Do not do unto others what you would not want them to do unto you.
May natanggap akong message noong isang araw. 'Eto yung laman.
I saw these blogs on twitter from Koreans. I remember what one of the Koreans said "Have you heard the news? The monkey island Philippines is flooded. I hope the rain will never stop to drown those monkeys". All of them are laughing! Another retard Korean said "they will all die because monkeys can't swim!" then laughed.
Ayan. Galit ka na ba? Kung hindi, ok. Kung oo, calm down, wag kang magpanic. Una, 'di naman lahat ng forwarded message e totoo, madalas e trip lang tulad nung mga message na "pass this or you will have a kulugo on your pwet" at "send this to 15 people or else you will be a pig". Pangalawa, alam naman nating hindi totoo yan. Bakit? Unggoy ka ba? Hindi 'di ba? So, kalma lang muna. Inom ng tubig, tapos basahin mo ulit 'to. Isa pang dahilan, ('eto may kinalaman na sa golden rule) ang ibang pinoy, ganyan din naman ang ginagawa.
Experience Grip:
Noong high school ako, merong student sa lower section na iba ang lahi. 'Di siya "in" sa klase nila. Pinagtitripan lagi ng mga boys dahil nga sa lahi niya. Ang lahi niya e yung madalas nakikitang nakamotor tapos madaming pera at listahan. Mabait naman siya, yun nga lang, iba kasi ang kultura niya sa atin kaya sa ibang tao e weird siya. Pilipino siya, pilipino din yung nang-aapi. So ayan, magkababayan na 'di pa magkasundo. Paano pa kaya kung sa ibang bansa na? Walang pinagkaiba yan.
Lumalabas na pareho lang din ang ilang pinoy sa ilang koreano na naglagay ng mga bagay na yun (Kung totoo man yun) at wala tayong karapatan na magalit sa kanila.
Nga pala, may nakalagay pa sa dulo ng message:
Pass this message.
Send as many as you can.
Koreans in our country doesn't deserve our hospitality.
Sana naman e walang gumawa nito. Although koreano daw ang may pakana nito, iilan lang yun at hindi naman buong lahi nila ang dapat idamay. Napakawar freak naman ng nagsend nito. Let's learn to forgive and forget. (Kasi nga 'di naman siguradong may ganitong blog talaga.)
Okay, nasabi ko na ang gusto kong ibahagi sa inyo. All in all, 'wag atayong magpapaniwala sa mga message sa atin lalo na kung forwarded lang. Tingnan muna natin ang sarili natin bago tayo magcomment sa kung ano mang mga bagay na nangyayari. Lastly, don't do unto others what you would not want them to do unto you.
(Nakikisimpatya po ako sa mga nasalanta ng bagyo at namatayan.)
(Isa pa, happy birthday kay Judy!)
No comments:
Post a Comment