Saturday, June 5, 2010

The Life of A Misanthrope (Chapter1)

Chapter 1 : Am I Good Or Bad? What Do I Need/Want?

May pupuntahan pa akong debut mamaya. 3pm ata kami magkikita sa SM. Di pa ako nakakaligo kaya bibilisan ko na lang to. Wala naman yatang nagbabasa kaya wala na akong pake. Type lang ng type. Gusto ko lang mag-share. Walang main topic tong post kong to. Kung ano maisip ko, yun na ittype ko. :)

Ang dami ko nang nagawa sa buhay na nakakabwisit talaga. Sa iba at sa sarili ko. Ang ganda naman kasi talaga ng mundo ko. Hindi mo makasama ang gusto mong makasama. Hindi mo gusto ang mga lagi mong nakakasama. Ang sarap mabuhay sa mundo. Nakakapagisip ka, nakakagalaw, nakakapag-type, at kung anu-ano pa.

Wala akong kapatid. Nasabi ko na ata yan sa iba kong blog. Masaya ang mundo, masarap magkwento ng mga experience, jokes, kaalaman, at problema. Lalaki ako, at sa isip ko walang kwenta magkwento sa mga kapwa lalaki. Una, hindi kasi madalas maglabas ng saloobin ang mga lalaki. At isa pa e tinatawanan lang namin ang problema. Mahirap humanap ng lalaking iintindi sayo ng seryoso. So ang gusto kong sabihin, isang gamit ng babae e pwede mo silang kwentuhan. (Tapos bigla mo malalaman na chinismis na nila sa iba yung kinwento mo. Dun ka magiging misanthrope tulad ko.)

Tinuturing kong misanthrope ang sarili ko. Una, para astig. Pangalawa, (Ewan ko kung ako lang yung ganito pero wala na akong kilala na ganito mag-isip.) madalas akong mag-obserba sa mga kilos ng tao, madami na akong nakita na sa tingin ko e walang kwenta sa mga tao... at madalas e sanay ang karamihan dun. Tulad nung mga pang-bara ni Vice Ganda. Elibs talaga ako dun. Eto example.

(Naglalakad si Vice at may nakitang lalaki na nag-iisa. Nilapitan niya to.)
Vice: Hi. Anong pangalan mo?
Lalake: Ako?
Vice: Bakit may iba ka pa bang nakikita ka bang di ko nakikita?
*Barado
-End of the story-

Ayan. Yung mga ganyang tipo. Nakakagago talaga. Nag-iisa ka nga lang. Sino pa ba kinakausap niya? Ayoko sa tao yung mukang tanga. Karamihan e sanay sa ganyan. Dito ko lang na-explain yung paniniwala kong ganyan. Wala nga kasi akong masabihan. Alangan na dumampot ako ng tao sa labas sabay sabihin kong, "Halika nga! Makinig ka sa mga kwento at ideya ko!".

Isa sa lamang ng tao sa ibang mga nilalang e yung kakayahan nilang mag-isip. Sa utak ko ngayon, umaapaw ang mga ideya na gusto kong sabihin pero hindi kayang sundan ng mga daliri ko at ng katawan ko lahat ng yun. Pati ang longest word na alam ko.
"Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis"

Halos 10% lang daw ang nagagamit ng mga normal na tao sa utak nila. Paano kaya kung magamit nila ang 100%? Ang saya. Sa tingin ko, lahat talaga posible sa utak ng tao. Ganito ako mag-isip. Lumaki kasi akong ganito. Nasanay na din ako sa mga masasakit na salita. Yung ina ko kasi e madalas ginagamit yun.

Kapag may nagtanong ng "Tanga ka ba?" sa lalaki, medyo nakakaoffend. Sa tingin ko dalawa lang ang pwedeng reaksyon ng normal na tao sa sitwasyong ganyan. Una e sasagot ng, "Baka ikaw!" or something na medyo nakakaoffend din. Dito naaapply yung kasabihang "Kung ano ang itinanim e siya ding aanihin.". O di ba? Para na akong matanda. Pangalawa, kung isa kang mala-anghel na hulog ng langit, kapag sinabihan ka ng ganun e tatahimik ka lang at makikinig. Sa akin kasi, bakit ka maaasar? Sa oras na maaasar ka, dun ka lang nagiging tunay na tanga. Uulitin ko yung tanong. "Tanga ka ba?" Tanong yan mga tao. Isang tanong. Bakit ka maaasar sa isang walang kwentang tanong? Ang dapat dyan e sinasagot. Oo o hindi. Next time mga tao ng mundo. Kapag tinanong kayo kung tanga ba kayo sumagot kayo ng oo o hindi.

