Oh my God!
'Yan yung expression ng madaming tao kapag may nagaganap na kakaiba, kabighabighani, karumaldumal, nakakadiri, nakamamangha, nakakamangmang, at kahit kapag nakakagawa tayo ng kamalian sa buhay.
Examples:
"Oh my God! Hindi pala chewing gum yung natapakan ko. Tae pala ng aso!"
"Oh my God! Nakukuryente na siya oh!"
"Oh my God! Wala na akong pera!"
Nakakaaliw minsan makarinig ng taong nag-tataglish para maging mukhang sosyal. (Hey! Where na you? Dito na me!) Minsan naman 'eh parang nakakairita na din kung lagi mo na lang iyon na maririnig lalo na kung ang mga gumagamit 'eh mukha namang timang mag-english.
Examples:
"OMG! Did you saw that?"
"There's a airplane!"
Ayan. Pangit pakinggan. Para kang nagcheck, double check, tapos 6x6=30. (ftw! Sinong sumagot nito?) Madalas naman 'eh ginagawa na lang ng mga komedyante na mali ang grammar nila para magpatawa tulad nila Alyssa Alano, Ethel Booba, Keana Reeves, at Angelica Jones. Naging successful naman sila kahit paano. (Sa pagiging model ng kamalian sa grammar.)
'Eto na. Back to the original topic. OMG! Nagpadala ng message sa akin si "Another Dream". Nabasa daw niya yung blog ko. NapaOMG talaga ako dahil sa mali ang inakala ko. Yung bracelet pala 'eh super luwag daw. Kaya hindi kasya sa kanya. (Kasi ba naman ang sabi nila "hindi kasya" kaya akala ko 'eh sobrang sikip. Ikaw ba anong iisipin mo 'dun?)
Kaya mga mare, pare, kuya, ate, tito, tita, girl, boy, chiksilog, leslie, at bantay. Inaako ko po ang kasalanan sa paglalabas ng isang maling impormasyon. (May nakasampang kaso na ba laban sa akin?) Hindi po masikip yung bracelet kay "another dream", hindi din daw ("DAW") po siya nagiging Incredible Hulk. The truth is, masyadong malaki yung bracelet para sa kanya. Hindi siya si Incredible Hulk pero siya si Thumbellina. (Sabi ng "manager" ko 'eh tama daw spelling ng Thumbellina ko. Kung mali 'eh siya ang sisihin niyo.)
Nasabi ko na ang dahilan kung bakit ito yung blog ko for today. Tama na yan. Sige dudes. Let's call it a blog na. Publish!
bkt nga b yn bLog mo?? hmm.. nweii, supOrtado k tlga ni manager ha. hehe :) kip it up :)
ReplyDeletePara kang nagcheck, double check, tapos 6×6=30.
ReplyDeletewaha. natawa ako. share.ü
avid reader mo ko e. :p
haha. nice one! =)))
ReplyDelete