*All of the informations stated here were just a part of our history class and is not 100% accurate and proven.*
Wala na akong maikwento sa inyo at medyo busy din ako kaya mga bagay tungkol sa history class ko ngayong first semester. Bakit history? ('Di man halata) pero isa sa mga trip kong subjects ang history. Dito ko kasi nalalaman kung anong nangyari noong 'di pa ako buhay at sikat.
Ang history, hindi lang yan sa nakalipast, kung hindi lahat ng mga nangyari at nangyayari e pasasaan ba't mapapasama din yan sa history. 'Di lang sila Lapu-Lapu ang nasa history. Pati lolo ko, mo, at niya e kasama dun kaya nga lang di sila nabanggit sa libro dahil 'di naman sila bayani tulad ko.
First meeting namin sa history, alam ko nang sakitin ang teacher ko. May dalang tissue, bottled water, strepsils, salonpas, vicks, insulin, face mask, jacket, ambulansya, paracetamol, cobra, samurai, C2, at injection. (Nilagyan ko na ng linya para 'di na makabiktima ng mga t*nga yung statement ko.)
Una niyang sinabi sa amin e, "Ohoo! Ohoo! Good Ehem! Afternoon everyone! Ehmm. Ehmm.". (Halata bang wala siyang kahit na anong sakit?) In-explain naman niya sa amin na may hika daw siya at bago ang klase namin e galing siya sa kabilang room kung saan chalk ang gamit. (Eew! Poor! Duh! Chalk lang ang gamit nila!) At doon daw siya nabiktima ng hika. Syempre kailangan ng reaction kaya sabay sabay kaming nag-Aaaahh OK.
Normal na teacher siya. (Normal='Di nagkaklase kapag 1st day.) Ang ginawa lang niya e nagkwento siya. At madami akong napulot sa kanya. Here are some info na napulot ko. (The informations here aren't 100% accurate kaya 'wag kayong maniwala ng todo dahil baka maireklamo ako ng 'di oras.)
Ferdinand Magellan
Ang name niya talaga e Fernao Magalhaes. 'Di lang daw mabigkas ng mga amerikanong historians kaya ginawang Fernando Magallanes and later on Ferdinand Magellan.
Kalipu Lako
Sino siya? Kilala niyo na 'di ba? Si Lapu-Lapu. 'Di din daw mabigkas ng mga amerikano kaya tinawag siyang Lapu-Lapu. Later may ikukwento pa akong mas matindi about him.
Lapu-Lapu VS. Magellan
Sabi ng iba, posibleng wala daw talagang Lapu-Lapu na nabuhay sa mundo. Wala daw nakitang kasulatan tungkol sa kanya. Nabanggit lang siya sa record ni Antonio De Pigafetta. (Historian ni Magellan. Siya yung parang walking diary ng mga kastila.) Pwede naman daw kasing namatay si Magellan sa sakit pero para gumanda ang istorya e nilagyan ng kwento ni Pigafetta ang buhay niya at kunwari e namatay siya sa kamay ni Lapu-Lapu.
Isang kwento pa tungkol dito. 'Etong kwentong 'to naman yung medyo tanggap ng masa.
Ang Spain dati e merong mga kingdoms. Aragon, Castille, and the likes. Hindi daw tama na kastila ang tawag sa mga nanakop sa atin. Ang tama e espanyol dahil ang mga kastila e kasama lang sa Kingdom of Castille. Gets? Si Magellan, taga-Portugal siya. So paano naman siya nangapitbahay sa mga taga-Spain? 'Eto ang dahilan. (According to our substitute teacher.) Si Magellan e gustong patunayan na bilog ang mundo at dadaan daw siya sa kanluran para makarating sa Spice Island. Sinabi niya ito sa hari ng Portugal na dati niyang kababata. Yung haring 'yun e medyo asar kay Magellan kasi lagi siyang natatalbugan nito sa mga gawain nila kaya hindi niya pinansin ang panukala nito. (In short, nagtanim siya ng galit.)
Hindi tinanggap si Magellan. E sayang naman ang effort niya kaya nilubos na niya. Pumunta siya sa kabila. (Balimbing siya!) Sinabi niya ang ideya niya doon. Sinong magtitiwala sa kanya e kalaban nila yung pinanggalingan niya 'di ba? Pero later on, tinanggap siya at pinaglakbay bilang leader ng limang barko namely; Concepcion, Victoria, Santiago, San Antonio, and Trinidad.
