Thursday, December 24, 2009

An Afternoon With The Ladies

Bakasyon na namin. Share ko lang.
O game, let's start.

Tuesday last week. PE namin. Swimming. Kung nagbabasa kayo ng blogs ko, malalaman niyong 'di ako marunong at ayokong matutong lumangoy. Kung hindi niyo pa alam, ngayon alam niyo na. Wala yung professor namin. May inattendan na naman yatang seminar sa Pacific Ocean. Ang aga ng break namin. Simula 9:30 hanggang 11:30 ang PE at pagkatapos nun e break ng 4.5hrs pa. E 'di 6hrs kaming walang gagawin. Yung iba umuwi na lang, yung iba gumala. Yung iba bumili ng mga materials para sa activity sa REED, at nagkataong ako yun. Hindi kasi ako nakabili ng black cartolina. So nagpasama ako sa isang groupmate na babae at nakabili kami. Hindi na ako umuwi dahil wala namang tao sa bahay, walang pagkain, walang kausap. Emo. Kaya sumama na lang ako sa mga berks ni groupmate. Puro sila babae. At ako, lalaki syempre! Look. O 'di ba kulay brown at mahaba....ang slacks ko! Sa babae kasi green. (Please bare with my kakornihan. 'Di niyo naman ata gets e.)

So ayan, sa may kubo sila tumambay. E di syempre dun din ako. Kubo, ewan ko ba kung kubo ba talaga yun kasi sementado. Parang waiting shed na may bench at table lang. Pagdating pa lang namin ni groupmate doon e nagsasagot sila ng mga activity sa accounting. Ayus! Nakakaintimidate. Kung ikaw ang nandoon e siguradong mapapaaral ka talaga. OP ka kung hindi. Yun e feeling ko lang. 'Di din naman kasi ako nagsagot nung araw na yun. O sige. Ipapakilala ko na lang sila, ang hirap kasing sabihin na si friend1, friend2, or si friend ng friend. Mas madali pag may name. Si Jill, si Erika, si Emely, si Anne (My dear groupmate.), at si ♥Donna♥. Bakit may heart? Paki niyo ba!

Nagaaral sila Jill, Donna, at Erika. Si Emely naman e tulog. Tinanong ako ni Jill kung bakit hindi ako umuwi. Sinagot ko naman. Ang sabi ko... (Read the first part para malaman ang dahilan ng 'di ko paguwi.). Akala ko e inaantok lang si Emely kaya natulog. Yun pala masama ang pakiramdam niya. So ayun. Niyaya niya si Anne na pumuntang clinic. Ipapacheck niya yata kung matino pa talaga si Anne. Syempre, a groupmate is a groupmate so sumama ako sa kanila.

Ngayon ko lang napansin, yung groupmate na word e nakaunderline ng red. Sabi dapat daw group mate. Ang naaalala ko kasi e classmate kaya one word na lang. Hayaan mo yung red line wala namang english teacher dyan sa tabi-tabi.

Habang tinatype ko yung nasa taas nito e nakapunta na kami sa clinic. Gulat ka no? Ayun. Nagpacheck si Emely. Sabi ng mga nandun e may schizophrenia daw si Anne! Baliw daw siya! Baliw! Loko lang. Ang nangyari e naiwan ako sa labas, chinecheck si Emely at si Anne e gumagala sa loob ng clinic. Maya-maya, lumabas si Anne. Naiiyak. Tagumpay daw ang operasyon.

Kasi ba naman! Ang tagal. Kaya nagkwentuhan na lang kamis a labas ng clinic. Nalaman ko ang talambuhay ni Anne. Ayus naman pala. Matinong kausap. Astig at pangMMK ang buhay. Gusto niyong malaman? Itanong niyo sa kanya.

Tadaaaaaaaaaa! Lumabas na si Emely! May hawak na kasulatan. Isang excuse letter at isang reseta. Hindi pala namimigay ng gamot sa clinic. Kailangan, yung may sakit ang bibili. So kung may mataas kang lagnat, kailangan mong gapangin ang botika para sa gamot mo. Ewan ko kung bakit ganoon dun. 'Di ko trip. Kaya sa mga ka-university ko, BAWAL MAGKASAKIT... sa loob ng university. Pinauwi na si Emely. Nagayos muna siya ng gamit, pumunta sa underground at kumuha ng gamit sa locker. Hinatid namin hanggang sa may...... intersection! 'Di ko kasi madescribe yung pinag-iwanan namin sa kanya. Ang sure ko lang e intersection yun papuntang gate 3.

