Wala masyadong entertainment sa last blog ko. Medyo nawala na kasi ako sa mood noon. So try ko ngayon. O game, let's get started!
Toink!
.
.
.
Aray!
Sapul! May nabiktima na naman ng mahiwagang english block. Sapul sa face! Yehey! Aksyon na naman to!
So, hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng english block. Isa siyang box na kasing size ng pinakamaliit na karton na lalagyan ng toothpaste, may kulay blue na balot, at may nakalagay na "ENGLISH BLOCK". Yan yung bagay na maituturing na number one liability ng may hawak sa kanya. Para siyang sumpa na hindi magagamot ng halik ng prince charming mo.
To know more about the great english block, read the rules and regulations stated below.
1. Speak in english.
2. Don't you dare to speak in tagalog or in Filipino.
3. It is your prime duty to look for another person who violated the first two "laws" stated above to pass on the english block.
4. Payments for the english block will be given by the last person who holds the block after the class and shall be paid to the treasurer.
5. Don't think about giving bribes to your classmates. (It is more expensive than paying for the block. It's worth 5php only.)
6. Don't lose the block or you'll have to make another one better than the first one. (I suggest adding some ruffles to make it easier to see when it has been thrown to you. lol)
7. No promissory notes are allowed for the payment.
8. The money accumulated will be added to the class fund. (Hindi ako naniniwala dito. Feeling ko may mga corrupt sa klase namin.)
Ayan! Kung sino mga nakakaalam at mga nakakaranas pa na magkaroon ng english block sa klase, pakishare sa akin kung may mga nakalimutan pa akong rules at kung may mga bagong updates sa inyo. Salamat.
Sa klase namin active na active ang english block. Umaga pa lang e may nakahawak na sa block na parang untouchable. 'Wag kang lalapit sa kanya dahil ahas yan. Hihintayin ka lang niya na magtagalog tapos ibabato sa mukha mo yung block. Tapos ayun. Ikaw na ang "block holder". Yun yung title na hawak mo. Astig di ba? At least hindi ka tinatawag na preso. XD
Sa ibang classrooms mga diplomat ang mga tao. Kapag may block holder at may nahuli siya, iaabot lang niya yun at sasabihin na "Hey -toot-! You're the block holder!". Sa amin hindi ganun. War kung war. Hindi na mukhang block yung amin. Mukha na siyang bomb. Kasi binabato yun. Anghel ka sa klase kung iaabot mo lang yun. Kasi walang thrill. At madalas pa nyan e hindi mo agad mapapasuko yung mga kaklase mo. Kailangan niyo pang magharap sa korte bago siya umamin na nagsalita siya ng tagalog. Yung iba naman tinatanggap yung block. Pero pag bayaran na, hindi na nila tanggap. Kaya napupuno yung listahan ng treasurer namin at kilala na niya yung mga estapador. Si Rae at si Farrell. (Ayan! Sikat na kayo mga dude! Sikat na estapador!)
Lahat yan e nangyari noong high school ako. Pero noong elementary pa man e may mga ganyang modus. Aalis si ma'am tapos si teacher's pet number 1 ang hahalili bilang tagalista. Ano ang mga nililista niya? Here's the list.
Noisy - Eto yung mga taong hindi malikot ang katawan pero madulas ang bibig. Para hindi ka mahuli, ang kausapin mo e yung tagalista. Legal yun.
Standing - Eto yung mga taong may bulate sa pwet. Hindi mapakali kaya tayo ng tayo. Legal na dahilan para tumayo? CR.
Not Sitting Properly - Iniwan tayo ni ma'am ng nakaproper posture so dapat pag balik niya e ganun pa rin tayo. Dito, pwede kang mag taym pers para gumalaw at huminga. Pwede ditong mag-nap at matulog. Basta PROPER POSTURE!!!
Not On The Proper Seat - Madalas yung mga nasa standing e nandito din. Eto yung mga nagttrip to Jerusalem at nakikipagSOS sa kabilang dulo ng classroom sa tabi ng basurahan.
Mahirap ang trabaho ng tagalista. Kapag may naisulat ka na pangalan e magmamakaawa yun sa'yo at syempre makukunsensya ka. Pipigain ng mga kaklase mo ang isang gramo ng kunsensyang pinakatatagu-tago mo sa kaluluwa mo. Para madali, sabihin mo na buburahin mo yung pangalan nila kapag hindi na sila umulit. At yung mga kaaway mo naman tingnan mong maigi yung paa nila! Nakasampay sa kabilang upuan. Ayan! Bumawi ka na! May dahilan ka na para ilista sila. Pero beware! Mamaya after class babawian ka din nila. Dumating na si ma'am, pinasa mo ang listahan, madaming napagalitan, madami ka na ding kagalitan.
