Saturday, June 27, 2009

Mga Kakornihan Ko! Ilalantad na!

Alam kong medyo corny ang (lahat) ibang parte ng blog ko. Kaya kung 'di ka natutuwa, e lulubos lubusin ko na. 'Eto ang ilan sa mga nakuha kong jokes sa iba't ibang panig ng WWW. Courtesy of Jokes Sanctuary and Pinoy Jokes. Nilagyan ko na lang ni title. (Sana may matawa!)

Number 1!

"Magtanim ay 'Di Biro"

May dalawang lalaki. Isa ay si Jose, isa ay si Pedro.
Isang araw si jose ay nagtanim pero nakita ni pedro na wala siyang tinatanim.
Pedro: Nabuang ka na Jose! Nagtatanim ka pero walang buto.
Jose: Ikaw ang nabuang! Seedles to no!

Number 2!

"Muntik"

ANAK: Alam nyo 'tay, KAMUNTIK na po akong maging first
honor kanina sa klase namin!

AMA: Tutuo ba yan anak?

ANAK: Opo 'tay! kasi itinuro po ng titser namin yung first honor
namin kanina. . . . eh katabi ko po yung tinuro niya!

Number 3!

"Prusisyon"

SA PRUSISYON.

PARI: Ang mga boys, sumunod sa karo ni San Jose. . . At
ang mga girls, sa karo naman ni Mama Mary !

BADING: Kami father, saan kami susunod?

PARI: Hoy! Mga bruha!. . . Follow me!

Number 3!

"Fishball"

Q: bkt hnd ng jajacuzzi ang mga kalbo?

A: ksi mgmumuka clang fishball

Number 4!

"Ano"

Q:Ano ang sabong hindi bumubula?

A: E 'di yung walang tubig!

Q: Anong palabas sa sinehan?

A: Exit!

Number 5!

"Women are stronger than men. Why? Because women can carry two mountains at a time, while men can carry 2 eggs; take note with the help of the bird pa."

Number 6!

"Soldier"

Pedro: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Pedro: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, KAGATAN na ang labanan?

Number 7!

"Asar"

WIFE: Hudas ka! lagi kang umuuwing lasing. Naaasar na tuloy ako sa mukha mo.
HUSBAND: Pero mahal, kung hindi ako lasing, ako naman ang maaasar sa mukha mo

Number 8!

"Overnight"

Dad: Umaga na! Bakit ngayon ka lang umuwi?
Anak: Dad, not now, i'm tired! Dami events at projects sa school. Nagmeeting pa kami w/ dean kaya inumaga na.
Dad: Tumigil ka! Kinder ka pa lang!

Number 9!

"Anagrams" *Not purely a joke*

DORMITORY:
When you rearrange the letters:
DIRTY ROOM

ASTRONOMER:
When you rearrange the letters:
MOON STARER

DESPERATION: When you rearrange the letters:
A ROPE ENDS IT

THE EYES: !
When you rearrange the letters:
THEY SEE

THE MORSE CODE :
When you rearrange the letters:
HERE COME DOTS

SLOT MACHINES:
When you rearrange the letters:
CASH LOST IN ME

ELECTION RESULTS:
When you rearrange the letters:
LIES – LET’S RECOUNT

A DECIMAL POINT:
When you rearrange the letters:
I’M A DOT IN PLACE

ELEVEN PLUS TWO:
When you rearrange the letters:
TWELVE PLUS ONE

AND FOR THE GRAND FINALE:

MOTHER-IN-LAW:
When you rearrange the letters:
WOMAN HITLER

Number 10!

things you don't want to hear when your having a heart surgery:
1.nasan ung bagong gunting,bat puro kalawang to?
2.sabi ko 5ml lang bat 12ml nilagay mo, may nakasurvive na ba dyan?
3.sunog!sunog!!labas lahat ng tao!
4.naku!nakalimutan natin ung anestisia
5.tama ba itong naputol kong ugat????

