaso gusto ko sana ituloy hanggang sa isang araw 'eh may load siya. Nagpaload naman ako. Ayaw pala niya ng nagloload ang ibang tao dahil lang nagtext siya. Tapos 'di na siya nag-text noon simula nung nagpadala ako ng love quotes. Mali ako. Kung friends, friends na lang talaga dapat. Bigo na ako sa pangarap ko. 'yun ang masakit.
Ngayon ayos naman ako. Happy outside, sad inside pero 'di dahil sa kanya. Madami din akong iniisip 'no! Hindi puro pag-ibig! Kwento ko na lang next time. (Kapag sinipag at nasa mood!)
~See 'ya next time dudes!~
(Spoiler: Inspired by her name ang title nito!)
(P.S. dahil sa'yo nabuo ang 2nd blog ko. Salamat!)
andrama. pero tama, hndi lhat nkukuha! :D
ReplyDeletewhoa! 1st comment ko n ntanggap ah.. tnx faye!
ReplyDeletetutuo pala yun?
ReplyDeletehala. kala ko biruan lang.
sayang naman.
[o dba lahat ng blog mu ata, e kinomentan koo.]
ps. nalungkot aku dahil ditu. :(
wla ako alam dito XD
ReplyDelete