Hmmm. Ayus na gawain yan. Try niyo. Magpauso kayo. Tingnan natin kung sisikat. XD
Ayan. Wala na akong maisip na iba. Magandang sumunod sa rules. Lalo na kapag ang tagalista at block holder e yung kaaway mo. Kapag hindi ka sumunod e patay ka! Bababa ang grade mo sa conduct at magbabayad ka after class. Sabi nga nung isa naming ininterview sa Students' Welfare And Formation Office ng university namin, ignorance of the law excuses no one. Kahit sa tunay na buhay e may mga ganyang mga rules din. Yung iba nga lang e indirect kung magsabi. Tulad nung mga pauso ng MMDA. WALANG TAWIRAN! NAKAMAMATAY! O 'di ba? Parang sinabi na pagtumawid ka e diretso langit na ang biyahe mo. Pero kahit may mga pang Shake, Rattle, and Roll na mga signs na ganyan e madami pa ring hindi sumusunod. Tawid dito, tawid doon. Simpleng batas na kahit bata e kayang intindihin. Simpleng batas na pag matanda, hindi kayang sundin.
Yung mga tagahuli naman na iba, wala pang violation e nanghuhuli na. Para daw may pang almusal. Yung binayad mo e siguradong maliligaw ng landas. Didiretso kasi yun sa bulsa nila. Para daw organized. Tapos pag uwi nila sa bahay sasabihin nila, "Ay! Nakalimutan kong i-report tong nahuli ko, 'di ko naibigay yung pera. 'Di bale na, akin na lang to." Ayus! Nakatulog sila ng malinis ang kunsensya!
Minsan, kailangan din nating sumunod sa batas. At minsan, kailangan din nating maging tapat sa tungkulin natin. 'Wag kang kabado sa nililista mong noisy. Sila dapat ang kabahan kay ma'am mamaya. Kapag inaway ka after class. Sumbong mo kay ma'am. Tapos makikita mo na lang ako. Sumisigaw. Sumbungero! Sumbungero! Belat! Wala ka pala e! XP
O ayan. Tapos na. Wala na akong maisip na sabihin e. Sana okay naman tong blog ko ngayon. Gagayahin ko na lang yung ending ng YesYesShow. Bigla na lang mawawala.
Showing posts with label Fun. Show all posts

Tuesday, January 5, 2010
Rules And Regulations!
Labels:
block holder,
blogs,
Country,
Fun,
ma'am,
naoisy,
regulations,
rules,
School,
standing,
sumbungero
Saturday, November 28, 2009
A Hard Day's Work
Medyo matagal na din akong 'di nagpopost ng bagong blog. May nagtanong na sa akin kung meron na daw bang bago (last week pa yata yun) at ngayon ko lang nabigyang sagot ang tanong niya (Yun e kung matatapos ko to.). 'Di kasi ako gumagawa ng blog kapag 'di ko trip. Madalas kasi 'di maganda ang resulta. Corny at walang sense. Ngayon na gumagawa ako, ewan ko lang kung may sense pero try ko at mag-shshare ako ng kwento ko na nangyari kaninang umaga.
(Nagjajamming ang mga ibon.)
Twit-twit-twit.. tweety...
(Nagvovoice lessons ang mga manok.)
Tik-ti-laok..
(Kumakahol ang aso namin.)
Arf-arf..
At ayan. Nagising na ako. 6:40am pa lang. Nakakatamad pang bumangon. Check ng mobile phone. Walang message. Muni-muni ng saglit. Pikit ulit at pinilit matulog. Hindi ko na kaya. Pag nagising na ako, mga 15-17hrs ulit bago ako makatulog. Plano kong ilipat yung kable ng internet sa kwarto ko para magapaglaptop ng maaga kaso baka matunugan ako ng nanay ko. At syempre kunwari nakita niya akong nagsimula nang madaling araw pa. Kaya daw ako pumapayat. Sa isip ko naman, may ipapayat pa ba ako? Hindi ko na tinuloy ang plano ko.
