Monday, October 31, 2011

Man In The Dark

Happy halloween mga kaibigan! Oras na naman para sa mga ghost stories. Oras na naman para sa horror movies. Tara na at magsaya. (*Evil laugh*)

Noong bata ako, ilang beses na akong naka-encounter ng mga paranormal activities. Buti matapang ako. (Kung alam niyo lang ang traumang dinanas ko noon.='( )

STORY 1

Settings
Sa bahay namin. Noong elementary pa ako. Noong gwapo pa ako. (Hindi ko nilinyahan yan dahil hindi totoo. Nilinyahan ko dahil hanggang ngayon totoo pa rin.) Kamamatay pa lang ng tito ko noon.
Trivia: Ka-birthday ko pa yun. At ilang days after naming mag-birthday ay kinuha na siya ni Bro.

Elementary ako at magisa akong umuwi galing sa school. Wala kasing nagmamahal sa akin. (Feeling battered child.) So ayun. Umuwi akong magisa at medyo madilim na. Mga past 6 pa lang naman nun. Lakad ako sa may basketball court. Nakasalubong ko ang magaling kong pinsan. Akala ko ako ang pinunta niya sa labas. Pero nagkalapit, nagkatapatan, at lumagpas na kami sa isa't isa, hindi pa rin niya ako napansin. Basketball ang habol niya, hindi ako. (Ouch! Sabi sa inyo e, nobody loves me. LOL) So syempre hinayaan ko na siya. Mabuting bata ako e. Diretso naman ako sa bahay. Nagkataong maliit pa ako noon. Hindi ko pa abot yung gate! Alam kong walang tao sa bahay dahil hindi pa umuuwi ang ama ko at ang ina ko naman ay umalis. Umaasa akong tutulungan ako ng mga taga-DSWD sa pagbukas ng gate kaya kumatok ako. (Hindi totoo yung tungkol sa DSWD. Baka tinotoo mo e.)

Knock.
Knock.
Knock.
Walang kwenta. Di man lang naisip ng aso ko na ipagbukas ako ng pinto. Sarap gawing asusena. Isa pa, sabi ng kaluluwa kong gusto nang pumasok at magmeryenda.

Knock.
Knock.
Knock.
*Gate opens*
[O_O]
Punyemassssssssssss. SINONG NAGBUKAS NG GATE?
Yan ang sinigaw ng kaluluwa ko nung mga panahong yun.
Di bale na, ako atapang atao. May mumu, di atakbo. -Sabi ng nanginginig kong katawan.
Pumasok naman ako. Chineck ko yung gate kung may automatic opening system na ba.
WALA.
Chineck ko kung yung mga kamag-anak namin sa kabilang dako ng hacienda nakatira ang nagbukas.
HINDI.
Pinilit kong magisip ng paraan kung paano nabuksan yung pinto.
WALA AKONG ISIP.
Sinara ko na yung gate. Nag-thank you sa kung ano mang lamang  lupa ang nakarinig sa panalangin kong may magbukas.
Instantly, nasa pintuan na ako. Ang bilis pre. Siguro adrenalin rush. 10 steps dapat yun. Feeling ko nagawa ko in 1 step. (Feel like a ninja.)

Binukas ko yung pinto. Sumara ng kusa yung pinto. (Kalma lang, may spring yung pintuan namin. Wag mong gawing haunted house ang bahay namin.) Umupo agad ako at nagnilay-nilay sa mga pangyayari. Binukas ko yung TV at nanood na parang walang nangyari.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung aling force ang nagbukas sa gate. Pinipilit kong i-apply ang law of gravitational pull, law of relativity, law on obligations and contracts, at lahat ng laws na pwedeng i-apply. Sa mga may katulad na karanasan.... SINO ANG NAGBUKAS NG GATE?!


STORY 2

Settings
Sa bahay ulit namin.
Elementary ako. Same year din nun story1.

Umalis ang lahat ng tao sa bahay maliban sa akin. Kauuwi ko lang galing school. Mga 5pm pa lang nun. May araw pa. Nood ng TV. Suddenly, may nag-boo sa left ear ko. Syempre sinapak ko.
Hindi tinamaan.
Galing umiwas.
Hinanap ko sa likod ng sofa.
Sabay [O_O].
ASDFGHJKL WALANG TAO!
Akala ko yung pinsan ko, dumating at ginulat ako. Abala kasi ako sa panonood noon ng balita.
(Oha oha! Batang mahilig sa current events.)

[Tama na ang pagyayabang and back to story.]
Syempre natulala na naman ako. Lumipat na lang ako ng upuan. Dun nako sa sofa sa may pader. Para kung may gugulat sa akin galing sa likod, sure na. Kailangan na naming lisanin ang bahay namin.

After nung nangyari, nakatulala na lang ako sa TV pero hindi naman ako nanonood. Hanggang sa dumating ang pinsan ko. (Sa wakas, may nagawa rin siyang mabuti.) Bumalik ako sa realidad. Luto na ang hapunan.