'Yan pwede na 'yan. 10 na lang ilalagay ko. Natawa ka man o hindi, tulad ng blog ko, wala kang magagawa. Ganyan ang pagkakabuo sa mga 'yan. Kapag binago mo, hindi na siya katulad ng dati. Kaya kahit conry, a joke is still a joke. Kahit blog ko, ganito talaga 'to. Pasensya na lang. Wahaha!

(P.S. Salamat sa isang nagsabing corny ang ilang part ng blog ko. Tanggap ko 'yun. 'Eto ang tribute ko sa'yo. lol)

Tuesday, June 23, 2009

Son of An -Ism!

For now, magkukwento lang muna ako about sa mga pangyayari sa early college days ko. Kung may maisip kayong topic na madadalian ako sa paggawa e i-comment niyo lang dito at titingnan ko. (Titingnan ko lang. 'Di ko gagawin.)

English subject, tungkol sa mga count at non-count nouns ang topic. (College na nga ba ako o elementary ulit?) Sa non-count nouns na uso ang mga salitang may -ism ang dulo dahil itong mga 'to yung madalas na kaisipan lang at hindi nahahawakan.

Give examples daw sabi ni ma'am. Mutualism po! (Naalala niya dahil topic namin 'yun sa ecology kailan lang.) Nagulat si ma'am! (Parang narinig ko pa siyang nagsabing "WTF is mutualism?!" *Joke*) Ngayon lang daw niya narinig yung word na 'yun. (Yes! May natutunan siya galing sa amin!) Inexplain pa ng chorus ng klase kung ano ang meaning ng mutualism. (Kung 'di niyo alam e search niyo na lang. Nasa baba ang notes ko at 'di ko tanda ang meaning nun. *Bobo! Bobo! Bobo!*)

Natapos ang mutualism era. Sumunod, parasitism! (Naging mga pang-science na ang mga examples namin!) OK daw sabi ni ma'am. Next! Dahil mukhang walang maisip si classmate e nasabi niyang organism po! (Wow! Pati 'yun nahalukay pa niya!) Tama naman daw sabi ni ma'am kaso 'wag daw puro science. Nauso ang patriotism, nationalism, regionalism, capitalism, at lahat ng mga may kaugnayan sa pagiging makabayan. (Kung meron sigurong barangayism e nasabi na din.)

Medyo nauubusan na ang klase. Hanggang sa may isang nagtaas ng kamay! Tentenenen-tenen! The last answer! VANDALISM! Yahoo! Ayos ang naisip niya! Inspired siguro ng mga nakasulat at drawing sa armchair niya. (May isang drawing akong nakita na parang ano ng lalaki. In fairness, kamukha nga! So artistic!)

Ayan. Natapos na ang english. Pero ang -ism na salita hindi pa! Natuloy ito sa last subject.

Religion!

Dumating na naman ang (entertainer) teacher namin. Siya yung kwelang teacher namin na makulit. Uso naman sa religion ang -ism dahil sa mga "different kinds of faith".

As usual, give examples na naman daw!

Christianism (Mga kristyano!), Buddhism(Mga shaolin!), Confucianism (Mga Confused lagi!), Hinduism(Mga nagtitinda ng DVD!), Taoism (Tao?), at kung anu-ano pang mga relihiyon. Pati nga kay Rizal nabanggit e. At syempre ang favorite ko. 'Di namin sure kung meron nga bang religion na ganito. Pero kung meron man, sila ang madalas sumasayaw ng Jai Ho. JAINISM! Pagkarinig ko pa lang dito parang biglang nagplay ang Jai Ho sa utak ko.

'Yan lang po. Share ko lang ang -ism words.

Sunday, June 21, 2009

Back to School!

College na ako. Syempre kailangan kong pumasok sa 1st day. Matagal ko nang kilala ang university na papasukan ko. Simula noong bata pa ako, hindi pwedeng hindi ko madadaanan 'yan tuwing sasakay ako ng jeep. Ang university na 'yan ay ang walang katinag-tinag na DLSU-D. (Halos 40% siguro ng graduates sa school ko e d'yan na matatagpuan.)