Teka guys, nakalimutan ko i-explain, bakit nga ba sila naghanap pa ng bagong daanan e mas madali naman kung diresto Asia na sila? Nasakop kasi ang Holy Land at sinara ang daan dito. E sakop dun yung Silk Route na daan ng mga travellers papuntang Asia. Kaya ayun, sarado na yung daan kaya in need sila para maglakbay dagat.
Back to the story. Umalis na sila Magellan. Bago pa lang makarating sa Pacific Ocean e "nabakla" yung San Antonio kaya bumalik agad. (Fast forward ng story ha! Medyo kapos ako sa oras e, madami pa akong lalaruin gagawin.) Nasira na din yung Santiago. Yung Victoria ang leader ng mga barko, dun nakasakay si Magellan. Sa paglalakbay nila, kasama nila si Enrique. Nabili siya ni Magellan sa Malacca and he serves as their translator. O ayan! 'Di niyo lang napansin pero nakarating na sila sa Pilipinas.
Nakarating sila sa Limasawa at doon naganap ang unang misa sa Pilipinas. Biniyagan nila si Rajah Humabon at pinangalanang Carlos na kapareho sa hari nila noong mga panahong 'yun. Yung asawa naman niya, naging Juana ang name. Katulad ng mother ni King Charles. (Haring Carlos sa tagalog!) Dineclare nila si Humabon na leader sa buong lugar nila nang hindi nila nalalaman na may mas mataas pa sa kanya. (Si Lapu-Lapu!) Mas mataas si Lapu-Lapu sa kanya dahil ang asawa niya e pamangkin lang ni Lapu-Lapu.
Sinabihan na lahat ng tao sa lugar nila, dapat magpaconvert na. Pero 'di pumayag si Lapu-Lapu. E 'di susugurin na sana sila ng mga kababayan nila. Pero payabang si Magellan na nagsabing sila na daw bahala. (May nakarinig pa na sabi daw niya e, "Watch! Nagflanax yata ako!" at "Sit back and enjoy.")
E 'di pumayag naman yung mga katutubo. Madaling araw pa lang, e ready-to-attack na sila Magellan pero nagyabang pa siya lalo dahil hinintay pa niyang mag-umaga. Dahil dito, naging handa na din sila Lapu-Lapu. Ayan! Labanan na! Napansin ng mga katutuboi na si Magellan ang leader kaya siya ang sinugod. Yung 3 na barko nila Magellan e walang kwenta. Low-tide kasi nung sumugod sila kaya supot lahat ng bala ng kanyon nila. 'Di kasi makadaong yung mga barko nila.
Tapos ang laban!
Patay si Magellan!
(Rhyming 'di ba?)
Plano ng mga espanyol na bilhin yung bangkay ni Magellan pero 'di pumayag si Lapu-Lapu kasi "remembrance" daw niya 'yun. Si Enrique naman e nagpapaparty na kasi ang usapan nila ni Magellan, kapag namatay siya, malaya na si Enrique. Pinaniniwalaan pa na Pinoy si Enrique dahil pag dating pa lang nila sa 'Pinas e nakikipagchikahan na siya sa mga katutubo. Sinabi na niya sa mga katutubo ang pakay nila sa mga ito kaya nagplano ng massacre ang mga tribo.
Nagpasimula sila ng kasiyahan at inimbitahan ang mga natirang mananakop. Yung mga kinutuban e bumaba na mula sa bundok patungo sa barko nila. Sabi nila e habang bumababa sila, naririnig na daw nila ang mga sigaw ng mga kasamahan nila sa taas. (Kinakatay na! t*nga kasi! Nakipaginuman sa kalaban!)
Ayan! Naglayag na ulit sila. Remaining ships: 3 girls. Victoria, Concepcion, Trinidad. On the way to Spice Island e nasira yung Concepcion kaya nilipat sa magkahiwalay na barko yung mga sakay nito. Nakarating sila sa Spice Island, nakakuha ng mga spice at pabalik na sa Spain. Yung Victoria, dumaan na sa "dating daan" (Yung tipikal na daanan nila noong lumang panahon!) tapos yung Trinidad naman e tumuloy sa daan na gusto ni Magellan. Bale, all in all, Trinidad lang ang naka-ikot sa mundo. Si Sebastian Del Cano (Not sure of the spelling ang leader nila. At pagdating daw nila e paluhod silang pumunta sa simbahan. You know why? Dahil out of (more or less) 265 na tao na pinadala, 18 lang sila na natirang buhay. Lupet ng tadhana 'no?
Ayan! 'Yan ang kwento ko. Sana nag-enjoy kayo! Comment naman d'yan!
ayos pagong! pdeng article sa magazine =)) hahaha
ReplyDelete---karen =))
ayos! pdeng article sa magazibe =)) hahaha
ReplyDelete