Saturday, March 5, 2011

The Present Is The Future of Yesterday

Good morning everyone. Ngayon lang ulit ako nakapag-blog/makakapag-blog (baka kasi di ko na naman matapos.) dahil nagbabago ang panahon at nagbabago din ang pananaw ng tao sa mga gusto niyang makamit at gawin. Ngayon, I'm in perfect condition para gumawa ng blog.

1. Di ko alam kung may magbabasa pa nito.
2. Di ko alam kung may makakapagcomment pa dito.
3. Di ko talaga alam.

Let's get started.
(Habang nakikinig sa "Marry You" by Bruno Mars)

-Lahat ng nasa taas ay epal lamang. Please don't try this at home. (Ung 2nd sentence e epal lang din. Narinig ko lang sa pinapanood ko kanina.)

So kamusta naman kaya ang mga "monsters" ni Lady Gaga at ang mga "Elf/Elves" ni Hee Chul out there? Kamusta naman ang mga normal na taong kagaya ko na walang magawa sa buhay?

Eto trivia lang. Alam niyo ba na... Nung Christmas break, di ko na talaga alam kung anong date na. Ang alam ko lang e lunes hanggang linggo. Yung date? Hindi. Basta kumain lang ako nung noche buena at "buenas noches". (Putek. Ano nga ulit tawag sa hapunan ng new year?) After 5mins nasagot na ang tanong ko. Media noche! Remember that! Hindi buenas noches. Hindi rin dama de noche.

Kahapon nagFaceBook ako. Nagulat ako sa nakita ko. Ung high school crush ko, graduating na pala! Putek! Dun ko naalala. College na pala ako. Naalala kong bawat inhale at exhale ko e umiikot ang earth. At bawat tulog at gising ko e nagrerevolve ito around the sun. At bawat pagalis ko at paguwi e tinutupi ang bawat buwan ng kalendaryo. Malapit na palang mag2012.

Ano na nga ba ang nangyari sa paligid? Wow! Iba na nga pala. Nasa ibang bahay na ako. Nasa ibang pamantasan. Nasa ibang rehiyon. Kamusta naman ako? Okay lang. Tamad pa rin. Pero may nagbago talaga. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa. Madami akong bagong kakilala. Positive. Yung mga dati kong kakilala e hindi ko na makita. Negative.

Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.


Tama. (Hindi katunog nung kay Anne Curtis yan.)
Lumipas na ang panahon. Ako ay ako pa rin naman. Nadagdagan lang ang taon ko. At ang kagwapuhan...
Ewan. (Hindi naman ako feeler na tao. =D)
Sa paglipas ng panahon, may mga bagay na naiisip ko na sana e ginawa ko. Talaga naman. Proven na. Nasa huli ang pagsisisi. No big deal naman.
Wala naman akong ginawang masama. Wala...
Wala nga...
(Bakit parang ginagambala ako ng konsensya ko?)
Wala nga kasi!
Wala nga...ba?
Nyahaha!

Nagbago na ang panahon. Tumaas na ang temperatura. Natutunaw na ang mga iceberg. Naeextinct na ang ibang mga hayop. Dumadami na ang basura. Ang mga lovers na dati e nilalanggam sa sweetness, ngayon e dinadaga na sa cheesiness.

Tapos na ang oras ng panonood ng Dragonball Z at Dora The Explorer. Sa Discovery Channel at History Channel na ako nakatutok ngayon. Dahil dito, di ako naupdate na tumaas na pala ang pamasahe ng piso. Buti na lang sinabi sa akin ng katabi ko sa jeep.

Sa buhay ko, mo, at niya. Subukan nating gumawa ng mga bagay na makatutulong at matatatak sa isip ng mga tao. Hindi para sumikat pero para magiwan ng mga magagandang alaala dahil kumikilos ang kamay ng orasan. At bawat patak nito ay hindi na maibabalik. Kailanman.

Nagbago na nga din siguro ako. Hindi ko nga lang pansin. Sa post kong to, puro na lang ako. Panahon naman na siguro para mag-isip ka. Anong nagbago sayo sa nakalipas na panahon? Ikaw pa rin ba yan? Ikaw nga. Ikaw lang talaga.



PS Congratulations sa mga graduating na. Good luck.

No comments:

Post a Comment