Course? Accountancy! (Whoa! Bigtime ba?) Medyo mahirap daw ang course na kinuha ko. (Medyo nga lang ba? O pampalubag-loob lang 'yun? Let's see.) Madaming naghahangad na mag-accountancy kaso hindi lahat nakakapasa sa qualifications. ('Di kasama ang kagandahang lalaki d'yan kaya welcome ang lahat!)

OK, game na.

1st Day!

(Kabado.) Ayokong tumayo sa harap at magpakilala. 'Di ako sanay makipag-usap sa iba. (Emo? 'Di din. Shy-type? Oo. Para kunwari napakabuting tao mo.) 1 and 1/2 hr ang unang subject. 15mins late ang prof e pwede ka nang umalis dahil considered absent na siya. 13mins nang late si ma'am. Syempre excited na ako. Kaso, palpak! Nakita ko ang anino niya sa labas ng room na naglalakad papunta sa pinto ng room. Bigla akong napaisip na sana e may humarang sa kanya at makipagkwentuhan para 'di siya makapasok sa room at ma-late. Mali ako. Pumasok siya ng 'di late. 13.5mins pa lang ng dumating siya. 1.5mins na lang 'di pa niya tinuloy. (Whew! Sayang!)

English subject ang una. Syempre mas kakabahan ka dahil 'di ka lang basta-basta magpapakilala. Dapat in english. E 'di nosebleed na ako noon. (Buti 'di ako hinimatay!) Swerte! 'Di na talaga uso sa college ang magpapakilala ka sa harap. (Lalo na kung 45 kayo sa klase at nagsisimula sa letter "A" ang surname mo. Ang laking ginhawa!)

Natapos ang english.

Late na sumunod ang psychology. (Matakaw sa oras kasi ang english namin.) First impression sa teacher- TERROR! Pero mali ako. (Mali na naman?) Isa siyang kwelang teacher. Galing daw siya sa kumbento. (Dating nagmadre pero 'di nakatiis.) Naaliw naman ako sa kanya. 'Di siya boring. 'Di din siya nagtawag para magpakilala. 'Di din siya agad nagklase! (Yahoo! 'Yan ang magandang teacher!)

Natapos ang psychology.

Lunch break.

Meron akong kaklase na schoolmate ko 'din dati kaya sa kanya ako sumama. Kaso madami siyang kasama kaya nagpaka loner na lang ako. (Emo? Sabing hindi nga e!) Pagkakain ko, walang matambayan kaya nagPC na lang ako.

Muntik na akong ma-late pagbalik dahil akala ko 11:30 pa. Filipino ang subject. Nakakatakot ang teacher namin by looks pero mabait naman. Nahihirapan daw siya na magbagsak ng estudyante. (Pabor sa akin 'to!) Wala pa kaming ginawa kung 'di ang syllabus na naman.

Noong magtitime na, may nakita akong (payaso) teacher na sumilip sa bintana. Siya pala ang teacher namin sa religion.

Noong una kong nakita ang religion na subject namin ang buong akala ko e pari or madre ang papasok. Pero mali ako! (Lagi na lang akong mali! Wala na akong ginawang tama!) Ang pumasok e isang lalaking ala japanese na samurai ang hairstyle ang pumasok sa room. Tinanong niya kami kung anong course namin dahil baka naliligaw siya. Tama! 'Di siya naliligaw! Siya talaga ang prof namin sa religion. Kwela siya. Payaso talaga. Nakakaaliw at nakakabaliw. (Lalo na't may tonong bisaya pa ang pagsasalita niya.) Dito ko nagustuhan ang religion na subject. (Bakit kaya siya naging religion teacher?)

Time na! Uwian mode!

Ayan ang nangyari sa 1st day ko sa school. Fast forward na lang!

Summary: Nakakaaliw ang 1st day! (Dahil walang introduce yourself part!)