Bumaba ako nang dahan-dahan para tingnan kung may tao na nasa sala. Wala! Pwede ko nang ituloy ang plano ko sa taas! Kaso tinamad na ako kasi nakababa na ako ng 7 steps sa hagdan at feeling ko mahirap nang umakyat. Bumaba na ako nang tuluyan at nakita ang nanay ko. Naghahandang maglaba. Timpla ng ovaltine (free ads) at kumuha ng tinapay. Niluluto pa kasi yung almusal. Puro fried, egg, rice, at fish. Pampa-altapresyon talaga. Kaya ako, as (tamad) health conscious guy, di ko na hinintay yun at nung maluto e sabi ko na kumain na ako ng tinapay.
Eto na ang malupit na parte.
Tinawag ako ng tatay ko sa labas. May gagawin daw kami na makabubuti sa hinaharap ko. Pagkakita ko sa kanya, kinuha niya yung mga kahoy na ginamit sa contruction sa kabilang bahay (sa amin din yun). May dalang martilyo at bareta na may pangtaggal ng pako sa dulo. Yung bakal na paletter "J" na parang tungkod ng matanda. Pagkakita ko pa lang sa kanya sa bintana e umupo na agad ako dahil ayoko ng naisip niya. Walang mabuting maidudulot sa akin ang pagtatanggal ng mga pako sa kahoy. Pero syempre lumabas pa rin ako na parang excited sa proyekto niya.
Palapit pa lang ako at feel na niya na ayokong gawin yun kaya sinabi niyang, "Anak, mas mabuti na gawin mo 'to. Para hindi puro ballpen ang hawak mo.". Sa isip ko (na naman), "ah ganun ba 'tay? okay sige mouse na lang hahawakan ko.".
Ayan. Moment of truth. Hawak ko na ang martilyo at pumili na ng mga kahoy na sa tingin ko e madaling tanggalin ang mga pako. Ang tatay ko? Ayun kumuha ng maliit na upuan tapos umupo sa isang gilid. Kakatapos lang daw kasi niyang kumain. Palusot pa siya. Habang nagtatanggal ako ng pako e inexplain pa niya sa akin ang mga simple machines at ang application ng physics sa gawain ng mga karpintero. May fulcrum at lever pa siyang nalalaman. Maglagay daw ako ng isang extra na kahoy para mas madaling bumunot ng mga pako na malalaki.
Nag-kwento siya na ang mga karpintero daw gumagamit ng physics galing sa experience nila kahit hindi naman nila nabasa ang mga facts tungkol doon. Totoo at tama naman siya kaso ang mali e yung puro siya kwento at ako e naghihirap naman.
Ayos ang mga pako, may nakatupi, may nakalabas na kaagad, may mga super baon talaga, at merong ibang parang wala nang pag-asang matatanggal ko pa. Swerte at hindi ako nasisinagan ng araw kasi nakatapat sa bahay namin ang pagsikat niya. Hindi masyadong mainit.
Sa wakas, tumayo na siya at tumulong. Nagtanggal siya ng mga pako na mahirap tanggalin gamit ang pinagmamalaki niyang physics. Ayos! Kaso nag-iba siya ng forte. Ang ginawa na lang niya e ayusin yung mga kahoy na ok na. Ako ay back to business na naman. Pukpok, kuha ng bareta, lagay ng kahoy, tanggal ng pako.
Hindi ako masipag. Aminado ako dun. Tamad ako. Ay hindi pala. Hindi lang ako masipag. So ganito.
Ayan gets? Ayoko nang mga nakakapagod na bagay maliban na lang kung trip kong gawin yun. Ayokong maglaro ng basketball sa tunay na buhay sa computer pwede pa. Gusto ko lang na manood ng basketball. Nakakapagod kasi. Pano pa kaya ang magtanggal ng pako? Wala akong makukuhang maganda dito. Pero pag inisip mo talaga, madedevelop ang skills mo sa mga gawaing pambahay. Yan na lang ang iisipin ko para nakakapaniwala.
Ayun. Natapos din ako (pagkatapos ng isang linggo). Inayos ko na yung ibang kalat. Ayun. 'Di muna ako naghugas ng kamay kasi baka mapasma ako at baka pagpasok ko sa school e para akong rapper dahil nanginginig ang kamay kong pasmado na.
Nagbukas ng computer, nilagay ang password ng administrator. Nagopen ng YM at Safari (free ads ulit). Pangit kasi sa Mozilla, 'di gumagana yung isang nilalaro ko. Nagopen ng FaceBook (makakasuhan ba ako sa paggamit ng pangalan nila?). Naglaro. NagPM si ano. Ayun nagchat ng konti, kumuha ng mga books at hinanap ang mga lumang papeles na makakatulong sa assignment ko pero 'di pa ako gumagawa.