Ang tao ay may dalawang sides. Ang mabuti at ang masama. Hindi sila pwedeng magsama kahit kailan. Hindi porke may nagpakopya at kumopya ka naman e wala kang kasalanan. Hindi din porke nagpakopya ka e anghel ka na. Anghel ka sa mata ng pinakopya mo. At dahil feel mo ang pagka-anghel mo, hindi mo napansin na nalugi yung iba.

Hindi ko sinasabing isa akong sugo ng langit at lahat ng sinasabi ko e inaapply ko. Hindi din ako ganun kabuting tao. Wala naman kasing perpekto. Hindi lahat ng maganda e matalino. Hindi lahat ng matalino e maganda. Hindi din naman umiikot ang mundo sa katalinuhan at kagandahan. Kung pang Miss Universe na sagot ang hahanapin mo malamang ang sabihin nila sayo e nasa puso ang tunay na kagandahan. I tell you not. Open your eyes kid. Kahit kelan hindi naging maganda si Rosalka sa mata ko. Hindi ko sinasabing sa pisikal lang ako tumitingin. Ang ibig kong sabihin, hindi mabubuo ang kagandahan sa puso lang. Hindi mabubuo ang katauhan ng isang tao kung puso lang ang titingnan. Hindi porke mabait e maganda na. Aminin mo sa sarili mo na tinitingnan mo ang tao sa lahat ng aspeto ng pagkatao niya. Pisikal, mental, emosyonal, at kung anu-ano pang mga -al.

Masyado nang mahaba ang nasabi ko. Kung may babasa nito e baka mahabaan na. Feeling ko may magbabasa. Feeling ko lang. Napakafeeling ko. LOL

Ganito na lang muna siguro ang gagawin ko. Parang chapters. Hindi ko lang alam kung kelan ulit ako gagawa. Masyado naaaliw ang mundo sa akin. Napakadami kong problema na walang nakakaalam kundi ako. Napakasayang mabuhay. How I wish someone who can understand me well will come to my life and listen to my stories. :)

Bago ko i-click yung post e naisipan kong lagyan ng chapter title to.
Post.

Thursday, May 20, 2010

Imported Blogs From Friendster

Nakakaantok na hapon sa inyong lahat. Unang post ko ata to sa Blogger. Gusto ko lang sabihin na lahat ng mga posts bago to e imported from Friendster lang.
Kung may mga magbabasa pa at makakahanap ng mga maling spelling, info, at grammar pwede niyong sabihin sa akin. Di naman ako kumakain ng mga kapwa ko tao. Handa din akong tumanggap ng pagkakamali. Wala na akong plano na magbura ng mga blogs ko dati kahit di maganda ang pagkakagawa nung iba. Ieedit ko na lang kung may mali. Di ako professional na blogger at normal na tao lang ako kaya natural na hindi lahat ng blogs ko e maayos. Yun lang naman. Pinagdadasal ko na lang na may magbabasa pa ng blogs ko tulad ng dati. Iilan lang naman yun. Mga kakilala ko pa. LOL

Post.

Saturday, February 20, 2010

Story Of A Creative Mind # 3

It was a hot afternoon and the sun was high. Everyone went home already after the event in the morning except Sally. She decided to go back because she forgot something in their room. She hasn’t eaten lunch yet because she was busy in organizing the event. She was walking in their room when suddenly, everything became dark.

Sally lives a normal life with her parents Mr. Roy and Mrs. Regina together with her brother Eric. She was a nice girl and everyone like her. She has an ever loving suitor that she doesn’t pay attention to because she wanted to study first. Her father likes Arthur because he always brought gifts for him. Mrs. Regina told her that she should decide on her own and do not listen to her father. She got irritated so she prayed for a sign. Once she faint, the first guy that she will see will be the right one for her.

One day, at school, Arthur sang to court Sally. He brought his friend Cyrus as his pianist. Sally’s friends were talking about them and they insisted that she should answer Arthur. She just ignored them. Later on, Arthur introduced his friend to her. He was a transferee. Cyrus was amazed that Arthur found a nice girl to court. In the class, Cyrus was introduced by Professor Luke. He fell asleep during the discussion because it was boring. He was scolded. Everybody laughed.

Arthur visited Sally as usual but this day he brought Cyrus with him. They entered and he introduced his friend. Sally was not interested and she just sat. She and Arthur talked while Cyrus was reading newspaper with her father while her mom and brother were busy. This happened over and over again.

Now, it was dark. She heard a strange tone from her phone and footsteps. It was already night and she was not yet at home. Her parents called Arthur and Cyrus to look for her. Cyrus found her in their room. She had fainted. Arthur asked him to call her parents while he took care of Sally. Cyrus said that he can’t reach them so they exchange places. Arthur called Sally’s parents and Cyrus held her when suddenly, Sally opened her eyes.

