College na ako. Syempre kailangan kong pumasok sa 1st day. Matagal ko nang kilala ang university na papasukan ko. Simula noong bata pa ako, hindi pwedeng hindi ko madadaanan 'yan tuwing sasakay ako ng jeep. Ang university na 'yan ay ang walang katinag-tinag na DLSU-D. (Halos 40% siguro ng graduates sa school ko e d'yan na matatagpuan.)
Course? Accountancy! (Whoa! Bigtime ba?) Medyo mahirap daw ang course na kinuha ko. (Medyo nga lang ba? O pampalubag-loob lang 'yun? Let's see.) Madaming naghahangad na mag-accountancy kaso hindi lahat nakakapasa sa qualifications. ('Di kasama ang kagandahang lalaki d'yan kaya welcome ang lahat!)
OK, game na.
1st Day!
(Kabado.) Ayokong tumayo sa harap at magpakilala. 'Di ako sanay makipag-usap sa iba. (Emo? 'Di din. Shy-type? Oo. Para kunwari napakabuting tao mo.) 1 and 1/2 hr ang unang subject. 15mins late ang prof e pwede ka nang umalis dahil considered absent na siya. 13mins nang late si ma'am. Syempre excited na ako. Kaso, palpak! Nakita ko ang anino niya sa labas ng room na naglalakad papunta sa pinto ng room. Bigla akong napaisip na sana e may humarang sa kanya at makipagkwentuhan para 'di siya makapasok sa room at ma-late. Mali ako. Pumasok siya ng 'di late. 13.5mins pa lang ng dumating siya. 1.5mins na lang 'di pa niya tinuloy. (Whew! Sayang!)
English subject ang una. Syempre mas kakabahan ka dahil 'di ka lang basta-basta magpapakilala. Dapat in english. E 'di nosebleed na ako noon. (Buti 'di ako hinimatay!) Swerte! 'Di na talaga uso sa college ang magpapakilala ka sa harap. (Lalo na kung 45 kayo sa klase at nagsisimula sa letter "A" ang surname mo. Ang laking ginhawa!)
Natapos ang english.
Late na sumunod ang psychology. (Matakaw sa oras kasi ang english namin.) First impression sa teacher- TERROR! Pero mali ako. (Mali na naman?) Isa siyang kwelang teacher. Galing daw siya sa kumbento. (Dating nagmadre pero 'di nakatiis.) Naaliw naman ako sa kanya. 'Di siya boring. 'Di din siya nagtawag para magpakilala. 'Di din siya agad nagklase! (Yahoo! 'Yan ang magandang teacher!)
Natapos ang psychology.
Lunch break.
Meron akong kaklase na schoolmate ko 'din dati kaya sa kanya ako sumama. Kaso madami siyang kasama kaya nagpaka loner na lang ako. (Emo? Sabing hindi nga e!) Pagkakain ko, walang matambayan kaya nagPC na lang ako.
Muntik na akong ma-late pagbalik dahil akala ko 11:30 pa. Filipino ang subject. Nakakatakot ang teacher namin by looks pero mabait naman. Nahihirapan daw siya na magbagsak ng estudyante. (Pabor sa akin 'to!) Wala pa kaming ginawa kung 'di ang syllabus na naman.
Noong magtitime na, may nakita akong (payaso) teacher na sumilip sa bintana. Siya pala ang teacher namin sa religion.
Noong una kong nakita ang religion na subject namin ang buong akala ko e pari or madre ang papasok. Pero mali ako! (Lagi na lang akong mali! Wala na akong ginawang tama!) Ang pumasok e isang lalaking ala japanese na samurai ang hairstyle ang pumasok sa room. Tinanong niya kami kung anong course namin dahil baka naliligaw siya. Tama! 'Di siya naliligaw! Siya talaga ang prof namin sa religion. Kwela siya. Payaso talaga. Nakakaaliw at nakakabaliw. (Lalo na't may tonong bisaya pa ang pagsasalita niya.) Dito ko nagustuhan ang religion na subject. (Bakit kaya siya naging religion teacher?)
Time na! Uwian mode!
Ayan ang nangyari sa 1st day ko sa school. Fast forward na lang!
Summary: Nakakaaliw ang 1st day! (Dahil walang introduce yourself part!)
aus ah haha :)) XD
ReplyDelete