Sunday, May 24, 2009

Ako Mismo

Astig 'yung commercial ng "Ako Mismo". Bukod sa maganda si Maxene Magalona (Primary na dahilan kung bakit gusto ko 'yun.), madami silang sinabi na kailangan ng bansa para umunlad. Pagkakaisa, pagiging tapat sa gawain, pagiging mabuti sa kapwa, kawalan ng corruption, at blah blah blah. (Sana pala kinabisado ko 'no?)

Binisita ko 'yung site ng "Ako Mismo". May message 'dun na parang intro sa site. Medyo nagustuhan ko 'yung mga nakalagay 'dun.

Ang pinakamalaking problema ng Pilipinas ay hindi kahirapan, katiwalian, o kawalan ng kapayapaan kundi ang pagwawalang bahala ng mamamayan. Simulan mo ang pagkilos tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas. Maliit man o malaki, ikaw mismo ang magsabi kung ano ang gagawin mo.


Pagkatapos nyan, lalabas 'yung picture ni Ely Buendia tapos ilalagay mo sa gilid "Ako mismo ___________.".

Sabi ng "manager" ko, siya daw mismo 'eh lilinisin ang ilog Pasig. (Kayanin kaya niya 'yun magisa? Samahan ko kaya siya? 'Wag na lang siguro, hahanap na lang ako ng mas madaling gawain.)

Kung para saan 'yung commercial, ewan ko. Pero maganda naman siya. (Si Maxene!) Gusto ko 'yung part ni Chris Tiu, "Ako mismo, mamahalin ang mga lasalista.". Ibig niyang sabihin 'eh inspite of the rivalry (Ayan na! English!) between Ateneo (his school) and La Salle 'eh handa daw siyang maging friendly sa kanila.

Ako, ewan ko kung anong magagawa ko para sa Pilipinas. (Kung sa sarili ko nga 'di ko alam 'eh, sa Pilipinas pa kaya?) Pero lahat tayo dapat kumilos para sa bansa natin. Dapat tayong magkaisa para umunlad ang Pilipinas. (Kahit konti lang.) Lahat tayo may responsibilidad.

Kaya ikaw, ano mismo ang gagawin mo?

(Maisama kaya ako 'dun sa commercial 'nun?)

No comments:

Post a Comment