Wednesday, May 20, 2009

Essence of Blogging

Ang blog kailangan laging TAPAT AT TOTOO!


Ayos ba? Parang pang-balita 'no? 'Yung kanila Mel Tiangco at Mike Enriquez ba. 'Di naman siguro ako kapuso nyan? Don't worry, 'di naman talaga ako nanonood ng balita madalas. (Pwera na lang kapag may bagyo at ibabalitang walang pasok 'eh talagang sabay kong bubuksan ang radyo, TV, at dyaryo.)

Back to the topic.

Sa paggawa ng blog about yourself or kahit na about sa alaga mong aso 'eh dapat totoo, walang labis, at walang kulang. Feeling professional 'no? (Spotlight naman!) Please, 'wag na kayong kumontra! Minsan lang po ito. ("MINSAN" daw 'oh!) Kung gusto mong gumawa ng blog na halos lahat naman 'eh kathang-isip lang at masyadong OA na, ipadala niyo na lang sa mga TV stations at malay mo makagawa ka ng bagong teleserye at sumikat ka pa doon. (May future ka!)

Hindi ako gumagawa ng blog tungkol sa sarili ko na masyadong OA. 'Yung parang sinasabing kasing tapang ko si Andres Bonifacio! Kasing talino ko si Einstein! Kasing bilis ko si The Flash! at magandang lalaki ako na parang si Digdong Dantes. Hindi naman kasi kailangang magpasikat sa blog. Basta nai-share mo ang gusto mong sabihin. Then, be happy with it. Tama na ang kayabangan. (Tigil putukan!)

Ayos mag-blog ng tungkol sa crush mo. (OMG! Ang pogi niya talaga! *Sino siya?*) Ayos lang mag-blog na parang nangangampanya. (Kung ako sa inyo hindi ako magiging corrupt! *Ows? 'Di nga?*) Ayos lang din kahit gawin mong parang diary 'yung blog mo. (Kanina hindi ko napigilan na maglabas ng masamang hangin sa harap ng madaming tao. Kahapon, nakatapak ako ng "floating kikiam". *Eww. Yuck!*)

'Di lang maganda 'eh 'yung nag-blog ka ng about yourself. Tapos, sasabihin mong dyosa ka pero alam naman ng lahat ng nakakakilala sa'yo na puro "Kwentong Barbero" naman ang laman ng blog mo. Oo nga, mahirap humanap ng magbabasa ng mga blog dahil nakakatamad naman talaga. Kaso, may magbabasa nga, puro naman kasinungalingan 'yung laman. (Mukha bang may tinutuligsa ako? Akin na lang 'yun.)

Nagsinungaling ka para lang magmukhang attractive 'yung blog mo? Sayang lang. 'Di na nagmumukhang entertaining ang mga blog na ganyan. Sabihin na nating madaming maaaliw na ibang tao sa'yo. 'Yun 'eh dahil 'di ka nila kilala. 'Eh paano na 'yung mga nakakakilala sa'yo? (Who are you? What are they?)

You're getting better on one side but worse on the other. (OMG! Tama ba grammar ko? Tissue please! *Nosebleed*)

Hindi ako nangaaway. Sinusubukan ko lang na sabihin kung ano ba dapat ang nasa blog. 'Yung mga blog mo about yourself. Lagyan mo lang ng title at characters 'eh may story ka na na hindi talaga tungkol sa'yo. (I'm sure it's another story!)

Let's end it here na muna. It's been almost 1 week na hindi ako gumawa ng blog. Bawi lang ako.

(P.S. Tamaan ang dapat tamaan! Isa lang siya ha! Baka tamaan kayong lahat! *Peace*)

1 comment:

  1. nice one enos!
    pre! gwa ka p ng blogs!
    haha,aun,avid reader mo n q.:))
    hahahahaha!

    ReplyDelete