For now, magkukwento lang muna ako about sa mga pangyayari sa early college days ko. Kung may maisip kayong topic na madadalian ako sa paggawa e i-comment niyo lang dito at titingnan ko. (Titingnan ko lang. 'Di ko gagawin.)
English subject, tungkol sa mga count at non-count nouns ang topic. (College na nga ba ako o elementary ulit?) Sa non-count nouns na uso ang mga salitang may -ism ang dulo dahil itong mga 'to yung madalas na kaisipan lang at hindi nahahawakan.
Give examples daw sabi ni ma'am. Mutualism po! (Naalala niya dahil topic namin 'yun sa ecology kailan lang.) Nagulat si ma'am! (Parang narinig ko pa siyang nagsabing "WTF is mutualism?!" *Joke*) Ngayon lang daw niya narinig yung word na 'yun. (Yes! May natutunan siya galing sa amin!) Inexplain pa ng chorus ng klase kung ano ang meaning ng mutualism. (Kung 'di niyo alam e search niyo na lang. Nasa baba ang notes ko at 'di ko tanda ang meaning nun. *Bobo! Bobo! Bobo!*)
Natapos ang mutualism era. Sumunod, parasitism! (Naging mga pang-science na ang mga examples namin!) OK daw sabi ni ma'am. Next! Dahil mukhang walang maisip si classmate e nasabi niyang organism po! (Wow! Pati 'yun nahalukay pa niya!) Tama naman daw sabi ni ma'am kaso 'wag daw puro science. Nauso ang patriotism, nationalism, regionalism, capitalism, at lahat ng mga may kaugnayan sa pagiging makabayan. (Kung meron sigurong barangayism e nasabi na din.)
Medyo nauubusan na ang klase. Hanggang sa may isang nagtaas ng kamay! Tentenenen-tenen! The last answer! VANDALISM! Yahoo! Ayos ang naisip niya! Inspired siguro ng mga nakasulat at drawing sa armchair niya. (May isang drawing akong nakita na parang ano ng lalaki. In fairness, kamukha nga! So artistic!)
Ayan. Natapos na ang english. Pero ang -ism na salita hindi pa! Natuloy ito sa last subject.
Religion!
Dumating na naman ang (entertainer) teacher namin. Siya yung kwelang teacher namin na makulit. Uso naman sa religion ang -ism dahil sa mga "different kinds of faith".
As usual, give examples na naman daw!
Christianism (Mga kristyano!), Buddhism(Mga shaolin!), Confucianism (Mga Confused lagi!), Hinduism(Mga nagtitinda ng DVD!), Taoism (Tao?), at kung anu-ano pang mga relihiyon. Pati nga kay Rizal nabanggit e. At syempre ang favorite ko. 'Di namin sure kung meron nga bang religion na ganito. Pero kung meron man, sila ang madalas sumasayaw ng Jai Ho. JAINISM! Pagkarinig ko pa lang dito parang biglang nagplay ang Jai Ho sa utak ko.
'Yan lang po. Share ko lang ang -ism words.
No comments:
Post a Comment