Thursday, July 9, 2009

My Sports Life 1

Napakadaming sport sa mundo na pwedeng laruin ng isang tao. May nakakapagod, may nakakasakit, may nakakahilo, may nakakauhaw, may mas magandang panoorin na lang sa TV, may nakaka"wow", at syempre, halos lahat naman e nakaka-enjoy. Mas maganda daw na habang bata pa lang ang isang tao e naeenhance na ang kakayahan nito sa isang sport.

Hindi ako masyadong active sa sports. Basketball, volleyball, swimming, badminton, etc. Sa mga team sports e medyo 'di ako welcome kasi medyo "malaki" ang katawan ko at alam kong ako ang tatalsik kapag banggaan mode na. Marunong ako ng basics ng basketball, wala lang application. Sa volleyball naman, naglalaro din ako 'nun. (Sporty ako e!) 'Di lang naman para sa babae ang volleyball. (Kasi naglalaro ako at alam kong tunay at hindi kulay pink ang dugong dumadaloy sa ugat ko.)

Dahil para akong si Nara Shikamaru mag-isip tamad ako, chess ang nakahiligan ko. Madali lang kasi 'yun, protect the king and conquer your enemies lang. (Kung magsalita akala mo Pro e 'no?) Madali lang 'yun kasi hindi mabigat ang hahawakan mo, chess piece lang. (Pwera na lang kung life size ang gamit mo.) Hindi mo kailangang tumakbo. (King mo lang ang tatakbo.) Utak lang at daliri ang gamit mo. 'Yan ang chess, pwede kang lumipat sa sport na yan kapag sawa ka na sa snake and ladders.

High School.

Syempre 1st yr e medyo "mabait" ka pa. Wala pa kami masyadong sport na nilalaro. Pero nung 2nd yr, nakilala ko si Jan-Ove Waldner ang table tennis. Syempre dahil 'di pa kami close e nakikisawsaw at nakikisali lang kami sa mga naglalarong higher years.

Ayan. Naglalaro na kami. Pero dumating yung time na medyo nagdamot na si tadhana at hindi na kami pinapahiram ng raketa.... at bola..... at pati net tinago na. Nalungkot kami ng mga kasama ko. Drama ng buhay namin. Dahil dito, nagsimula kaming maghimagsik. Nangako kami sa aming mga sarili na sa oras na magkabola at raketa kami e 'di din namin sila papahiramin. (Ayos ba story? Read on!)

May mga napipilitang mabubuting tao pa naman na nagpapahiram ng bola sa amin. Pero wala pa ring raketa. Dahil sa kahirapan, sirang arm chair ang gamit namin. (Tiis-tiis na lang kami. Inggit sila, fast learner kasi kami. lol)

One day, bumili ako ng raketa. (Friends na kami ng table tennis.) E 'di meron na kaming isang raketa.

Laro..

Laro..

Laro..

May dumating pang raketa after 1 week. 'Di lang isa, dalawa pa! E 'di masaya na kami kahit pangit yung 2nd at 3rd racket. Training Laro na kami kahit ma-late minsan!

Dumating ang intrams at sumali ako sa table tennis. Naging CHAMPION! Yehey! (Tinatamad kasi yata yung last kong kalaban.) Tuwa na ako nyan. Astig!

Tapos, dahil nagagandahan ka na sa kwento ko, gaagwin kong 2 parts 'to para mabitin ka. Gabi na kasi, I need to study. (Weh? 'Di nga?)

_END_

Next chapter: The Sport 2

No comments:

Post a Comment