(Nagjajamming ang mga ibon.)
Twit-twit-twit.. tweety...
(Nagvovoice lessons ang mga manok.)
Tik-ti-laok..
(Kumakahol ang aso namin.)
Arf-arf..
At ayan. Nagising na ako. 6:40am pa lang. Nakakatamad pang bumangon. Check ng mobile phone. Walang message. Muni-muni ng saglit. Pikit ulit at pinilit matulog. Hindi ko na kaya. Pag nagising na ako, mga 15-17hrs ulit bago ako makatulog. Plano kong ilipat yung kable ng internet sa kwarto ko para magapaglaptop ng maaga kaso baka matunugan ako ng nanay ko. At syempre kunwari nakita niya akong nagsimula nang madaling araw pa. Kaya daw ako pumapayat. Sa isip ko naman, may ipapayat pa ba ako? Hindi ko na tinuloy ang plano ko.
Bumaba ako nang dahan-dahan para tingnan kung may tao na nasa sala. Wala! Pwede ko nang ituloy ang plano ko sa taas! Kaso tinamad na ako kasi nakababa na ako ng 7 steps sa hagdan at feeling ko mahirap nang umakyat. Bumaba na ako nang tuluyan at nakita ang nanay ko. Naghahandang maglaba. Timpla ng ovaltine (free ads) at kumuha ng tinapay. Niluluto pa kasi yung almusal. Puro fried, egg, rice, at fish. Pampa-altapresyon talaga. Kaya ako, as (tamad) health conscious guy, di ko na hinintay yun at nung maluto e sabi ko na kumain na ako ng tinapay.
Eto na ang malupit na parte.
Tinawag ako ng tatay ko sa labas. May gagawin daw kami na makabubuti sa hinaharap ko. Pagkakita ko sa kanya, kinuha niya yung mga kahoy na ginamit sa contruction sa kabilang bahay (sa amin din yun). May dalang martilyo at bareta na may pangtaggal ng pako sa dulo. Yung bakal na paletter "J" na parang tungkod ng matanda. Pagkakita ko pa lang sa kanya sa bintana e umupo na agad ako dahil ayoko ng naisip niya. Walang mabuting maidudulot sa akin ang pagtatanggal ng mga pako sa kahoy. Pero syempre lumabas pa rin ako na parang excited sa proyekto niya.
Palapit pa lang ako at feel na niya na ayokong gawin yun kaya sinabi niyang, "Anak, mas mabuti na gawin mo 'to. Para hindi puro ballpen ang hawak mo.". Sa isip ko (na naman), "ah ganun ba 'tay? okay sige mouse na lang hahawakan ko.".
Ayan. Moment of truth. Hawak ko na ang martilyo at pumili na ng mga kahoy na sa tingin ko e madaling tanggalin ang mga pako. Ang tatay ko? Ayun kumuha ng maliit na upuan tapos umupo sa isang gilid. Kakatapos lang daw kasi niyang kumain. Palusot pa siya. Habang nagtatanggal ako ng pako e inexplain pa niya sa akin ang mga simple machines at ang application ng physics sa gawain ng mga karpintero. May fulcrum at lever pa siyang nalalaman. Maglagay daw ako ng isang extra na kahoy para mas madaling bumunot ng mga pako na malalaki.
Nag-kwento siya na ang mga karpintero daw gumagamit ng physics galing sa experience nila kahit hindi naman nila nabasa ang mga facts tungkol doon. Totoo at tama naman siya kaso ang mali e yung puro siya kwento at ako e naghihirap naman.
Ayos ang mga pako, may nakatupi, may nakalabas na kaagad, may mga super baon talaga, at merong ibang parang wala nang pag-asang matatanggal ko pa. Swerte at hindi ako nasisinagan ng araw kasi nakatapat sa bahay namin ang pagsikat niya. Hindi masyadong mainit.
Sa wakas, tumayo na siya at tumulong. Nagtanggal siya ng mga pako na mahirap tanggalin gamit ang pinagmamalaki niyang physics. Ayos! Kaso nag-iba siya ng forte. Ang ginawa na lang niya e ayusin yung mga kahoy na ok na. Ako ay back to business na naman. Pukpok, kuha ng bareta, lagay ng kahoy, tanggal ng pako.
Hindi ako masipag. Aminado ako dun. Tamad ako. Ay hindi pala. Hindi lang ako masipag. So ganito.
Hindi ako tamad. Hindi lang ako masipag.
Ayan gets? Ayoko nang mga nakakapagod na bagay maliban na lang kung trip kong gawin yun. Ayokong maglaro ng basketball sa tunay na buhay sa computer pwede pa. Gusto ko lang na manood ng basketball. Nakakapagod kasi. Pano pa kaya ang magtanggal ng pako? Wala akong makukuhang maganda dito. Pero pag inisip mo talaga, madedevelop ang skills mo sa mga gawaing pambahay. Yan na lang ang iisipin ko para nakakapaniwala.
Ayun. Natapos din ako (pagkatapos ng isang linggo). Inayos ko na yung ibang kalat. Ayun. 'Di muna ako naghugas ng kamay kasi baka mapasma ako at baka pagpasok ko sa school e para akong rapper dahil nanginginig ang kamay kong pasmado na.
Nagbukas ng computer, nilagay ang password ng administrator. Nagopen ng YM at Safari (free ads ulit). Pangit kasi sa Mozilla, 'di gumagana yung isang nilalaro ko. Nagopen ng FaceBook (makakasuhan ba ako sa paggamit ng pangalan nila?). Naglaro. NagPM si ano. Ayun nagchat ng konti, kumuha ng mga books at hinanap ang mga lumang papeles na makakatulong sa assignment ko pero 'di pa ako gumagawa.
Bumaba ako at naghugas na nang kamay. Refreshing daw sabi nung kaliwang kamay ko. Sabi naman nung kanan excellent daw. Ayun. Umakyat ulit at nagchat, naglaro at madami pang iba.
Tapos ayun. Kumain ng lunch. Umakyat ulit, at eto. Ginagawa ko na to.
The End
(Bow)
P.S. Teka teka. May nagrequest na ipakilala ko daw yung nagtanong kung may bago na akong blog. Siya si Stephen aka "PenPen". Schoolmate ko dati. O ayan. Wish granted. Konti na lang wish ko lang na tong blog ko.
No comments:
Post a Comment