Saturday, January 16, 2010

Facing the Giants

Guess what. 10pm na hindi pa tapos yung hinihintay ko. Ang tagal no? So here's my great idea. Dahil batong-bato na ako dito. Ilalagay ko na lang dito yung assignment ko para sa Career Pathing namin bukas. Eto wag kayong kokontra. Madrama to. From now on, dahil hindi ko na talaga feel na may gumagamit ng Friendster e ilalagay ko na lang yung mga assignments ko dito. Yung mga mukhang pang-blog na sinulat lang sa scratch paper sabay tinapon sa basurahan. So that, at least, pagkatapon ko e may pupulutin kayo. Na aral. Kung meron man. So sa mga lalaki dyan na medyo madaling umiyak or sobrang ayaw ng drama, next blog ko na lang yung abangan niyo. Alam kong may mga kontrabida sa mga ganitong posts tulad nung mga 'di marunong magbayad ng utang sa class fund. O game. Tama na intro ko. Copy and paste na. Here it is.



Last week, we’ve watched the movie entitled Facing the Giants. It’s a story about hope, faith, and trust. It was about a football coach who can’t buy a nice car, can’t win any game, and can’t even have a baby. Some players went to other school because of their record. It came to a point where the school administration wanted to fire him off and get a new one much better than him. All that was left with him was his wife and God. We were given the task to get at least one lesson from the movie. It’s quite difficult because the movie was meaningful and inspiring that you can learn many things from it. If I should get even a lesson from the movie it would be this. Don’t give up, have faith in Him, and believe that nothing is impossible. Jesus made it through the cross just to save us, isn’t that enough for us not to give up and trust him?

College is more complicated with high school. My chosen course made it more difficult because we have a maintaining grade. Only few students graduate on our course. Yes, it is difficult to pass. But that doesn’t end there. As we interview one of the higher years, she said that her most challenging moment was when she tried to cope up with her failing grades. If you fail then do your best next time, if you quit then you lose. Everybody has his/her own problems that he/she should face. As a student, we should do our best on our studies and remember that we are not alone. We have our parents, friends, and we have God. He won’t leave us no matter what. If we pass, we praise Him. If we fail, we praise Him. We may have the knowledge but without His guidance we’re still empty. Nothing is impossible if we believe that we can do something and we have faith in it. If we have tried our best and it still didn’t work out right, let’s face the truth. God has a greater plan for us.

-Bow-

P.S. Ang title nito e yung title nung assignment namin at nung movie.

Tuesday, January 5, 2010

Rules And Regulations!

Wala masyadong entertainment sa last blog ko. Medyo nawala na kasi ako sa mood noon. So try ko ngayon. O game, let's get started!

Toink!
.
.
.
Aray!
Sapul! May nabiktima na naman ng mahiwagang english block. Sapul sa face! Yehey! Aksyon na naman to!
So, hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng english block. Isa siyang box na kasing size ng pinakamaliit na karton na lalagyan ng toothpaste, may kulay blue na balot, at may nakalagay na "ENGLISH BLOCK". Yan yung bagay na maituturing na number one liability ng may hawak sa kanya. Para siyang sumpa na hindi magagamot ng halik ng prince charming mo.

To know more about the great english block, read the rules and regulations stated below.
1. Speak in english.
2. Don't you dare to speak in tagalog or in Filipino.
3. It is your prime duty to look for another person who violated the first two "laws" stated above to pass on the english block.
4. Payments for the english block will be given by the last person who holds the block after the class and shall be paid to the treasurer.
5. Don't think about giving bribes to your classmates. (It is more expensive than paying for the block. It's worth 5php only.)
6. Don't lose the block or you'll have to make another one better than the first one. (I suggest adding some ruffles to make it easier to see when it has been thrown to you. lol)
7. No promissory notes are allowed for the payment.
8. The money accumulated will be added to the class fund. (Hindi ako naniniwala dito. Feeling ko may mga corrupt sa klase namin.)

Ayan! Kung sino mga nakakaalam at mga nakakaranas pa na magkaroon ng english block sa klase, pakishare sa akin kung may mga nakalimutan pa akong rules at kung may mga bagong updates sa inyo. Salamat.

