Ako ay isang simpleng tao na namumuhay ng simple, kumakain sa tamang oras, natutulog sa gabi, imiinom ng tubig, naliligo, nag-iisip ng tulad ng isang normal na indibidwal, at mahilig sa computer.
Matagal ko nang iniisip na gumawa ng isang blog tulad nito pero madalas eh' tinatamad ako. Estudyante pa lang ako, anong mapapala ko kung uubusin ko ang oras sa ganito? Natipuhan ko lang 'to dahil sa mga author ng libro tulad nila Bob Ong at Jay Panti. Nakakaaliw ang mga akda nila at may mapupulot ka namang aral sa mga ito (Hindi ko lang sigurado kung meron nga sa mga akda ni Jay). Hindi ko sinimulan ang topic na ito para lang i-advertise ang mga libro nila at pasikatin ang pangalan nila. Intro ko lang ito sa mundo ng mga blog. Talaan ng buhay ng tao, kwentuhan, paglalabas ng saloobin, at kahit chismisan lang.
Noong napansin ko na may site pala na tulad nito eh' wala pa akong pakialam dahil iniisip ko na hindi naman sikat 'to. Medyo nahumaling lang ako na subukan ito dahil may isa akong kaklase na may site din dito (Siguro eh' gusto ko lang siyang tapatan). (Kung mapapansin niyo..) Hindi english ang pagkakagawa ko dito para mas madaling intindihin ng mga kapwa pinoy ko, mo, at niya. Isa pang dahilan kaya hindi ko ginawang english 'to eh' dahil sa mahirap mag-explain ng malalim sa english at kahit naman tagalog 'to eh' siguradong mapipilitan din akong maglagay ng english words tulad nung naka italic na format kanina. Lahat ng gagawin kong blog eh' asahan niyo na tagalog ang laman kahit na english ang title.
Oh siya siya. Tatapusin ko muna 'tong una kong blog sa aking talambuhay. Kung may mali sa grammar ko wag kayong matakot na magpost at tumuligsa. Hindi ako nangangain ng tao. Sige mga dude. 'Til my next post!
No comments:
Post a Comment