Saturday, January 16, 2010

Facing the Giants

Guess what. 10pm na hindi pa tapos yung hinihintay ko. Ang tagal no? So here's my great idea. Dahil batong-bato na ako dito. Ilalagay ko na lang dito yung assignment ko para sa Career Pathing namin bukas. Eto wag kayong kokontra. Madrama to. From now on, dahil hindi ko na talaga feel na may gumagamit ng Friendster e ilalagay ko na lang yung mga assignments ko dito. Yung mga mukhang pang-blog na sinulat lang sa scratch paper sabay tinapon sa basurahan. So that, at least, pagkatapon ko e may pupulutin kayo. Na aral. Kung meron man. So sa mga lalaki dyan na medyo madaling umiyak or sobrang ayaw ng drama, next blog ko na lang yung abangan niyo. Alam kong may mga kontrabida sa mga ganitong posts tulad nung mga 'di marunong magbayad ng utang sa class fund. O game. Tama na intro ko. Copy and paste na. Here it is.



Last week, we’ve watched the movie entitled Facing the Giants. It’s a story about hope, faith, and trust. It was about a football coach who can’t buy a nice car, can’t win any game, and can’t even have a baby. Some players went to other school because of their record. It came to a point where the school administration wanted to fire him off and get a new one much better than him. All that was left with him was his wife and God. We were given the task to get at least one lesson from the movie. It’s quite difficult because the movie was meaningful and inspiring that you can learn many things from it. If I should get even a lesson from the movie it would be this. Don’t give up, have faith in Him, and believe that nothing is impossible. Jesus made it through the cross just to save us, isn’t that enough for us not to give up and trust him?

College is more complicated with high school. My chosen course made it more difficult because we have a maintaining grade. Only few students graduate on our course. Yes, it is difficult to pass. But that doesn’t end there. As we interview one of the higher years, she said that her most challenging moment was when she tried to cope up with her failing grades. If you fail then do your best next time, if you quit then you lose. Everybody has his/her own problems that he/she should face. As a student, we should do our best on our studies and remember that we are not alone. We have our parents, friends, and we have God. He won’t leave us no matter what. If we pass, we praise Him. If we fail, we praise Him. We may have the knowledge but without His guidance we’re still empty. Nothing is impossible if we believe that we can do something and we have faith in it. If we have tried our best and it still didn’t work out right, let’s face the truth. God has a greater plan for us.

-Bow-

P.S. Ang title nito e yung title nung assignment namin at nung movie.

Tuesday, January 5, 2010

Rules And Regulations!

Wala masyadong entertainment sa last blog ko. Medyo nawala na kasi ako sa mood noon. So try ko ngayon. O game, let's get started!

Toink!
.
.
.
Aray!
Sapul! May nabiktima na naman ng mahiwagang english block. Sapul sa face! Yehey! Aksyon na naman to!
So, hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng english block. Isa siyang box na kasing size ng pinakamaliit na karton na lalagyan ng toothpaste, may kulay blue na balot, at may nakalagay na "ENGLISH BLOCK". Yan yung bagay na maituturing na number one liability ng may hawak sa kanya. Para siyang sumpa na hindi magagamot ng halik ng prince charming mo.

To know more about the great english block, read the rules and regulations stated below.
1. Speak in english.
2. Don't you dare to speak in tagalog or in Filipino.
3. It is your prime duty to look for another person who violated the first two "laws" stated above to pass on the english block.
4. Payments for the english block will be given by the last person who holds the block after the class and shall be paid to the treasurer.
5. Don't think about giving bribes to your classmates. (It is more expensive than paying for the block. It's worth 5php only.)
6. Don't lose the block or you'll have to make another one better than the first one. (I suggest adding some ruffles to make it easier to see when it has been thrown to you. lol)
7. No promissory notes are allowed for the payment.
8. The money accumulated will be added to the class fund. (Hindi ako naniniwala dito. Feeling ko may mga corrupt sa klase namin.)

Ayan! Kung sino mga nakakaalam at mga nakakaranas pa na magkaroon ng english block sa klase, pakishare sa akin kung may mga nakalimutan pa akong rules at kung may mga bagong updates sa inyo. Salamat.

