Thursday, December 24, 2009

An Afternoon With The Ladies

Bakasyon na namin. Share ko lang.
O game, let's start.

Tuesday last week. PE namin. Swimming. Kung nagbabasa kayo ng blogs ko, malalaman niyong 'di ako marunong at ayokong matutong lumangoy. Kung hindi niyo pa alam, ngayon alam niyo na. Wala yung professor namin. May inattendan na naman yatang seminar sa Pacific Ocean. Ang aga ng break namin. Simula 9:30 hanggang 11:30 ang PE at pagkatapos nun e break ng 4.5hrs pa. E 'di 6hrs kaming walang gagawin. Yung iba umuwi na lang, yung iba gumala. Yung iba bumili ng mga materials para sa activity sa REED, at nagkataong ako yun. Hindi kasi ako nakabili ng black cartolina. So nagpasama ako sa isang groupmate na babae at nakabili kami. Hindi na ako umuwi dahil wala namang tao sa bahay, walang pagkain, walang kausap. Emo. Kaya sumama na lang ako sa mga berks ni groupmate. Puro sila babae. At ako, lalaki syempre! Look. O 'di ba kulay brown at mahaba....ang slacks ko! Sa babae kasi green. (Please bare with my kakornihan. 'Di niyo naman ata gets e.)

So ayan, sa may kubo sila tumambay. E di syempre dun din ako. Kubo, ewan ko ba kung kubo ba talaga yun kasi sementado. Parang waiting shed na may bench at table lang. Pagdating pa lang namin ni groupmate doon e nagsasagot sila ng mga activity sa accounting. Ayus! Nakakaintimidate. Kung ikaw ang nandoon e siguradong mapapaaral ka talaga. OP ka kung hindi. Yun e feeling ko lang. 'Di din naman kasi ako nagsagot nung araw na yun. O sige. Ipapakilala ko na lang sila, ang hirap kasing sabihin na si friend1, friend2, or si friend ng friend. Mas madali pag may name. Si Jill, si Erika, si Emely, si Anne (My dear groupmate.), at si ♥Donna♥. Bakit may heart? Paki niyo ba!

Nagaaral sila Jill, Donna, at Erika. Si Emely naman e tulog. Tinanong ako ni Jill kung bakit hindi ako umuwi. Sinagot ko naman. Ang sabi ko... (Read the first part para malaman ang dahilan ng 'di ko paguwi.). Akala ko e inaantok lang si Emely kaya natulog. Yun pala masama ang pakiramdam niya. So ayun. Niyaya niya si Anne na pumuntang clinic. Ipapacheck niya yata kung matino pa talaga si Anne. Syempre, a groupmate is a groupmate so sumama ako sa kanila.

Ngayon ko lang napansin, yung groupmate na word e nakaunderline ng red. Sabi dapat daw group mate. Ang naaalala ko kasi e classmate kaya one word na lang. Hayaan mo yung red line wala namang english teacher dyan sa tabi-tabi.

Habang tinatype ko yung nasa taas nito e nakapunta na kami sa clinic. Gulat ka no? Ayun. Nagpacheck si Emely. Sabi ng mga nandun e may schizophrenia daw si Anne! Baliw daw siya! Baliw! Loko lang. Ang nangyari e naiwan ako sa labas, chinecheck si Emely at si Anne e gumagala sa loob ng clinic. Maya-maya, lumabas si Anne. Naiiyak. Tagumpay daw ang operasyon.

Kasi ba naman! Ang tagal. Kaya nagkwentuhan na lang kamis a labas ng clinic. Nalaman ko ang talambuhay ni Anne. Ayus naman pala. Matinong kausap. Astig at pangMMK ang buhay. Gusto niyong malaman? Itanong niyo sa kanya.