Friday, June 5, 2009

No Boundaries

I really like that song. 'Yan yung title ng song sa finals ng American Idol 2009. Lalo na yung version ni Adam Lambert. Kung kakantahin ko 'eh mas maganda yung kay Kris Allen. (Mababa kasi 'di tulad noong kay Adam na kailangan kong huminga ng malalim at hihingalin ako pagkatapos. Puro piyok naman.)

Ayos kasi yung lyrics ng kanta. Inspirational. 'Eto yung lyrics oh. Lakas kayo sa akin 'eh!

NO BOUNDARIES



Ohh
Seconds hours so many days
You know what you want but how long can you wait
Every moment lasts forever
When you feel you've lost your way
What if my chances were already gone
I started believing that I could be wrong
But you gave me one good reason
To fight and never walk away
So here I am still holding on


With every step you climb another mountain
Every breath it's harder to believe
You'll make it through the pain
Weather the hurricanes
To get to that one thing
Just when you think the road is going no where
Just when you almost gave up all your dreams
They take you by the hand and show you that you can
There are no boundaries
There are no boundaries


I fought to the limit you stand on the edge
What if today is as good as it gets
Don't know where the future's headed
Nothing's gonna bring me down
Jumped every bridge I've run every line
I risk being safe, I always knew why
I always knew why
So here I am still holding on

With every step you climb another mountain
Every breath it's harder to believe
You'll make it through the pain


Weather the hurricanes
To get to that one thing
Just when you think the road is going no where
Just when you almost gave up all your dreams
They take you by the hand and show you that you can


You can go higher
You can go deeper
There are no boundaries
Above and beneath you
Break every rule cause there's nothing between you and your dreams


With every step you climb another mountain
Every breath it's harder to believe
You'll make it through the pain
Weather the hurricanes
To get to that one thing
Just when you think the road is going no where
Just when you almost gave up all your dreams
They take you by the hand and show you that you can
There are no boundaries
There are no boundaries
There are no boundaries
No boundaries
Yeah, there are no boundaries


'Yan, sa sarili kong pagkakaintindi ng kantang 'yan 'eh sinasabi niya na never give up sa mga dreams natin dahil nga "There are no boundaries!". 'Yung singer daw 'eh hindi sumuko sa lahat. (Pati sa hurricanes daw! Try niyo nga!)



Kung may pangarap tayo sa buhay, 'di dapat tayo sumuko sa mga obstacles na pumipigil sa atin kahit na anong mangyari. (Aputol a kamay hindi a takbo!) Hindi naman daw kasi talo ang tao hangga't hindi pa siya sumusuko kahit na puro sablay siya. (Tapos na ang karera ng mga kalaban mo, ikaw nasa gitna ka pa at tumatakbo 'di ka pa ba talo 'nun?)



Kung susuko lang tayo sa mga problema, 'eh hindi natin kakayaning gawin lahat ng mga gusto natin. Hindi din pwedeng umasa lang ng 100% sa mga prayers. (Hindi ka magkakaroon ng $1million sa pagdadasal.) Hindi ko sinasabing walang nagagawa ang prayers. Actually it helps a lot (English! Sakit sa panga!) pero di'ba nga nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. (Katunog ba ng "To err is human. To forgive, divine!")



Kaya sa mga mapangarap na tao out there, 'wag kayong susuko. Sa mga nangangarap lumipad at magkapakpak, magiging ibon ka din balang araw! Sa mga gustong maging ala Michael Phelps, (Olympics Champion sa Swimming) konting patubo lang ng hasang pwede na. Sa mga gustong habulin ang mga cheetah, pakaladkad na lang kayo sa kanila.



Hindi lahat ng pangarap posible. (Tulad nung mga nasa taas! 'Yung sa swimming pwede pa!) Basta 'di ka sumuko hanggang sa huli, kahit palpak, be thankful of it na lang. (Parang sa commercial ng noodles. "Never give up!" at "Tommorow is another day!")



O sige! Dito na lang! Tagal ako 'di nagblog!