Sa klase namin active na active ang english block. Umaga pa lang e may nakahawak na sa block na parang untouchable. 'Wag kang lalapit sa kanya dahil ahas yan. Hihintayin ka lang niya na magtagalog tapos ibabato sa mukha mo yung block. Tapos ayun. Ikaw na ang "block holder". Yun yung title na hawak mo. Astig di ba? At least hindi ka tinatawag na preso. XD

Sa ibang classrooms mga diplomat ang mga tao. Kapag may block holder at may nahuli siya, iaabot lang niya yun at sasabihin na "Hey -toot-! You're the block holder!". Sa amin hindi ganun. War kung war. Hindi na mukhang block yung amin. Mukha na siyang bomb. Kasi binabato yun. Anghel ka sa klase kung iaabot mo lang yun. Kasi walang thrill. At madalas pa nyan e hindi mo agad mapapasuko yung mga kaklase mo. Kailangan niyo pang magharap sa korte bago siya umamin na nagsalita siya ng tagalog. Yung iba naman tinatanggap yung block. Pero pag bayaran na, hindi na nila tanggap. Kaya napupuno yung listahan ng treasurer namin at kilala na niya yung mga estapador. Si Rae at si Farrell. (Ayan! Sikat na kayo mga dude! Sikat na estapador!)

Lahat yan e nangyari noong high school ako. Pero noong elementary pa man e may mga ganyang modus. Aalis si ma'am tapos si teacher's pet number 1 ang hahalili bilang tagalista. Ano ang mga nililista niya? Here's the list.

Noisy - Eto yung mga taong hindi malikot ang katawan pero madulas ang bibig. Para hindi ka mahuli, ang kausapin mo e yung tagalista. Legal yun.
Standing - Eto yung mga taong may bulate sa pwet. Hindi mapakali kaya tayo ng tayo. Legal na dahilan para tumayo? CR.
Not Sitting Properly - Iniwan tayo ni ma'am ng nakaproper posture so dapat pag balik niya e ganun pa rin tayo. Dito, pwede kang mag taym pers para gumalaw at huminga. Pwede ditong mag-nap at matulog. Basta PROPER POSTURE!!!
Not On The Proper Seat - Madalas yung mga nasa standing e nandito din. Eto yung mga nagttrip to Jerusalem at nakikipagSOS sa kabilang dulo ng classroom sa tabi ng basurahan.

Mahirap ang trabaho ng tagalista. Kapag may naisulat ka na pangalan e magmamakaawa yun sa'yo at syempre makukunsensya ka. Pipigain ng mga kaklase mo ang isang gramo ng kunsensyang pinakatatagu-tago mo sa kaluluwa mo. Para madali, sabihin mo na buburahin mo yung pangalan nila kapag hindi na sila umulit. At yung mga kaaway mo naman tingnan mong maigi yung paa nila! Nakasampay sa kabilang upuan. Ayan! Bumawi ka na! May dahilan ka na para ilista sila. Pero beware! Mamaya after class babawian ka din nila. Dumating na si ma'am, pinasa mo ang listahan, madaming napagalitan, madami ka na ding kagalitan.

Hmmm. Ayus na gawain yan. Try niyo. Magpauso kayo. Tingnan natin kung sisikat. XD

Ayan. Wala na akong maisip na iba. Magandang sumunod sa rules. Lalo na kapag ang tagalista at block holder e yung kaaway mo. Kapag hindi ka sumunod e patay ka! Bababa ang grade mo sa conduct at magbabayad ka after class. Sabi nga nung isa naming ininterview sa Students' Welfare And Formation Office ng university namin, ignorance of the law excuses no one. Kahit sa tunay na buhay e may mga ganyang mga rules din. Yung iba nga lang e indirect kung magsabi. Tulad nung mga pauso ng MMDA. WALANG TAWIRAN! NAKAMAMATAY! O 'di ba? Parang sinabi na pagtumawid ka e diretso langit na ang biyahe mo. Pero kahit may mga pang Shake, Rattle, and Roll na mga signs na ganyan e madami pa ring hindi sumusunod. Tawid dito, tawid doon. Simpleng batas na kahit bata e kayang intindihin. Simpleng batas na pag matanda, hindi kayang sundin.

Yung mga tagahuli naman na iba, wala pang violation e nanghuhuli na. Para daw may pang almusal. Yung binayad mo e siguradong maliligaw ng landas. Didiretso kasi yun sa bulsa nila. Para daw organized. Tapos pag uwi nila sa bahay sasabihin nila, "Ay! Nakalimutan kong i-report tong nahuli ko, 'di ko naibigay yung pera. 'Di bale na, akin na lang to." Ayus! Nakatulog sila ng malinis ang kunsensya!

Minsan, kailangan din nating sumunod sa batas. At minsan, kailangan din nating maging tapat sa tungkulin natin. 'Wag kang kabado sa nililista mong noisy. Sila dapat ang kabahan kay ma'am mamaya. Kapag inaway ka after class. Sumbong mo kay ma'am. Tapos makikita mo na lang ako. Sumisigaw. Sumbungero! Sumbungero! Belat! Wala ka pala e! XP

O ayan. Tapos na. Wala na akong maisip na sabihin e. Sana okay naman tong blog ko ngayon. Gagayahin ko na lang yung ending ng YesYesShow. Bigla na lang mawawala.