Tuesday, May 12, 2009

Where na you? Dito na me!

Taglish. 'Yan yung tawag dun sa kakaibang mixture ng tagalog at english na language. Pauso yata yan nung mga 'Kano, German, French, at kung anu-ano pang mga salinglahi na nanirahan na dito at hirap pa rin sa pag-intindi ng tagalog. English kasi ang uso na foreign language dito at hindi Japanese (Yamashita!), Korean (OMG! Papa Gian!), at hindi Hindu (DiBiDi!). Kaya tuloy taglish ang nagagamit ng madalas.

Bukod sa mga foreigner, mga pinoy din ang gumagamit nyan. Mga mayayaman, sosyal, at nagpapakasosyal. Merong mga tao na pure pinoy pero dahil lumaki sa ibang bansa 'eh 'di sanay magtagalog. (Yaya! You're such a loser!)

'Yung mga feeling sosyal taglish ang gamit kasi nga 'di nila masyado master ang pure english. Kapag pinilit nilang mag-english ng todo 'eh siguradong magmumukha lang silang engot. 'Eto example ng situation na pwedeng mangyari. (Joke na nabasa ko dati. Edited na.)

Isang umaga sa bahay nila Juan bago siya pumunta sa interview niya...

Juan: 'Tay kabado ako sa interview ko mamaya.

Tatay: 'Wag kang mag-alala kaya mo 'yan. 'O tara praktis tayo.

Juan: 'O sige.

Tatay: (As the interviewer) So Juan, we need employees that can keep secrets about the company. Can we trust you?

Juan: Op kors ser. Yu ken tras mi.

Tatay: Are you sure na wala kang sungay na tinatago?

Juan: Yes ser! I'M NOT HORNY! (Ano daw?!)

'Yan. 'Yan ang delikado. Nag-eenglish ka 'di mo naman gamay. 'Yan ang hirap kapag nagpipilit. Para kang tumira ng 3pt shot sa half court. ('Yan din ang dahilan kung bakit tagalog ang mga blog ko. Ayaw ko lang magkamali sa english dahil baka sapakin ako ng teacher ko.)

Masarap matuto mag-english. Masarap mag-aral ng english. Pero 'wag magpipilit mag-english para lang magpasikat kung 'di mo naman talaga alam ang sinasabi mo. 'Pinoy ka, filipino ang wika mo. Be proud of it.

No comments:

Post a Comment