Bumalik kami sa kubo AKA waiting shed. Nagaaral pa rin sila. Mga bandang 11:30-12. Yata. At nakaisip kumain yung barkadahan. At ayaw nilang iwanan yung pwesto nila para may babalikan pa sila mamaya. So isasakripisyo nila si Anne na maiwan habang bumibili or kumakain yung iba. Alam kai nila na kailangan din magdiet ni Anne. ROFL. Ako? Ako na ang nagpaiwan para magbantay ng bag habang naghihintay. Ayos! Nakakagutom.

Tic!
Tac!

May lalaking dumating at umupo dun sa bench sa table namin. Gumagawa yat ng assignment. Ewan ko kung naintimidate siya, kasi tinitingnan ko siya every moment na gagalaw siya. Stalker e no? Wala naman siyang ginawang kakaiba.

Tic!
Tac!

After craving for food. Dumating na din sila! Sa wakas! 'Di pa sila nakakabalik sa kubo e sinalubong ko na sila at nagmadali papunta sa pinakamalapit na kainan. Pagkabili ko dun ng meal, nakita ko yung isang classmate pa namin. Emo siya. Kumakain magisa. Burger, iced tea, at noodles. Lunch na pala niya yun. Isang table ang sinakop niya. Ewan ko kung bakit hindi na lang siya dun sa may mga upuan sa labas. Kasi kung ako yun e hahayaan ko na yung ibang tao sa table. Pero 'di na bali, wala naman masyadong tao noon. Kwentuhan tungkol sa ROTC, sa tatay niya, sa pamliya niya. Hindi ako masyadong nagsasalita kapag may nagkkwento, mga comments lang para hindi maputol yung topic. Mas trip ko kasing nakikinig lang at hayaan yung tao na magkwento. Yun e kapag hindi ako ang nagsimulang makipag-usap.

Mas nauna siyang kumain kesa sa akin pero mas nauna pa akong matapos. Hindi ko alam kung gutom lang ba talaga ako noon o parang pusa lang siyang kumain. Sinama ko na siya dun sa kubo at dumami kami. May mga extra kasi na nakiupo na. Mga 'di kilalang tao. Kwentuhan tungkol sa Windstruck, My Sassy Gril, Wrong Turn, Saw, at Deathnote. Ang daldal nung sinama ko sa kubo. Hindi tuloy makapagsalita si Anne. Sabay silang nagkkwento. Hindi ko alam kung kanino magfofocus at titingin. Hindi naman kasi pwedeng tig isang tenga at mata sila. Kaya ayun. Tumatango na lang ako.

2:30 umalis si MItch. (Yung sinama ko.) May gagawin pa daw kasi sila sa ROTC. Nagpatugtog ng Open Arms, at mga nakakanatok na music si Donna. Trip ko yung mga kantang yun. Once in a blue moon. At kapag gabi. Pero dude! Siesta time yun at mellow ang tugtugin. Inantok tuloy ako ng konti. Napunta ang usapan sa kung sino ang mas trip ko. Shaina Magdayao o Maja Salvador. Ako ang tinanong pero naunang sumagot si Donna. Syempre Maja! Kamukha daw kasi siya nun sabi ng nanay niya sa kanya. Natawa ako nun. Sumunod naman si Anne. Kamukha din daw siya ni Maja. 'Di ako natawa. Alam ko sa buong buhay ko! Hindi niya kamukha si Maja! Wahaha! Ang sagot ko na lang, wala. 'Di ko kasi trip yung dalawang yun. Sa tingin ko naman, kahit anong itsura mo e maganda o pogi ka sa mata ng nanay mo. May kumontra. Si Erika! Kinukuwestyon daw ng nanay niya ang tigyawat niya. Natawa tuloy ulit ako.

Madami pang mga nangyari nung hapon na yun. Maganda din pala minsan na sumama sa mga babae. Madami kang matututunan. Tulad ng.... Basta! (Parang wala naman akong natutunan noon.) Wala na akong maitype. Dito na lang muna. Share ko lang naman kung anong nangyari sa akin last week. Sige mga peeps! Happy Holidays!

(P.S. Ang saya kahapon! Thanks to Justin! Kung ano yun? Chat tayo kwento ko sa inyo! LOL. JK.)

1 comment: