Sabi nila eskwelahan daw ang pangalawa nating tahanan at ang mga teachers natin ang pangalawa nating parents. Madami akong naging teachers. (Ibig bang sabihin lahat sila nanay at tatay ko?) May mga mabait, makulit, mataray, malambing, mayabang, pa-humble, matalino, nagmamarunong, maganda, at merong mahilig magpaganda kahit walang pagasa.
Naaliw ako sa mga teacher na medyo kalog at makulit pero magaling magturo. Noong 2nd yr ako, may teacher kami sa computer na medyo may pagkapilyo at lagi niyang nahahaluan ang mga lesson namin ng mga bagay na kinatutwa ng mga lalaki at kinaiilang ng mga babae. (Partida computer subject 'yon. Paano pa kaya kung science at ang topic 'eh parts of a female body?) Naaaliw ako tuwing nagkaklase kami sa kanya dahil naituturo naman niya ng tama ang mga lesson namin kahit laging may mga ibang ideya na sumasagi sa isip namin. Minsan 'eh nagklase kami tungkol sa mga tao na may kinalaman sa pag-upgrade ng computer mula sa abacus. Na-tackle namin ung babaeng ang name 'eh Anna Moran ('Di ko sure kung Anna nga.) tapos ang sabi nung teacher namin 'eh kapatid daw nun si Tina. Inisip namin, "so what kung kapatid niya si Tina, sino ba yun?". Then after a while, nakuha na namin ang ibig sabihin. Tina Moran, siya si Tina Moran. ('Di ko na ilalagay ang meaning niyan pero 1word lang yang name na yan at nakakadiri na ang kalalabasan!) Tawanan to the max kami noong mga panahon na 'yon. The girls? Yung iba nakitawa, yung iba nagiisip kung ano ang meron doon, at yung iba 'eh nagkukunwaring alam nila ang pinagtatawanan naming mga lalaki.
Masasabi kong masaya sa school. Araw-araw kang may pera. Araw-araw kang umaalis ng bahay. Araw-araw kang nang-iinis ng teacher. Araw-araw kang may ka-jamming sa pagkanta. 'Yon nga lang, araw-araw kang nag-aaral, naglilinis ng classroom 'pag uwian, nag-lelecture, nakikinig sa mga formula sa Physics, at nagsosolve ng equations sa Calculus.
Madalas kapag free time naglalaro ng jolen, sipa, taya-tayaan, tumbang preso, 5-10s, at kahit sapakan ang mga elementary students. Ang high school naman, DOTA, kopya ng assignment para sa next subject, review para sa exam dahil hindi nagawa kagabi, at nakikipagligawan sa kabilang room.
Ako simple lang, nag-chess at table tennis. (Proud to be varsity!) Minsan na-lalate kami sa klase dahil nasa roofdeck ang table at nasa 4th floor ang room namin. (Kasalanan ng table 'yon!) Napapagalitan, nagsisisi, at ginagawa ulit. Ganyan ang buhay ko sa school.
Masayang matuto. Masayang mag-aral. Kasi nga nandyan ang mga classmates, teachers, parents, schoolmates, at pati yung janitor at guard niyo para makasama mo the whole year pwera lang sa weekends at holidays.
Sayang nga lang dahil hindi lahat 'eh nararamdaman yung ganyan. Hindi lahat nakakapag-aral. Merong mga nakapag-aral nga, hindi naman nakapagtapos. Kaya kayo! Kung mag-aaral kayo siguraduhin niyo na makukuha niyo yung diploma niyo bago magloko. (College diploma ha!) Kahit halos bagsak ang lahat ng subjects niyo basta nakuha niyo yung diploma niyo, ok lang. Kahit butas ang polo at pants mo basta nakuha mo yung diploma mo, ok lang. Konting tiis lang yan. 17 years ka lang naman mag-aaral. (Saglit lang yan 'di ba?)
Nai-share ko na sa inyo ang dapat i-share para sa araw na ito. Sana lang may makabasa naman. Visit niyo lang 'to. Update ko everyday if possible.
tina moran?wahahahahahaha,can't stop laughing.:))
ReplyDeletebastos tina moran. amp wahaha!
ReplyDelete