Mukha bang seryoso 'yung title? (Sana naman oo.) Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng 7,107 islands. According to my "very reliable source" (Wikipedia) tayo daw ang 12th sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. (Oh 'di ba? Sipag nila mommy at daddy?) Pang-47th naman daw tayo kung national economy ang pag-uusapan. (Kung 'di kaya corrupt yung iba dyan, pang-ilan kaya tayo?)
333years tayong naging kolonya ng Spain. Tapos nakibakbakan din tayo sa U.S. at Japan. (Kung tutuusin 'eh siguro hybrid na tayo ng apat na lahi.) Mahirap ang naging buhay ng mga Pilipino noon dahil nga "bang" dito at "boom" naman doon ang laging nagaganap. Araw at gabi o kahit siguro sa madaling araw.
Magiting ang mga pinoy. Kahit noong hinarap nila yung unang batch ng mga kalaban na pinamumunuan ni Magellan at bolo lang ang gamit nila 'eh nanalo pa sila. (Namatay nga lang ang bidang si Lapu-Lapu.) Madami tayong naging mga bayani. Andres Bonifacio, Jose Rizal, Emilio Jacinto, Emilio Aguinaldo, Marcelo H. del Pilar, at kahit 'yung mga katutubo na hindi lang nakalista ang pangalan at hindi nakalibing sa libingan ng mga bayani.
Habang ginagawa ko 'to 'eh hawak ko yung November 2008 issue ng isang magazine na nakita ko dito sa bahay. (Kumikidlat noong isang araw, mag-isa ako kaya takot ako manood dahil baka nga tamaan ako. Binasa ko na lang yung magazine.) May mga parts dito about Philippines. Yung isa 'eh tungkol sa kagitingan ng mga Igorot. Dati daw kasi 'eh sila yung parang ginawang "spy" ng mga Amerikano para i-penetrate (Ftw! English 'yon oh!) ang base ng mga Japanese. Nag-huhubo pa sila tatang para lang makapag-camouflague sa kadiliman ng gabi. (Buti madilim, walang nakakita sa "swords" nila.) Sila din ang nagsasabi sa mga Amerikano para lumiko sa mga daanan kapag nakasakay sa tangke dahil 'di pa yata uso ang nightvision na mga gadgets at ang mga katutubo lang ang nakakaalam ng mga shortcuts.
Merong part na naghagis ng granada yung mga kontrabida dun sa Igorot na soldiers pero naunahan nila na barilin yung mga 'yon. (Hanep, saved by the bell sila.) Naging sugatan sila manong at syempre nabigyan ng award para sa ginawa nilang kagitingan. (Bakit sila binigyan ng award? Dahil ba sa tapang nila, o dahil nasugatan sila at nakaligtas?)
Ngayon, wala nang Spaniads, Americans, at Japanese na sasakop sa atin. Pero meron pang kalaban. Yung mga makakati ang kamay na tao. Sabik sa pera. (Pwede na ba akong tumakbo na Mayor?)
'Di ako ganoon katanda para pangaralan sila at ipaunawa sa inyo kung anong meron sa kanila. Pero dahil sa kanila hindi pa rin bumabangon ang 'Pinas. Bagsak pa rin ang mga tao dito. Madaming naghihirap, walang makain, walang bahay, walang pera, at yung iba 'eh walang underwear.
Eleksyon pa lang dayaan na. May mga nagsasabi na kahit yung botohan kung sino ang magiging presidente ng KKK 'eh nagkadayaan din daw. At kasabwat daw si Emilio Aguinaldo sa pagkamatay ni Andres Bonifacio dahil nga sa ibang paniniwala nito. Sana lang hindi totoo ang mga ganitong mga bagay. Kahit bayani 'eh nagpapatayan pa.
Kung meron man na makakabasa nito na tatakbo para sa eleksyon. Isipin mo muna kung ano ang dahilan kung bakit ka tatakbo. (Bakit 'di ka na lang maglakad?) Dahil ba sa pera? Sa mga oportunidad na dala ng gobyerno? O dahil sisikat ng biglaan ang buong angkan mo? Sana 'eh wala dyan ang sagot mo. Sana ang sagot mo 'eh gusto kong maglingkod. (Try mo MMDA.)
Ayan. Seryosong usapan na nabahiran ng kalokohan. Tatapusin ko na muna dito 'to. Sana ma-enjoy niyo 'to peeps.
(P.S. Pwede na ba akong history teacher? Mayor? Presidente? MMDA? Bayani? O bagong kritiko ni PGMA?)
No comments:
Post a Comment