Sunday, September 6, 2009

The Hero In Me

Kwentuhang superheroes muna tayo. Kakabasa ko lang ng blog ng kaklase ko tungkol sa isang kabayanihan. Kaso, 'di siya superhero. Tao siya. Tulad mo, tulad ko, tulad nating lahat. Maliban na lang kung anong turing mo sa sarili mo.

Kung papipiliin ka, sinong gusto mong maging? The Flash, Superman, Batman, Wonder Woman, Pacman, Inuman, at ano pa man. Many to choose from sila at iba't iba pa ang powers. From speed, super lakas, super talino, humahabang kuko, mind control, weather control, weather forecast, el niño, la niña, hanggang sa x-ray vision na sa damit lang tatagos kapag ginamit sa tao.

Sino nga ba ang nakaisip sa mga ito? At ano namang klaseng utak ang meron siya at 'yun pa ang naisip niya at hindi na lang drama at telenovela?

According to the information na nakuha ko sa internet, isang superhero na nagngangalang Mandrake the Magician ang unang nagpakita ng symptoms ng pagiging superhero. Ang powers daw niya eh "make people believe anything, simply by gesturing hypnotically". Sa madaling sabi sa tagalog, magaling siyang manguto. Gawa siya ng malikhaing utak ni Lee Falk. Nagustuhan lang ni Lee Falk na gumawa ng comics dahil fascinated daw siya sa mga myths and legends. (Readers: Ahh. Ganoon pala yun!)

Nga pala, hindi superheroes sila King Arthur, Jose Rizal, Tarzan, at si Tweety Bird ha! Ang superhero ay isang fictional character na may kakaibang powers na nakakatulong sa ibang tao.

Sa ngayon, tingin niyo kailangan natin ng superheroes? Syempre oo. Pero malas niyo lang dahil wala namang ganito sa tunay na buhay. Kung gusto niyo upahan niyo si Mang Jose na parang si Daimos din.

Dahil wala tayong superheroes sa mundong ito, tayo na din dapat ang tumulong sa mga nangangailangan. Sa madaling sabi na naman, gayahin niyo ako. Tumutulong sa nangangailangan! 'Pag pera ang usapan, hanapin niyo lang ako. Tingnan natin kung makikita niyo ako.

Kahit sa konting tulong lang eh at least 'di ba. May naiambag ka sa lipunan. Hindi yung tulad ng kwento sa isang discussion namin.

Here's the story:

May matanda na tatawid ng highway.
Nakita mo siya na mabagal maglakad at mabibilis ang sasakyan sa highway.
Ako: Tumatawid si tatang, ang bagal niya, baka masagasaan siya.
('Di mo tinulungan.)
(Dumadaan ang mga mabibilis na sasakyan.)
Ako: Naku! Ang bibilis ng mga sasakyan, baka masagasaan siya.
('Di mo pa rin tinulungan.)
(Malapit nang mabangga si tatang.)
Ako: Ayan na! Baka masagasaan na siya.
(Kanina ka pa isp ng isp na tutulungan mo siya pero 'di ka gumagalaw.)
Blaaagh!
(Nasagasaan si tatang.)
Ako: Ayan! Sabi na nga ba eh, masasagasaan siya.
THE END

Kung buhay daw siguro si tatang at nakita niya ang mga ginawa mo eh malamang ginilitan ka na niya ng leeg at sasabihing,
"PI mo! Puro comment ka lang pero 'di mo ko tinulungan! PI mo! Mamatay ka na!".

Ayan! That's the problem na. Kapag may nangangailangan, dun tayo wala. Ang saklap sa buhay ng ganoon. Ako, aaminin ko, hindi ako super helpful. Pero kung magbubuhat lang naman eh okay lang sa akin. (Mga bagay na hindi bibigat sa isang kilo.) The point is, tao tayo, tao ang nangangailangan. Kung hayop nga nagtutulungan eh, tayo pa kaya. So, what are you waiting for? Be a hero on your own little way.

(P.S. Tribute sa loyal na lalaki na nagligtas sa tita ng classmate ko. Pagaling ka bro!)

No comments:

Post a Comment