Sa klase namin active na active ang english block. Umaga pa lang e may nakahawak na sa block na parang untouchable. 'Wag kang lalapit sa kanya dahil ahas yan. Hihintayin ka lang niya na magtagalog tapos ibabato sa mukha mo yung block. Tapos ayun. Ikaw na ang "block holder". Yun yung title na hawak mo. Astig di ba? At least hindi ka tinatawag na preso. XD

Sa ibang classrooms mga diplomat ang mga tao. Kapag may block holder at may nahuli siya, iaabot lang niya yun at sasabihin na "Hey -toot-! You're the block holder!". Sa amin hindi ganun. War kung war. Hindi na mukhang block yung amin. Mukha na siyang bomb. Kasi binabato yun. Anghel ka sa klase kung iaabot mo lang yun. Kasi walang thrill. At madalas pa nyan e hindi mo agad mapapasuko yung mga kaklase mo. Kailangan niyo pang magharap sa korte bago siya umamin na nagsalita siya ng tagalog. Yung iba naman tinatanggap yung block. Pero pag bayaran na, hindi na nila tanggap. Kaya napupuno yung listahan ng treasurer namin at kilala na niya yung mga estapador. Si Rae at si Farrell. (Ayan! Sikat na kayo mga dude! Sikat na estapador!)

Lahat yan e nangyari noong high school ako. Pero noong elementary pa man e may mga ganyang modus. Aalis si ma'am tapos si teacher's pet number 1 ang hahalili bilang tagalista. Ano ang mga nililista niya? Here's the list.

Noisy - Eto yung mga taong hindi malikot ang katawan pero madulas ang bibig. Para hindi ka mahuli, ang kausapin mo e yung tagalista. Legal yun.
Standing - Eto yung mga taong may bulate sa pwet. Hindi mapakali kaya tayo ng tayo. Legal na dahilan para tumayo? CR.
Not Sitting Properly - Iniwan tayo ni ma'am ng nakaproper posture so dapat pag balik niya e ganun pa rin tayo. Dito, pwede kang mag taym pers para gumalaw at huminga. Pwede ditong mag-nap at matulog. Basta PROPER POSTURE!!!
Not On The Proper Seat - Madalas yung mga nasa standing e nandito din. Eto yung mga nagttrip to Jerusalem at nakikipagSOS sa kabilang dulo ng classroom sa tabi ng basurahan.

Mahirap ang trabaho ng tagalista. Kapag may naisulat ka na pangalan e magmamakaawa yun sa'yo at syempre makukunsensya ka. Pipigain ng mga kaklase mo ang isang gramo ng kunsensyang pinakatatagu-tago mo sa kaluluwa mo. Para madali, sabihin mo na buburahin mo yung pangalan nila kapag hindi na sila umulit. At yung mga kaaway mo naman tingnan mong maigi yung paa nila! Nakasampay sa kabilang upuan. Ayan! Bumawi ka na! May dahilan ka na para ilista sila. Pero beware! Mamaya after class babawian ka din nila. Dumating na si ma'am, pinasa mo ang listahan, madaming napagalitan, madami ka na ding kagalitan.

Hmmm. Ayus na gawain yan. Try niyo. Magpauso kayo. Tingnan natin kung sisikat. XD

Ayan. Wala na akong maisip na iba. Magandang sumunod sa rules. Lalo na kapag ang tagalista at block holder e yung kaaway mo. Kapag hindi ka sumunod e patay ka! Bababa ang grade mo sa conduct at magbabayad ka after class. Sabi nga nung isa naming ininterview sa Students' Welfare And Formation Office ng university namin, ignorance of the law excuses no one. Kahit sa tunay na buhay e may mga ganyang mga rules din. Yung iba nga lang e indirect kung magsabi. Tulad nung mga pauso ng MMDA. WALANG TAWIRAN! NAKAMAMATAY! O 'di ba? Parang sinabi na pagtumawid ka e diretso langit na ang biyahe mo. Pero kahit may mga pang Shake, Rattle, and Roll na mga signs na ganyan e madami pa ring hindi sumusunod. Tawid dito, tawid doon. Simpleng batas na kahit bata e kayang intindihin. Simpleng batas na pag matanda, hindi kayang sundin.

Yung mga tagahuli naman na iba, wala pang violation e nanghuhuli na. Para daw may pang almusal. Yung binayad mo e siguradong maliligaw ng landas. Didiretso kasi yun sa bulsa nila. Para daw organized. Tapos pag uwi nila sa bahay sasabihin nila, "Ay! Nakalimutan kong i-report tong nahuli ko, 'di ko naibigay yung pera. 'Di bale na, akin na lang to." Ayus! Nakatulog sila ng malinis ang kunsensya!

Minsan, kailangan din nating sumunod sa batas. At minsan, kailangan din nating maging tapat sa tungkulin natin. 'Wag kang kabado sa nililista mong noisy. Sila dapat ang kabahan kay ma'am mamaya. Kapag inaway ka after class. Sumbong mo kay ma'am. Tapos makikita mo na lang ako. Sumisigaw. Sumbungero! Sumbungero! Belat! Wala ka pala e! XP

O ayan. Tapos na. Wala na akong maisip na sabihin e. Sana okay naman tong blog ko ngayon. Gagayahin ko na lang yung ending ng YesYesShow. Bigla na lang mawawala.