Isa sa mga bagay na gusto ko ngayon. Ang makauwi sa bahay namin. Kasalukuyan akong nandito sa probinsya at medyo bored na. Unang una, wala ang bestfriend ko dito. (Computer ang name niya at nakatira siya sa bahay namin.) Pangalawa, 3days lang kami dito dahil sa kasalang magaganap bukas. Maeenjoy ko pa sana dito kung medyo magtatagal ako. Pangatlo, isa sa mga pinunta ko dito 'eh para magtable tennis. At sa kasamaang palad, hindi ako sinamahan ng pamangkin ko kahapon at kanina naman 'eh nalaman ko na umalispala yung mayari ng bahay sampu ng kanyang buong pamilya. Disaster talaga 'yun para sa akin. (Pakamatay kaya ako? 'Wag na pala, una na kayo.)
Masasabi ko namang maganda ang kinalabasan ng pera na ginastos para ayusin 'yung "bahay ni lola". (Awooo! Pero sa totoo lang 'eh bahay nga ni lola 'yun at pinaniniwalaang may multo 'dun. Creeeeepy!) Malawak ang bahay kahit 'di naman siya two-story tulad nung sa amin. Actually pantay lang ang lawak ng bahay dito at bahay namin. (Paano ko nalaman 'yun? 'Di ko naman sinukat. It's called "estimation". English na naman! Whoa! Sarap!)
Iba pa rin talaga kapag ikaw 'eh nasa sarili mong bahay. Sanay ka sa temperature at humidity 'nun. (Kung sino ang nakakaalam ng meaning nung dalawang salita na 'yun paki e-mail sa akin ASAP.) Sanay ka din sa mga bagay bagay doon. (Bulilit bulilit sanay sa masikip. Kung kumilos kumilos ang liit liit.)
Kung nasa bahay namin siguro ako 'eh kahit nakapikit kaya kong pumunta sa banyo, umakyat para magcomputer, kumain at magpakain ng aso, at kahit gumapang sa sahig. ('Di ko pa nattry lahat n 'yan. They're called examples. ONLY!)
Namimiss ko na ang bahay namin. Ang mga munting ibon na nakatira sa may aircon namin na nagjajamming tuwing umaga. Ang aso kong matanda na. Ang mga poopooo ng aso sa labas ng bahay dahil sa mga askal. Ang ingay ng mga nagttsismisan, at higit sa lahat 'eh yung computer ko na siguradong yayakapin ako paguwi ko kung tao siya. (I'll kiss him too.)
Masarap tumira sa ibang bahay. Masarap mamasyal. Masarap mapunta sa ibang lugar. Pero sa huli wala pa ring tatalo sa Alaska Condensada! (WTF!) I mean sa sariling bahay pala.
Home Sweet Home!
No comments:
Post a Comment