Bumaba ako at naghugas na nang kamay. Refreshing daw sabi nung kaliwang kamay ko. Sabi naman nung kanan excellent daw. Ayun. Umakyat ulit at nagchat, naglaro at madami pang iba.
Tapos ayun. Kumain ng lunch. Umakyat ulit, at eto. Ginagawa ko na to.
The End
(Bow)
P.S. Teka teka. May nagrequest na ipakilala ko daw yung nagtanong kung may bago na akong blog. Siya si Stephen aka "PenPen". Schoolmate ko dati. O ayan. Wish granted. Konti na lang wish ko lang na tong blog ko.

Hindi ako tamad. Hindi lang ako masipag.

Saturday, June 27, 2009
Mga Kakornihan Ko! Ilalantad na!
Alam kong medyo corny ang (lahat) ibang parte ng blog ko. Kaya kung 'di ka natutuwa, e lulubos lubusin ko na. 'Eto ang ilan sa mga nakuha kong jokes sa iba't ibang panig ng WWW. Courtesy of Jokes Sanctuary and Pinoy Jokes. Nilagyan ko na lang ni title. (Sana may matawa!)
Number 1!
"Magtanim ay 'Di Biro"
May dalawang lalaki. Isa ay si Jose, isa ay si Pedro.
Isang araw si jose ay nagtanim pero nakita ni pedro na wala siyang tinatanim.
Pedro: Nabuang ka na Jose! Nagtatanim ka pero walang buto.
Jose: Ikaw ang nabuang! Seedles to no!
Number 2!
"Muntik"
ANAK: Alam nyo 'tay, KAMUNTIK na po akong maging first
honor kanina sa klase namin!
AMA: Tutuo ba yan anak?
ANAK: Opo 'tay! kasi itinuro po ng titser namin yung first honor
namin kanina. . . . eh katabi ko po yung tinuro niya!
Number 3!
"Prusisyon"
SA PRUSISYON.
PARI: Ang mga boys, sumunod sa karo ni San Jose. . . At
ang mga girls, sa karo naman ni Mama Mary !
BADING: Kami father, saan kami susunod?
PARI: Hoy! Mga bruha!. . . Follow me!
Number 3!
"Fishball"
Q: bkt hnd ng jajacuzzi ang mga kalbo?
A: ksi mgmumuka clang fishball
Number 4!
"Ano"
Q:Ano ang sabong hindi bumubula?
A: E 'di yung walang tubig!
Q: Anong palabas sa sinehan?
A: Exit!
Number 5!
"Women are stronger than men. Why? Because women can carry two mountains at a time, while men can carry 2 eggs; take note with the help of the bird pa."
Number 6!
"Soldier"
Pedro: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Pedro: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, KAGATAN na ang labanan?
Number 7!
"Asar"
WIFE: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.
HUSBAND: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo
Number 8!
"Overnight"
Dad: Umaga na! Bakit ngayon ka lang umuwi?
Anak: Dad, not now, i'm tired! Dami events at projects sa school. Nagmeeting pa kami w/ dean kaya inumaga na.
Dad: Tumigil ka! Kinder ka pa lang!
Number 9!
"Anagrams" *Not purely a joke*
DORMITORY:
When you rearrange the letters:
DIRTY ROOM
ASTRONOMER:
When you rearrange the letters:
MOON STARER
DESPERATION: When you rearrange the letters:
A ROPE ENDS IT
THE EYES: !
When you rearrange the letters:
THEY SEE
THE MORSE CODE :
When you rearrange the letters:
HERE COME DOTS
SLOT MACHINES:
When you rearrange the letters:
CASH LOST IN ME
ELECTION RESULTS:
When you rearrange the letters:
LIES – LET’S RECOUNT
A DECIMAL POINT:
When you rearrange the letters:
I’M A DOT IN PLACE
ELEVEN PLUS TWO:
When you rearrange the letters:
TWELVE PLUS ONE
AND FOR THE GRAND FINALE:
MOTHER-IN-LAW:
When you rearrange the letters:
WOMAN HITLER
Number 10!
things you don't want to hear when your having a heart surgery:
1.nasan ung bagong gunting,bat puro kalawang to?
2.sabi ko 5ml lang bat 12ml nilagay mo, may nakasurvive na ba dyan?
3.sunog!sunog!!labas lahat ng tao!