Tadaaaaaaaaaa! Lumabas na si Emely! May hawak na kasulatan. Isang excuse letter at isang reseta. Hindi pala namimigay ng gamot sa clinic. Kailangan, yung may sakit ang bibili. So kung may mataas kang lagnat, kailangan mong gapangin ang botika para sa gamot mo. Ewan ko kung bakit ganoon dun. 'Di ko trip. Kaya sa mga ka-university ko, BAWAL MAGKASAKIT... sa loob ng university. Pinauwi na si Emely. Nagayos muna siya ng gamit, pumunta sa underground at kumuha ng gamit sa locker. Hinatid namin hanggang sa may...... intersection! 'Di ko kasi madescribe yung pinag-iwanan namin sa kanya. Ang sure ko lang e intersection yun papuntang gate 3.

Bumalik kami sa kubo AKA waiting shed. Nagaaral pa rin sila. Mga bandang 11:30-12. Yata. At nakaisip kumain yung barkadahan. At ayaw nilang iwanan yung pwesto nila para may babalikan pa sila mamaya. So isasakripisyo nila si Anne na maiwan habang bumibili or kumakain yung iba. Alam kai nila na kailangan din magdiet ni Anne. ROFL. Ako? Ako na ang nagpaiwan para magbantay ng bag habang naghihintay. Ayos! Nakakagutom.

Tic!
Tac!

May lalaking dumating at umupo dun sa bench sa table namin. Gumagawa yat ng assignment. Ewan ko kung naintimidate siya, kasi tinitingnan ko siya every moment na gagalaw siya. Stalker e no? Wala naman siyang ginawang kakaiba.

Tic!
Tac!

After craving for food. Dumating na din sila! Sa wakas! 'Di pa sila nakakabalik sa kubo e sinalubong ko na sila at nagmadali papunta sa pinakamalapit na kainan. Pagkabili ko dun ng meal, nakita ko yung isang classmate pa namin. Emo siya. Kumakain magisa. Burger, iced tea, at noodles. Lunch na pala niya yun. Isang table ang sinakop niya. Ewan ko kung bakit hindi na lang siya dun sa may mga upuan sa labas. Kasi kung ako yun e hahayaan ko na yung ibang tao sa table. Pero 'di na bali, wala naman masyadong tao noon. Kwentuhan tungkol sa ROTC, sa tatay niya, sa pamliya niya. Hindi ako masyadong nagsasalita kapag may nagkkwento, mga comments lang para hindi maputol yung topic. Mas trip ko kasing nakikinig lang at hayaan yung tao na magkwento. Yun e kapag hindi ako ang nagsimulang makipag-usap.

Mas nauna siyang kumain kesa sa akin pero mas nauna pa akong matapos. Hindi ko alam kung gutom lang ba talaga ako noon o parang pusa lang siyang kumain. Sinama ko na siya dun sa kubo at dumami kami. May mga extra kasi na nakiupo na. Mga 'di kilalang tao. Kwentuhan tungkol sa Windstruck, My Sassy Gril, Wrong Turn, Saw, at Deathnote. Ang daldal nung sinama ko sa kubo. Hindi tuloy makapagsalita si Anne. Sabay silang nagkkwento. Hindi ko alam kung kanino magfofocus at titingin. Hindi naman kasi pwedeng tig isang tenga at mata sila. Kaya ayun. Tumatango na lang ako.

2:30 umalis si MItch. (Yung sinama ko.) May gagawin pa daw kasi sila sa ROTC. Nagpatugtog ng Open Arms, at mga nakakanatok na music si Donna. Trip ko yung mga kantang yun. Once in a blue moon. At kapag gabi. Pero dude! Siesta time yun at mellow ang tugtugin. Inantok tuloy ako ng konti. Napunta ang usapan sa kung sino ang mas trip ko. Shaina Magdayao o Maja Salvador. Ako ang tinanong pero naunang sumagot si Donna. Syempre Maja! Kamukha daw kasi siya nun sabi ng nanay niya sa kanya. Natawa ako nun. Sumunod naman si Anne. Kamukha din daw siya ni Maja. 'Di ako natawa. Alam ko sa buong buhay ko! Hindi niya kamukha si Maja! Wahaha! Ang sagot ko na lang, wala. 'Di ko kasi trip yung dalawang yun. Sa tingin ko naman, kahit anong itsura mo e maganda o pogi ka sa mata ng nanay mo. May kumontra. Si Erika! Kinukuwestyon daw ng nanay niya ang tigyawat niya. Natawa tuloy ulit ako.