(P.S. 'Di kasi ako nagbblog kung wala sa mood, mas maganda kung feel mo talaga. 'Di ako nandito para lang sumikat. Nyahaha!)

Tuesday, June 2, 2009

What's With The Scandal?

Laman ng balita sa radyo, T.V., at dyaryo 'yung scandal nila Katrina at Hayden Kho Jr.. (Medyo late ako dahil 'di ko pa napapanood 'yun at 'di ko alam kung maganda ba na panoorin.) Sabi ng isang pamangkin ko 'eh medyo astig daw dahil laging naka"open wide" 'yung girl. (Ayos ba?) Medyo astig din 'yung balita tungkol dun dahil pati senado 'eh nabulabog. (Dahil yata sa nalalapit na eleksyon.) Sabi ni Hayden 'eh under the influence of drugs daw siya noong mga panahong 'yun. (Sino kayang 'di magmumukhang naka drugs kapag nakasama si Katrina Halili sa isang mainit na eksena tulad noon?)

Medyo naawa ako kay Katrina kasi nga 'eh siya 'yung dinidiin sa mga nangyari at sa pagkakalat ng mga videos. Mga kakilala daw ni Hayden 'yung nagpakalat ng mga videos. Doktor pa 'yung isa doon. Mga professionals na naturingan pero nasa loob pala ang kulo. Sayang yata 'yung lisensya nila. 'Di bagay.

Masyadong maraming nagawa 'yung balita tungkol sa scandal nila. Nakialam na ang senado, (Si Kap!) nabuhusan ng tubig si Hayden, (Sayang 'yung bote ng mineral water!) nawala ang balita tungkol sa katiwalian, ekonomiya, at bagyo. At ang malupit na part 'eh nung nakialam na din pati si Lolit Solis. (Ang daldal naman kasi talaga niya.)

Sa huli, medyo hindi maganda na laging doon na lang nakatutok 'yung balita. Kung sa ibang bansa kasi, siguro hindi na nila papalakihin 'yung isyu at wala pang 5minutes ang ilalaan nilang oras para sa mga ganyang topic. Wala naman kasi silang mapapala sa mga ganyang bagay. Hindi uunlad ang Pilipinas sa mga ganyang balita.

Bakit hindi na lang mga about economy, inventions, at mga makakatulong sa bansa ang ibalita nila? Kung concerned sila sa kababaihan 'eh sana man lang hindi ulit-ulitin 'yung mga ganoong balita araw-araw, gabi-gabi, at maya't-maya. (Minu-minuto na lang kaya?) Masyado naman kayong concerned. OA na. (Alagaan niyo na lang kaya si Katrina?)

Walang kwentang balita na 'yan. Pinalaki na lang masyado. Isipin niyo nga mga peeps, ilang libong scandal na ang tinitinda ng mga bumbay sa kanto? Hindi lang si Katrina ang may ganyan kaya bakit masyado kayong affected na parang guguho ang mundo kapag 'di nabulok si Hayden Kho Jr. sa kulungan.

Sa part ni Hayden naman, medyo mahirap din. Sira na ang pangalan niya, ng pamilya niya, at higit sa lahat 'eh 'yung dad niya. (Hayden Kho Sr. kasi siya! Pareho ang name!) May iba pang mga videos si Hayden with other girls, tapos hindi naman niya sinasadyang kumalat 'yung mga videos. (Hindi naman po sa kinakampihan ko siya.) 'Wag niyo ang po na tingnan sa isang side 'yung story. Ang malaking pagkakamali lang ni Hayden 'eh noong naiisip niya na i-record 'yung nangyari sa kanila ni Katrina.

Kaya kayo mga ma-L na guys out there! ('Di ako kasali 'dyan!) OK na 'yung maglaro ng apoy, 'wag na lang i-record at baka malaman ni Vicky Belo.

'Yun lang po! (Bow!)

(P.S. Hirap magisip ng topic. Pasensya na po. Tagal walang blog!)