4.naku!nakalimutan natin ung anestisia
5.tama ba itong naputol kong ugat????
'Yan pwede na 'yan. 10 na lang ilalagay ko. Natawa ka man o hindi, tulad ng blog ko, wala kang magagawa. Ganyan ang pagkakabuo sa mga 'yan. Kapag binago mo, hindi na siya katulad ng dati. Kaya kahit conry, a joke is still a joke. Kahit blog ko, ganito talaga 'to. Pasensya na lang. Wahaha!
(P.S. Salamat sa isang nagsabing corny ang ilang part ng blog ko. Tanggap ko 'yun. 'Eto ang tribute ko sa'yo. lol)

Tuesday, May 12, 2009
Where na you? Dito na me!
Taglish. 'Yan yung tawag dun sa kakaibang mixture ng tagalog at english na language. Pauso yata yan nung mga 'Kano, German, French, at kung anu-ano pang mga salinglahi na nanirahan na dito at hirap pa rin sa pag-intindi ng tagalog. English kasi ang uso na foreign language dito at hindi Japanese (Yamashita!), Korean (OMG! Papa Gian!), at hindi Hindu (DiBiDi!). Kaya tuloy taglish ang nagagamit ng madalas.
Bukod sa mga foreigner, mga pinoy din ang gumagamit nyan. Mga mayayaman, sosyal, at nagpapakasosyal. Merong mga tao na pure pinoy pero dahil lumaki sa ibang bansa 'eh 'di sanay magtagalog. (Yaya! You're such a loser!)
'Yung mga feeling sosyal taglish ang gamit kasi nga 'di nila masyado master ang pure english. Kapag pinilit nilang mag-english ng todo 'eh siguradong magmumukha lang silang engot. 'Eto example ng situation na pwedeng mangyari. (Joke na nabasa ko dati. Edited na.)
Isang umaga sa bahay nila Juan bago siya pumunta sa interview niya...
Juan: 'Tay kabado ako sa interview ko mamaya.
Tatay: 'Wag kang mag-alala kaya mo 'yan. 'O tara praktis tayo.
Juan: 'O sige.
Tatay: (As the interviewer) So Juan, we need employees that can keep secrets about the company. Can we trust you?
Juan: Op kors ser. Yu ken tras mi.
Tatay: Are you sure na wala kang sungay na tinatago?
Juan: Yes ser! I'M NOT HORNY! (Ano daw?!)
'Yan. 'Yan ang delikado. Nag-eenglish ka 'di mo naman gamay. 'Yan ang hirap kapag nagpipilit. Para kang tumira ng 3pt shot sa half court. ('Yan din ang dahilan kung bakit tagalog ang mga blog ko. Ayaw ko lang magkamali sa english dahil baka sapakin ako ng teacher ko.)
Masarap matuto mag-english. Masarap mag-aral ng english. Pero 'wag magpipilit mag-english para lang magpasikat kung 'di mo naman talaga alam ang sinasabi mo. 'Pinoy ka, filipino ang wika mo. Be proud of it.

Monday, May 11, 2009
Oh My God!
Oh my God!
'Yan yung expression ng madaming tao kapag may nagaganap na kakaiba, kabighabighani, karumaldumal, nakakadiri, nakamamangha, nakakamangmang, at kahit kapag nakakagawa tayo ng kamalian sa buhay.
Examples:
"Oh my God! Hindi pala chewing gum yung natapakan ko. Tae pala ng aso!"
"Oh my God! Nakukuryente na siya oh!"
"Oh my God! Wala na akong pera!"
Nakakaaliw minsan makarinig ng taong nag-tataglish para maging mukhang sosyal. (Hey! Where na you? Dito na me!) Minsan naman 'eh parang nakakairita na din kung lagi mo na lang iyon na maririnig lalo na kung ang mga gumagamit 'eh mukha namang timang mag-english.
Examples:
"OMG! Did you saw that?"
"There's a airplane!"
Ayan. Pangit pakinggan. Para kang nagcheck, double check, tapos 6x6=30. (ftw! Sinong sumagot nito?) Madalas naman 'eh ginagawa na lang ng mga komedyante na mali ang grammar nila para magpatawa tulad nila Alyssa Alano, Ethel Booba, Keana Reeves, at Angelica Jones. Naging successful naman sila kahit paano. (Sa pagiging model ng kamalian sa grammar.)