Madami pang mga nangyari nung hapon na yun. Maganda din pala minsan na sumama sa mga babae. Madami kang matututunan. Tulad ng.... Basta! (Parang wala naman akong natutunan noon.) Wala na akong maitype. Dito na lang muna. Share ko lang naman kung anong nangyari sa akin last week. Sige mga peeps! Happy Holidays!

(P.S. Ang saya kahapon! Thanks to Justin! Kung ano yun? Chat tayo kwento ko sa inyo! LOL. JK.)

Saturday, December 5, 2009

A Good Listener Is A Silent Flatterer

First of all, nag-iba na ang friendster. Naging pambata na talaga. Pangalawa, habang gumagawa ako nito, napansin kong yung Write at Manage tab ng blogs e natatakpan nang isang kulay green at kulut-kulot na ulap na may wire na paikot-ikot na bumubuo sa salitang Friendster. Ewan ko kung anong trip ng developer ng site na to pero 'di ako natutuwa. LOL. O 'di ba? Ang gulo ko. 'Di ako natutuwa sabay i'm laughing out loud. Pangatlo, wala naman. Gusto ko lang itanong kung ayos ba yun title ko. Alam ko namang hindi kayo sasagot kahit nabasa niyo na 'to. Actually ang gusto ko talaga e ipagyabang at ipagmalaki ang title nito. Bakit? Kasi hindi dapat 'to ang topic ko ngayon. Naaliw, nalibang, natawa, naligayahan, na-overjoy (o kung ano man ang gusto mong gamitin) lang ako sa naka-chat ko kanina. As in around 10mins bago ko itype ang word na ito. O 'di ba? Astig. Kaya ano pang hinihintay mo? I-advertise mo na 'tong blog ko. At magkakaroon ka ng chance na ma-feature dito (Ayos ba promo ko?), manalo ng brand new car, house and lot, one year supply ng bigas, one million pesos, at kahit na libreng kiss pa yan.

So tama na ang introduction at magsshare na ako. (Ganito naman lagi e, 'di pa kayo nasanay.) Unang una, nais kong magpasalamat sa... mamaya na lang pala 'to. Sa dulong part na lang ang credits.

Back to the topic. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Share.

Kanina, may nagsabi sa akin na nagbago na daw ang itsura ng Friendster at nagulat ako. Akala ko kasi naging porn site na 'to or whatever. E 'di syempre kunwari excited ako. Nagbukas ako ng internet browser.

Naghintay.

Naghintay.

Naghintay.

Naghintay.

Naghintay ng naghintay hanggang sa....

Tadaaaaan! Lumabas din ang internet browser na binukas ko. Sa sobrang bilis e medyo namuti ang mata ko. Naiiyak pa ako nung nag-open siya, tears of joy yata kasi sobra ang effort ko para lang hintayin 'to. Syempre "time is gold" at "time is money", kaya nagmadali ako na tingnan yung "Bagong Mukha ng Friendster". Ayun, nakita ko nga 'to. 'Di ako naaliw. Wala lang. KJ lang.

So, mga peeps, hindi niyo ba napansin? Walang kinalaman ang title ko sa blog ko. Hindi pa kasi 'to yung main topic ko. ('Wag kayong excited, calm down, don't panic!) O eto n talaga. So ayan. Dahil nag-open na ako ng Friendster e tinuloy ko na lang at nagblog. At eto nga yun. Mukha namang blog 'di ba?

Wala akong magawa kanina. Chat lang with a friend. At syempre sharing. Nagsimula sa mga kakaibang tanong, napunta sa mga japanese terms, napadpad sa mga kaganapan kaninang umaga, at nasubsob sa mga seryosong usapan.

