Friday, May 8, 2009

To All The Girls I've Loved Before

Nagbabalik na naman ako dito upang ihatid sa inyo ang aking pangatlong blog sa aking talambuhay. (Natural minsan lang ang 3rd na blog. Kapag ba gumawa ulit ako next time 3rd pa 'yon?)

Nagkaroon na ako ng mga girlfriends. (Hindi sa pagyayabang!) Ako daw ang playboy sa klase namin. (DAW? wtf!) Simple lang naman ang gusto ko sa babae. Here's the list:

*Maganda (Sa'yo na kung panget!)

*Sexy (Pang-FHM ba.)

*Maputi (Ok na din kung morena 'wag lang sunog.)

*Makinis ang skin (Parang pinaayos kay Belo)

*Long Hair (Hindi tulad nila Sailor Moon ha! Mga hanggang balikat happy na ako.)

*Walang bisyo (Naninigarilyo, Sugalera, Fashionista, Laklakera, Lalakera, at syempre Bungangera.)

*Simple ang beauty. (Hindi nagiging beast sa gabi!)

*at syempre mapera. (Optional)

Yan lang naman. Kung sa tingin niyo 'eh ganyan kayo, magpadala lang ng 2x2 picture whole body shot at isilid sa isang sobre. Tapos ihulog sa dropbox at ipadala sa akin. (Baka maging tayo!)

May mga naging girlfriend ako ng hindi sinasadya. Nagdeal kami ni classmate kung sino ang makakauna sa amin sa kanya worth Php100. Nanalo ako pero 'di ko nakuha ang reward. 'Di kami nagtagal ni babae kasi may girlfriend ako noong mga panahon na iyon. (Two timer) Ayos naman siya, mabait, cute, at lovable talaga. (Sinong may gusto? Lagot kayo sa boyfriend niya!)

Ung girlfriend ko that time 'eh mas loko kesa kay girl na pinagpustahan namin ni classmate at nalaman ko 'yon. Medyo masakit noong una pero napansin ko na totoo nga. (Tried and Tested: Walang usok kung walang sunog.) Nagkamali ako sa pagpili sa kanya. After almost 9months nagbreak kami. (9months! Nanganak na siguro siya kung buntis siya noon.)

Sa ngayon nabubuhay ako ng payapa bilang single. Kaya to all the girls out there, nandito lang ako. Kung 'di kayo kagandahan 'eh kailangan lang nung last quality pasok na kayo sa raffle draw.

Sa lahat ng mga naging girlfriends ko. Kung nababasa/ nabasa/ mababasa niyo ito. Lahat naman kayo minahal ko. ('Di nga lang yata pantay! Nyahaha!)


O ayan. Dito na nagtatapos ang isang kabanata sa buhay ko bilang isang blogger mga peeps!

(P.S. May nagsuggest lang sa akin na ito ang gawin ko na topic. Salamat sa suggestion!)

4 comments:

  1. nice. hahaha. magraffle daw ba?! hahahaha! :D

    ReplyDelete
  2. Ung girlfriend ko that time ‘eh mas loko kesa kay girl na pinagpustahan namin ni classmate at nalaman ko ‘yon. Medyo masakit noong una pero napansin ko na totoo nga. (Tried and Tested: Walang usok kung walang sunog.) Nagkamali ako sa pagpili sa kanya. After almost 9months nagbreak kami. (9months! Nanganak na siguro siya kung buntis siya noon.)


    >> sounds familiar :D
    hihi. btw, nice entry!
    nkakaaliw e, aabangan ku pa 'to.
    haha~!

    ReplyDelete
  3. weh..talaga??nanganak na??g**o!!haha..pis

    ReplyDelete