'Eto na. Back to the original topic. OMG! Nagpadala ng message sa akin si "Another Dream". Nabasa daw niya yung blog ko. NapaOMG talaga ako dahil sa mali ang inakala ko. Yung bracelet pala 'eh super luwag daw. Kaya hindi kasya sa kanya. (Kasi ba naman ang sabi nila "hindi kasya" kaya akala ko 'eh sobrang sikip. Ikaw ba anong iisipin mo 'dun?)
Kaya mga mare, pare, kuya, ate, tito, tita, girl, boy, chiksilog, leslie, at bantay. Inaako ko po ang kasalanan sa paglalabas ng isang maling impormasyon. (May nakasampang kaso na ba laban sa akin?) Hindi po masikip yung bracelet kay "another dream", hindi din daw ("DAW") po siya nagiging Incredible Hulk. The truth is, masyadong malaki yung bracelet para sa kanya. Hindi siya si Incredible Hulk pero siya si Thumbellina. (Sabi ng "manager" ko 'eh tama daw spelling ng Thumbellina ko. Kung mali 'eh siya ang sisihin niyo.)
Nasabi ko na ang dahilan kung bakit ito yung blog ko for today. Tama na yan. Sige dudes. Let's call it a blog na. Publish!

Sunday, May 10, 2009
Food Trip
Pagkain ang isa sa mga basic necessities ng tao. (OMG! Spell necessity?) Lahat ng tao kumakain. (Kahit nga garapata kumakain din 'eh.) 8 times a day daw kumakain ang mga Pilipino. ('Di naman ako ganito. Siguro ang tinutukoy nito 'eh yung mga sobra kung kumain at gutumin.)
Dahil sa pangangailangan ng tao sa pagkain 'eh madaming nagsusulputan na mga kainan sa kung saan-saan. Nauso ang Jollibee, McDO, Chowking, Wendy's, Pizza Hut, Burger King, Burger Machine, Max, Starbucks, KFC, at kahit ang mga maliit na karinderya sa kanto tulad ng tindahan ni Aling Nena. (BTW, who's Aling Nena?)
Kahit saan ka magpunta hindi pwedeng mawalan ng kumakain, kakain, nagtitinda ng pagkain, nagpapakain, at kahit kinakain. (Pwera na lang yata kung mag-isa ka at walang makain.)
Sa school, paglabas mo nandyan yung mga street foods like kikiam, calamares, isaw, dugo, paa ng manok, ulo ng manok, squid balls, fish balls, at kung anu-ano pang mga balls. Hindi mo sigurado ang kalinisan nyang mga yan. Pwera na lang sa paborito kong stall, ang Kiaman. ('Di niyo alam yan!)
Sa malls, maraming mga kainan dyan at siguro 'eh binubuo nila halos kalahati ng buong mall kapag sinukat mo.
Kapag may mga events tulad ng birthday parties, bagong taon, Christmas, pagkapanalo ni Pacquiao laban kay Hatton, at kahit may namatay, mamamatay, at muling nabuhay 'eh hindi pwedeng walang handaan. Kapag walang pera meron tayong mga "friends"(Friends ba talaga hanap mo?) na pwedeng utangan para may ipanghanda. Ganyan ang ugali ng pinoy. Minsan 'di mo malaman kung gusto lang ba niyang mag-celebrate o gusto lang niyang magpasikat sa kapitbahay.
Kapag naghahanda dito sa amin at kung saan man na kakilala ko 'eh hinahanap ko yung mga ulam na may halong tomato sauce. Menudo, mechado, aftritada, caldereta, at syempre 'di mawawala yung spaghetti. (Madalas 'di ko na pinapansin kung mechado, menudo, caldereta, o afritada yung ulam dahil pareho lang naman ng kulay.)
Sa ibang bansa, kaya nilang mabuhay ng hindi kumakain ng kanin. (Hindi bigas ha!) Dito sa Pilipinas 'eh kahit meryenda may kasama nang kanin. (Trivia: Alam niyo ba na nakakahigh-blood din ang sobrang kanin? 'Di ko sure yan ha.)
Masarap ang lechon pero nakakahigh-blood. Tuwing kakain tayo dapat minsan iniisip mo din kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo sa pagkain mo ng kung anu-ano. Pwede kang malason, ma-red tide, matinikan, ma-impatso, at kahit na simpleng mabilaukan ka. (Tubig nga!)
Masarap kumain. Mahirap magpigil ng gutom. Mahirap maging high blood. Have a balanced diet peeps!
(P.S. Happy Mother's Day!)