Unang una, gets niyo ba yung title?
Kung oo, buti naman.
Kung hindi,
.
.
.
OK.
Iku-kwento ko lang yung nangyari sa amin (Ako=bida, pamangkin ko, mamang driver, and fellow passengers) kagabi.
Ganito kasi yun.
Birthday ng pamangkin ko kahapon. (Share ko lang din, walang kinalaman 'to sa kwento ko.)
Dumalaw ang isang relative sa bahay namin nung hapon. Medyo may katandaan na siya. Syempre, as usual, kwentuhan ang mga elder sa bahay namin at ako e busy sa paglilibot sa internet. Nung gumabi na, uuwi na si relative at in-interrogate ako ng tita ko kung alin ang gusto ko. Maghuhugas ng plato o ihahatid si relative sa Petron? (Petron=6km away from my computer.) Malas!
Sa sobrang sipag ko kahapon e wala akong pinili sa dalawa. Dahil dun e automatic na tuloy na ako na ang maghuhugas. Nakakatamad kasing pumunta sa malayo at maghatid ng bisita. Ang lungkot kasi pag pa-wui ka na. You're all alone. Kaya ayun, pinasa kay pamangkin ang misyon na maghatid kay relative. At syempre iniwan ko ang mga plato at join na ako na maghahatid. Ayoko din naman kasing kausapin ang mga plato lalo na't madami kami kagabi sa bahay.
Ayan! Let the journey begin. Madilim na kalsada, may mga tambay, at walang ilaw dahil nagtitipid ata ang kabilang baranggay. Sumakay na kami ng (limousine) jeep. Syempre kailangan kong i-entertain ang banyaga sa lugar namin. Tinanong niya ako kung saan ako nag-aaral, anong kurso ang kinukuha ko, at kung anong year ko na. Sumagot naman ako na parang batang bibo. Sa la salle po, accountancy, 1st year. Sabi niya, ahhh. Sabi ko naman, oooh. Tinuro ko sa kanya ang DLSU-D at tiningnan naman niya ito na parang nagfield trip lang.
Dumaan na kami ng EAC. (Bilis 'no? 'Di mo alng napansin kasi ang bagal mo magbasa!) At syempre, dumating na kami sa Petron. Tinanong namin si relative kung anong bus ang sasakyan niya dahil kami ang papara. Nagulantang ako sa sagot niya. Sabi niya, "di ko alam". (Muntik ko nang sabihin, "Ah ganun? OK iwan ka na namin.") Malas na naman! Mabuti at 'di nagpanic ang pamangkin ko at tinanong kung saan ba siya pupunta. Sinabi ni relative kung saan at nanghula pa kami ng bus na dapat niyang sakyan.
After 100years, nakasakay na si relative at pauwi na kami. Walang ilaw sa kalye, nakakatakot pa yung lalaki sa gilid na pilay dahil baka robot pala siya na gustong sakupin ang buong mundo, o baka mutant siya na kayang magpatubo ng paa. Basta! Imahinasyon ko lang yan.
Sumakay kami ng jeep after another 100years. Payapa kaming naglalakbay pabalik sa bahay nang biglang may pumara. 'Di pa nakakahinto ng maayos yung jeep eh malayo na yung bumaba. 1-2-3 pala siya. 'Di nagbayad. E napagbuntunan yung mga kasam nung tumakbo, medyo nagkainitan sa loob ng jeep. Binayaran na lang nung kasama niya yung nangloko. Malas si manong.
Intersection na, may lasing na may hawak na kutsilyo sa gitna ng kalsada. E yung driver namin, nalibang na tingnan yung lasing, jeep tuloy namin ang hinabol! Malas na naman! Natakot yung mga pasaherong babae at lumagpas yung nagpapara dahil na-trauma silang lahat. Malas na naman!
Malas pala talaga si manong driver simula pa nung umaga. Nanakawan siya ng 300 ng harap harapan sa jeep niya. (Kwento nung babaeng pasahero na nasa harap.) Tapos tinakbuhan pa ng lalaki na 'di nagbayad, tapos hinabol pa ng saksak ng lasing.
Narinig pa nga yata si manong na nagsabing,"Tama na. Ayoko na. Please! Lubayan mo ako kamalasan!".
Ayan! Tatlo na lang kami na pasahero. Ako, pamangkin ko, yung kasama nung nag-123. Nagpara yung lalaki na parang nakikipagusap sa ibon. Yung whistle na pahigop instead na palabas ang hangin. Tapos tuloy-tuloy pa rin yung jeep sa andar kaya napatalon ng 'di oras yung lalaki. Malas na naman si manong! Nagalit yung lalaki tapos lumapit sa jeep.
Sabi niya, "PI mo! Gusto mo ba akong patayin? May humps dun oh!".
Sabi ni manong, "'Di pa kasi humihinto, tumalon ka na."
Sabi ulit nung lalaki, "E g*g* ka pala e! Gusto mong 'di ka na makadaan dito?"
(Sa isip ko lang, lalagyan kaya ni kuya ng barricade yung daanan para di na makadaan si manong driver?)
Ayun! Natapos ang usapan nung sipain ni kuya yung jeep ng full force.
After 3days, dumating na kami sa bahay.
Ayan. Share ko lang. All I can say is, 'di kami malas ni manong. Swerte lang ang mga kaaway namin. (Bwahahaha!)
That's epic men!
ReplyDeleteSana andun ako nung hinabol yung jeep ng lasing. haha!