Wednesday, May 13, 2009

Physical Education

Bukod sa break(2nd choice) at uwian(1st choice), 'eto yung 3rd sa paborito kong part ng pag-aaral at pag pasok. Ang walang kamatayang physical education. Simula pre-school hanggang college meron nyan.

Sa elementary, yan yung time kung saan pwede kang maglaro ng kahit anong laro na alam mo. (Kung hindi naman nakabase sa book yung teacher mo.) Pipili ka lang kung saan ang "forte" (FTW! English!) mo. Text, jolen, pogs, chinese garter, 5-10s, sipa, ice ice water, sapakan, asaran, balyahan, sampalan, o kahit sabunutan. (Sumpak na ang gagamitin mo kapag mataas na ang experience mo sa mga 'yan.)

Sa high school medyo iba na ang ginagawa ng mga estudyante. Madalas 'eh gumagamit na sila ng libro kaya ang madalas na P.E. 'eh sayaw at exercise. Pero kapag swerte ka at hindi pa rin gumagamit ng book si ma'am/sir 'eh malaya ka ding gawin ang gusto mo. Mag kulot ng buhok, manalamin, mag-nail cutter, manligaw sa crush, magsugal, at maglaro ng kung anu-ano. (Ano ba madalas laruin ng boys kapag HS na? Hmmm.)

Sa college, pareho din nung sa high school pero siguradong hindi ka na pwedeng maging happy-go-lucky dito dahil madalas 'eh madaming ginagawa pag-P.E..

Last school year, (4th yr HS ako.) napakasaya ko tuwing P.E.. Walang ginagawa ang buong klase namin. (Halos lahat kasi sa amin 'eh varsity. Sporty kasi kami 'eh!) Kaming mga boys 'eh nagpapapawis sa table tennis ('Di required sa amin 'yun. Bisyo lang.) at yung mga babae 'eh nagpapalamig sa airconditioned classroom namin. (Sosyal!) Laking pasasalamat ko kay Bro nung mga panahong 'yun.

PERO! Dumating na ang araw na nagtanggal ng mga happy moments ng P.E. para sa akin. 4th yr, 4th grading, 1st time. Nagbago ang ihip ng hangin kasabay ng anunsyo na nagbago na daw ang P.E.. Swimming na daw. FTW na sana. Kaso kapag nasa pool ako 'eh para akong barya na hindi nakakalutang sa tubig. OMG! 'Di ako marunong lumangoy. Paano na ako at ang sporty image ko? (WTF!) Once a week ang P.E.. Nagkaron kami ng 2months na ganun. 8x na P.E.! Paano na ako? Swerte at madalas may event ang magiting kong school kaya nabawasan ng ilang weeks ang P.E.. (Ang pesteng P.E.!) Wala akong ginawang activity 'dun sa subject na 'yun. Naging mahirap ang sitwasyon ko. SHS pa naman akong naturingan. Tapos babagsak sa P.E.? OMG! Pinipilit ko namang gawin ang kaya ko, pero ganoon talaga ang kinalalabasan, lulubog ng at lulubog na parang bato. Dumating 'yung finals. Patay! 'Di ako lumangoy. Kasama ng iba kong kaklase 'eh humingi kami ng extra na week. Approved kami!

NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT, dumating ang the day before tomorrow. (Tomorrow is the day of my life! Finals naming mga natira!) Nakita namin si sir sa may lobby. Ginreet pa namin siya at sinabihan na "Sir! Bukas ha! Paturo muna kami!" tapos sumagot siya. Dineclare daw ni Madame Director na wala nang P.E.. OMG! Patay ang grade ko! (Ginreet pa naman kita ng good afternoon tapos 'eto lang ang igaganti mo?)

Depressed, tired, at suicidal na siguro ako nung mga panahon na 'yun. (OA!) Pinalipas ko na lang. Graduating ako, may mga grades na 90+ pero magkakaroon ng isang palakol. (70) Masakit pero kailangan tanggapin. Bata pa ako at 'di ako handa na kumuha ng lubid at isampay ang sarili sa hagdan. Namuhay ako ng payapa hanggang sa dumating ang oras ng kuhaan ng card.

"YAHOOOOOOOOOOOOOOOOO!" Sigaw ng puso kong patumbling-tumbling sa tuwa. Nakakuha ako ng 95 sa P.E.! Isang himala, mirakulo, senakulo, sira ulo. Salamat sa teacher ko at mukhang nakita naman niya ang pagsisikap kong 'wag malunod sa pool dahil mas pinili na lang niyang mag darts at magbunutan para sa grade ko. (Saan kaya niya nakuha 'yung 95 na nakasulat doon?)

Graduate na ako last March. Walang palakol. Success! Salamat kay sir! Mwah! Utang ko sa'yo ang pananatiling maganda ng card ko hanggang sa huli. Ang bait mo! (Sana kunin ka na ni Lord! Jokes!)

Ayan. 'Yan ang kwento ng P.E. ko. Dito na muna. Bakasyon pa kasi at walang P.E. kapag bakasyon.

(P.S. 'Eto ang topic ko ngayon dahil tribute ito sa Social Dance na P.E. ng "manager" ko sa papasukan niyang University! Goodluck! Giling na!)

1 comment:

  1. adik tlga un c sir oh! haha, mswerte k. cOngratz XD prho tau.
    kagulat gulat dn ung score q nun sa isng activity nia ee. :p
    [[[[[[[[[[[[[[[[[[[[[[[[share lng]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]

    ReplyDelete