Anak ng! Nakaka-inis. 'Di ba? Kapag may chance pero sinayang mo, yan yung sasabihin mo.
Kung sana.. Or kung gusto mong mag-english para magpa-impress, "if only"..
Nakakapanghinayang talaga. Napakadaming pwedeng paggamitan ng two words na yan.
Here are some examples:
Kung sana.. E di sana milyonaryo na ako ngayon. (Makakapatay ako pag nangyari to sakin.)
Kung sana.. E di sana nakapasa ako. (Ito ang iiwasan kong sabihin.)
Kung sana.. E di sana tulog na ako ng ganitong oras. (Ito lang ang applicable sa akin ngayon.)
Puro ka sana. Hanggang sana ka na lang talaga. Nanaginip ka ng anim na numero. Kinabukasan nanalo sa Lotto ng Php1,000,000,000.00 yung number mo. Kaso di mo tinayaan. Kasalanan ko ba 'yon?! Nag-movie marathon ka. Yung genre na paborito mo. PPV pa yun tulad ng mga laban ni Pacquiao. Mag-isa ka lang. Kinabukasan exam mo pala. Di ka nag-aral. Kasalanan ko ba 'yon?! Ang dami mong dapat gawin. Napuyat ka ngayon. 1 billion years ago na binigay yung mga gagawin mo, ngayon mo lang sinimulan. Kasalanan ko ba 'yon?! (Ouch! Oo. Kasalanan ko. Yung pangatlo lang.) Ang sarap kayang manood, maglaro, matulog, kumain, kumanta, kumindat sa kirat, mang-bully,
Ang buhay ng tao ay isang bully. Pag masyado kang nag-enjoy sa isang bagay, pwedeng mapakawalan mo ang mga oportunidad ng buhay. Pag masyado ka namang naging seryoso, madali kang tatanda. Bukod dun, wala na. Basta tatanda ka na lang. Instant.
Dapat, matuto tayong i-manage ang buhay. Manage your tasks, not your time. Sabi yan yung schoolmate ko dati. Tama nga naman. Kung ima-manage mo ang time, pwede mo bang ilipat ang 9a.m. sa 4p.m.? I-text lamang ako kung sakaling kaya mo nga. Pero kung ang tasks mo ang ima-manage mo, pwede mong ilipat si assignments sa umaga at si computer sa "for the rest of your life". O di ba? Nagawa mo ang dapat mong gawin. Natuwa pa ang teacher, professor, lecturer, o kung ano mang tawag mo dun dahil naibigay mo ang hinihingi niyang requirements. Tapos, makaka-uno ka na sa subject mo (o kwatro kung berde ang dugo mo).
Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang humabol sa mga "panghihinayangan" mo. Hindi pa huli ang lahat, pwede pa silang mawala sa "If Only List". Maging responsable ka lang. (At wag akong gayahin. HUHUHU!) Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago. Lastly, hindi pa huli ang lahat, pwede pa akong matulog. *Yawns*
P.S. Ang walang kwentang kwento na kinwento ko pa. Di naman sure kung kwento nga yan. MAPALAD ANG MGA MARUNONG MAGBASA NG NAKA-HIGHLIGHT.
No comments:
Post a Comment