OK! Madudugtungan na din ngayon ang naputol nating kwentuhan. May binasa pa kasi akong libro kagabi kaya 'di ko naituloy ang kwento ko. O 'eto na, game!
Pagkatapos kong manalo sa table tennis sa intramurals namin e nagpakain umuwi na ako ng taas noo. (Akala mo kung sino e 'no?) Tuwang tuwa ako noong mga panahong 'yun.
4th yr na.
Nagdecide akong magtry out sa varsity ng table tennis, at kung 'di papalarin e sa chess. E 'di try out na. Natanggap ako kaso umulit din ng try out dahil 'di daw nakita ni sir yung laro namin dahil absent siya. (Sayang 'di niya agad nakita ang talent ko!)
2nd try out!
Maaga nagsimula yung try out ng chess, wala akong magawa at bagot na kaya nag try din ako. SUCCESS! Tanggap ako! Natalo ako ng isang beses pero pangalawa ako sa listahan ng sure na pasok na.
Nalaman ko ang spelling ng word na "V A R S I T Y"! Dahil isa na akong ganoon!
OK! Bago ako magpaparty, nag start naman ang sa table tennis. Syempre kahit varsity na ako ng chess e handa ko itong ipagpalit sa table tennis. Trip trip lang naman kasi 'yun. Mas love ko ang table tennis.
Medyo matagal ang mga laban pero pasok na naman ako. (Kahit kabado!) E 'd dual player na ako. Chess na table tennis pa! (Laban ka? Ako 'wag muna. Masakit tyan ko!) Naging reserved player na lang ako sa chess dahil nga sa mas pinili ko ang table.
Lumalaban kami sa ibang schools kahit walang nagttrain sa amin. May mga mapalad sa team namin na nakakuha ng award. Ako? Wala. (Laging tandaan, sa table tennis, singles B ka na lang lagi dahil 'di masyadong malupit ang kalaban doon!)
Kahit 'di kami nanalo, enjoy pa rin kami sa mga laban namin. May NFF (New Found Friends) kaming nakilala. May mga panahon na isang member namin ang umiyak dahil kung 'di daw sila natalo e malamang pasok kami sa finals. Ako, talo din noong mga panahon 'yun. 10-11 ang final score sa akin. Isa lang ang lamang. Inexplain ko sa kanya na kung 'di din ako natalo, e sana kasama din kami sa finals kaya no need to cry. (Drama ko 'no? Pero totoo 'yan. Manalig ka!)
Sa totoo lang, nanghihinayang talaga ako sa kalagayan ng team ng table tennis sa amin. Nakikita ko naman na halos lahat kami, may talent. Wala lang kasing nagttrain sa amin para madevelop ang mga 'yun. Ang ibang schools, kumpleto sa equipments. Nittaku ang bola, sa amin, pioneer lang at fake pa. Kung meron sigurong nagturo man lang sa amin, malamang natapatan namin kahit yung isang player na nakalahok na sa palarong pambansa. I assure you that. Sayang talaga.
Hindi sa pagyayabang pero alam kong meron akong talent, nasa kanila ang skill. Ang pinagkaiba noon e ang talent, in born and a bit of experience. Ang skill, experience at turo yan. Madalas sa mga nakalaban namin e bata pa lang naglalaro na. Ako, hindi. Kung sa tingin niyo e palusot lang sa pagkatalo ko 'to, OK lang, wala akong magagawa.
Ayan! Masyado akong madrama. Tatapusin ko na 'to agad.
College na ako. Gusto kong magvarsity. Kaso kulang ako sa self-confidence. At 'di ko sigurado kung kaya kong pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro. Gusto ko pero 'di ko magawa at 'di ko mapagdesisyunan. Minsan kong sinubukan na pumunta para magtry out. Pero umiwas ako noong nakita ko yung si Mr. Palarong Pambansa. Nagvarsity din pala siya. Alam kong wala akong pangtapat sa kanya, pero iniisip ko, magkakampi na kami ngayon dahil isa lang ang school namin. Sa huli, 'di din ako nagtry out.
'Yan. Kwento ng table tennis life ko. Madrama ang last part pero it's not the end in real life. I'ts just the beginning. Kaya kung may gusto kayong gawin, gawin niyo habang kaya niyo pa, para wala kayong pagisishan sa huli.
"If you like your sport, then go for it! If you can't fight for it, then the sport is not for you."
No comments:
Post a Comment