So, sino ang mga may ganyang karanasan na sa buhay? Yung mga pang-halloween talaga. (Ang lakas ng loob kong magtanong. Para namang may nagbabasa pa nitong blog na to.) [FOREVER ALONE.]
Sana natuwa naman [ako] kayo sa kwento ko. Lesson learned, wag kang katok ng katok kung alam mong walang tao sa bahay niyo at wag ka nang manood ng news. LOL

Masyadong emosyonal ang buhay ng tao. Hanggang sa kabilang buhay ay nadadala nito ang pait o ligaya ng buhay nila dati. Hindi natin alam kung kailan tayo babalik sa Kanya. Gawin nating masaya ang ating buhay upang wala tayong pagsisihan sa huli. Wag kang matakot sa kung ano man ang nararanasan mo. Let's spend a minute to think about our relatives who now rests in peace. Happy halloween.

Sunday, October 30, 2011

2. In Life...

...Not everything is perfect. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay lalabas na ayon sa kagustuhan natin. Ikaw ang gagawa ng paraan para maging maayos ang lahat. Huwag mong hayaang ang mga bagay ang magpa-ikot sayo. Ikaw ang dapat gumamit ng mga bagay sa paligid mo para sa ikauunlad mo. Magtatagumpay ka kung kikilos ka.

Friday, October 28, 2011

1. In Life...

...Hindi lahat ng kumpleto ay buo. Maaaring nakikita ng iba na kayo ay buo at masaya ngunit hindi naman pala. Kayo mismo ang sumisira sa kabuuan ninyo. Kumpleto kayo. Ngunit kailanma'y hindi naging buo. Sabi nga nung matandang line:
United we stand, divided we fall.
Ganyan din ang buhay ng tao. Hindi lahat ng kumpleto ay buo. Mangarap ka. Abutin mo. Pilitin mong buuin ang mga bagay na nasira ng panahon. Ang pagsasamahan. Ang pagkakaibigan. Ang pagmamahalan. Ang lahat. Buuin mo.

Friday, October 7, 2011

If Only

Kung sana...
Anak ng! Nakaka-inis. 'Di ba? Kapag may chance pero sinayang mo, yan yung sasabihin mo.
Kung sana.. Or kung gusto mong mag-english para magpa-impress, "if only"..

Nakakapanghinayang talaga. Napakadaming pwedeng paggamitan ng two words na yan.
Here are some examples:
Kung sana.. E di sana milyonaryo na ako ngayon. (Makakapatay ako pag nangyari to sakin.)
Kung sana.. E di sana nakapasa ako. (Ito ang iiwasan kong sabihin.)
Kung sana.. E di sana tulog na ako ng ganitong oras. (Ito lang ang applicable sa akin ngayon.)

Puro ka sana. Hanggang sana ka na lang talaga. Nanaginip ka ng anim na numero. Kinabukasan nanalo sa Lotto ng Php1,000,000,000.00 yung number mo. Kaso di mo tinayaan. Kasalanan ko ba 'yon?! Nag-movie marathon ka. Yung genre na paborito mo. PPV pa yun tulad ng mga laban ni Pacquiao. Mag-isa ka lang. Kinabukasan exam mo pala. Di ka nag-aral. Kasalanan ko ba 'yon?! Ang dami mong dapat gawin. Napuyat ka ngayon. 1 billion years ago na binigay yung mga gagawin mo, ngayon mo lang sinimulan. Kasalanan ko ba 'yon?! (Ouch! Oo. Kasalanan ko. Yung pangatlo lang.) Ang sarap kayang manood, maglaro, matulog, kumain, kumanta, kumindat sa kirat, mang-bully, mag-drugs, kumapit sa mouse, makipag-sex, kumaway sa fans, at mag-enjoy mag-highlight. Kailangan po ng parental guidance sa pagbabasa ng mga nakalagay dito. At promise, hindi lahat ng nilagay ko dito ay applicable sa akin. (HINDI RIN AKO DEFENSIVE..... OR GUILTY!)

Ang buhay ng tao ay isang bully. Pag masyado kang nag-enjoy sa isang bagay, pwedeng mapakawalan mo ang mga oportunidad ng buhay. Pag masyado ka namang naging seryoso, madali kang tatanda. Bukod dun, wala na. Basta tatanda ka na lang. Instant.

Dapat, matuto tayong i-manage ang buhay. Manage your tasks, not your time. Sabi yan yung schoolmate ko dati. Tama nga naman. Kung ima-manage mo ang time, pwede mo bang ilipat ang 9a.m. sa 4p.m.? I-text lamang ako kung sakaling kaya mo nga. Pero kung ang tasks mo ang ima-manage mo, pwede mong ilipat si assignments sa umaga at si computer sa "for the rest of your life". O di ba? Nagawa mo ang dapat mong gawin. Natuwa pa ang teacher, professor, lecturer, o kung ano mang tawag mo dun dahil naibigay mo ang hinihingi niyang requirements. Tapos, makaka-uno ka na sa subject mo (o kwatro kung berde ang dugo mo).

Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang humabol sa mga "panghihinayangan" mo. Hindi pa huli ang lahat, pwede pa silang mawala sa "If Only List". Maging responsable ka lang. (At wag akong gayahin. HUHUHU!) Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago. Lastly, hindi pa huli ang lahat, pwede pa akong matulog. *Yawns*


P.S. Ang walang kwentang kwento na kinwento ko pa. Di naman sure kung kwento nga yan. MAPALAD ANG MGA MARUNONG MAGBASA NG NAKA-HIGHLIGHT.

Saturday, March 5, 2011

The Present Is The Future of Yesterday

Good morning everyone. Ngayon lang ulit ako nakapag-blog/makakapag-blog (baka kasi di ko na naman matapos.) dahil nagbabago ang panahon at nagbabago din ang pananaw ng tao sa mga gusto niyang makamit at gawin. Ngayon, I'm in perfect condition para gumawa ng blog.

1. Di ko alam kung may magbabasa pa nito.
2. Di ko alam kung may makakapagcomment pa dito.
3. Di ko talaga alam.

Let's get started.
(Habang nakikinig sa "Marry You" by Bruno Mars)

-Lahat ng nasa taas ay epal lamang. Please don't try this at home. (Ung 2nd sentence e epal lang din. Narinig ko lang sa pinapanood ko kanina.)

So kamusta naman kaya ang mga "monsters" ni Lady Gaga at ang mga "Elf/Elves" ni Hee Chul out there? Kamusta naman ang mga normal na taong kagaya ko na walang magawa sa buhay?

Eto trivia lang. Alam niyo ba na... Nung Christmas break, di ko na talaga alam kung anong date na. Ang alam ko lang e lunes hanggang linggo. Yung date? Hindi. Basta kumain lang ako nung noche buena at "buenas noches". (Putek. Ano nga ulit tawag sa hapunan ng new year?) After 5mins nasagot na ang tanong ko. Media noche! Remember that! Hindi buenas noches. Hindi rin dama de noche.

Kahapon nagFaceBook ako. Nagulat ako sa nakita ko. Ung high school crush ko, graduating na pala! Putek! Dun ko naalala. College na pala ako. Naalala kong bawat inhale at exhale ko e umiikot ang earth. At bawat tulog at gising ko e nagrerevolve ito around the sun. At bawat pagalis ko at paguwi e tinutupi ang bawat buwan ng kalendaryo. Malapit na palang mag2012.

Ano na nga ba ang nangyari sa paligid? Wow! Iba na nga pala. Nasa ibang bahay na ako. Nasa ibang pamantasan. Nasa ibang rehiyon. Kamusta naman ako? Okay lang. Tamad pa rin. Pero may nagbago talaga. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa. Madami akong bagong kakilala. Positive. Yung mga dati kong kakilala e hindi ko na makita. Negative.

Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same.


Tama. (Hindi katunog nung kay Anne Curtis yan.)
Lumipas na ang panahon. Ako ay ako pa rin naman. Nadagdagan lang ang taon ko. At ang kagwapuhan...
Ewan. (Hindi naman ako feeler na tao. =D)
Sa paglipas ng panahon, may mga bagay na naiisip ko na sana e ginawa ko. Talaga naman. Proven na. Nasa huli ang pagsisisi. No big deal naman.
Wala naman akong ginawang masama. Wala...
Wala nga...
(Bakit parang ginagambala ako ng konsensya ko?)
Wala nga kasi!
Wala nga...ba?
Nyahaha!

Nagbago na ang panahon. Tumaas na ang temperatura. Natutunaw na ang mga iceberg. Naeextinct na ang ibang mga hayop. Dumadami na ang basura. Ang mga lovers na dati e nilalanggam sa sweetness, ngayon e dinadaga na sa cheesiness.

Tapos na ang oras ng panonood ng Dragonball Z at Dora The Explorer. Sa Discovery Channel at History Channel na ako nakatutok ngayon. Dahil dito, di ako naupdate na tumaas na pala ang pamasahe ng piso. Buti na lang sinabi sa akin ng katabi ko sa jeep.

Sa buhay ko, mo, at niya. Subukan nating gumawa ng mga bagay na makatutulong at matatatak sa isip ng mga tao. Hindi para sumikat pero para magiwan ng mga magagandang alaala dahil kumikilos ang kamay ng orasan. At bawat patak nito ay hindi na maibabalik. Kailanman.

Nagbago na nga din siguro ako. Hindi ko nga lang pansin. Sa post kong to, puro na lang ako. Panahon naman na siguro para mag-isip ka. Anong nagbago sayo sa nakalipas na panahon? Ikaw pa rin ba yan? Ikaw nga. Ikaw lang talaga.



PS Congratulations sa mga graduating na. Good luck.