Wala akong kapatid kaya wala akong mapagsabihan ng mga insights (Ano ang insights?) ko. Kaya kanina e kay friend ko binuhos, ibinato, at ipinaligo lahat ng mga trip kong i-share. Ayos! Nakakaaliw. Naaliw ako sa kanya kasi mga five sentences tinype ko tapos ang reply niya e "oo" at ang maganda pa e "hehe". O 'di ba? Naubos na daliri ko, sa kanya buo pa at nagpapahinga. LOL. Sa totoo lang naman talaga, ayos lang sa akin 'yun. Naaliw lang ako dahil kahit papano e may nakikinig pala sa akin at nagsasayang ng abwat segundo ng buhay niya para lang basahin ang mga tinatype at sharings ko. Hindi ako demanding na tao na kapag nag-text ako ng may 100 characters e dapat ang reply e composed of 100 characters din. Ang gusto ko lang naman e may mapagsasabihan ng mga naiisip ko. Baka kasi dumating yung araw na maging katulad ng ulo ni Jimmy Neutron ang ulo ko at magmukha akong may hydrocephalus dahil sa hindi ko nailalabas ang mga iniisip ko.

Kung dito ko naman ilalagay lahat, hindi din pwede. Meron kasing mga bagay na hindi pwedeng gawin na public tulad ng FaceBook account ni Gina Alajar na nagsusumiklab ang galit dahil may nakakita ng account niya at pinamalita 'yun. Meron kasing mga bagay na may involved na tao at ayoko namang magkaroon ng mga kaaway at madagdagan ang kontrabida sa buhay ko. Tama na ang nanay ko para sa akin. Siya pa nga lang sobra-sobra na.

Para sa akin, si friend ay isang good listener, at base sa title ko, isang silent flatterer daw ang isang maayos na tagapakinig. Naniniwala naman ako dyan. Naflatter ako sa kanya dahil kahit hindi kami close masyado e nararamdaman kong may nakikinig sa sinasabi ng utak ko at tinatype ng daliri ko.

Sa buhay, hindi naman pwedeng laging ikaw ang nakikinig. Hindi din naman pwedeng laging ikaw lang ang nagsshare. Dapat balance lang. Ako? Hindi ako masyadong nakikinig sa professor ko. Kasi nakakabawi naman ako sa nanay ko. Kahit ayokong makinig e para siyang hangin na kahit takpan mo ang tenga mo e papasok at papasok pa rin ang tunog na parang may permanent na earphone ka at ang tugtog e sermon. LOL.

May nabasa ako sa libro na may magandang message tungkol sa pakikinig. Meron kasing lalaki na kapag daw may nakikipag-usap sa kanya e uupo lang siya ng tahimik, ipapatong ang kamay sa lap niya at makikinig ng bibbong bibbo. Pagkatapos magshare ng kausap niya, sinabi nito na kahit napakahusay na tao nung nakikinig. Kahit na hindi daw yun nagsasalita, e makikita mo naman sa kanya na interesado talaga siya sa sinasabi mo at para na rin siyang nakikipag-usap gamit ang pakikinig.

Yan ang power of listening. Iba daw kasi yung pagdinig sa pakikinig. Mas magandang makinig kesa sa makadinig. Kailangan hindi lang tayo puro sabi ng problema at mga happy moments kasama ang boyfriend/girlfriend. Minsan mas magandang makinig sa ibang tao tungkol sa mga gusto nilang sabihin.

Saludo ako kay friend. Hindi siya nagdalawang isip (yata) na makinig sa akin. Salamat!

P.S. Ngayon ko lang napansin na sobrang haba na pala nito. Ang makakabasa nito ng buo mananalo ng panabong na manok. LOL. Salamat din sa inyo (kung sino man kayo na bumabasa nito) dahil isa din kayo sa mga nakikinig at nagbabasa ng mga insights ko sa mga bagay-bagay. Isa pa pala. Si Erika, balita ko e nabasa mo n yung isang blog ko. Sana lahatin mo na para sulit ang pagod ko. Salamat! Isang malaking paglilinaw lang. Hindi si Erika si friend. Magkaibang tao yan. Pero pareho kong friend. (O yeah! Close na kami ni Erika nyan.)