Okay so what is love? Ang magreply ng matino, ililibre ko ng kape kung nagkakape ka, alcoholic drink kung umiinom ka, yakult kung bata ka, at orange juice kung maarte ka. Haha! As if may nagbabasa dito? *Shouts* HELLOOOOOO! *Echoes* (Hellooo Hellooo Hellooo) *Heard footsteps* Putsjdhgkjs. Someone's around. Hahaha!
Imagination ang limit.
Love, according to Merriam-Webster (3rd definition), is affection based on admiration, benevolence, or common interests. Ang babaw masyado ng definition no? Sabi naman sa The Free Dictionary, *waits for the webpage to load* love is "a deep, tender, ineffable feeling of affection and solicitude toward a person, such as that arising from kinship, recognition of attractive qualities, or a sense of underlying oneness." Medyo humaba pero parang ang babaw pa rin.
Yung love ba e nakakain? Hindi naman. Naaamoy? Kung mabaho siya at tinanggap mo, tangksjdg pag-ibig yan. HAHAHA! Gross. Nakikita? Hindi rin, pero napapakita siguro.
Sa blog ko noong nakaraan milenyo, malalaman mong loko-loko ako at nagkaroon na ng mga karelasyon. Yung iba nagtanong na sa akin kung bakit ko daw sila mahal. May mga kakilala naman akong nagtanong na din sa akin kung ano ang pag-ibig. Yung iba e nakakwentuhan ko pa pero wala pa namang humagulgol dahil sa problema. Kung meron man baka nabuhusan ko na ng tubig. HAHA!
So ano ba talaga ang love para sa akin? O bakit ko ba mahal ang isang tao? Syempre di natin tinutukoy dito ang mga kapamilya. Mga kapuso ang pinag-uusapan ditto.
*Putjsdgkj autocorrect yan, nakikiepal sa tagalog words, yung dito nagiging ditto.*
Bali ayan, di ko rin talaga madefine ang pag-ibig. Kahit anong isipin ko, di ko feel na yun ang definition ng pag-ibig e. Isipin mo, kung tatanungin ka ng tao kung bakit mo siya mahal..
Ang isasagot lang ng tao madalas e dahil... maganda siya, mabait siya, matalino, matapat, matapang, malinis, at lahat na ng pangalan ng kalye dito sa lugar namin. O kaya isasagot sayo yung mga nasa qualitites ng Boy Scout.
Kung yan pala ang dahilan kung bakit mahal mo yung tao, e putik. Puro naman yan mga pisikal na dahilan or kahit sabihin mo pang personalidad yan. Masyadong materialistic. Masyadong vague.
Ang dali lang magsabi ng I love you. May kaibigan nga ako, nilagyan lang ng note yung chocolate na I <3 u e. Nagtaka tuloy yung binigyan niya kung bakit may ganun e pareho silang babae. BWAHAHA! Crush daw kasi niya yung binigyan niya. E mahal ko na yun. Hahaha! De, teka. Off topic. Dear friend, naaalala ko pa lahat ng panlalaglag mo saken. Haha!
Ang pag-ibig kasi, feeling ko dumadating lang ng kusa e. Yung tipong mararamdaman mo na lang kapag nagspeed dating yung tao, tapos ikaw nasa audience lang. Yung tumatawa ka dahil niloloko ka ng mga kasama mo na masakit daw pero punyeta gusto mo na silang itakwil lahat. HAHAHA! Hugot na hugot.
Minsan kasi marerealize mo lang na mahal mo ang isang tao sa isang random na pangyayari. Or minsan nga maiisip mo yun habang kausap mo lang siya. Minsan habang tulog ka, naisip mo siya. Pag dilat mo, narealize mo mahal mo pala siya.
E ano naman nga ba kung mahal mo yung tao? Punyemas. Ano bang feeling ng nagmamahal. Ito yata yung tipong gusto mong laging kasama yung tao. Yung lagi siyang kausap. Yung lagi siyang nakikita or nadidinig or natatanaw. Haha! Stalker much. Wag ka lang creepy masyado baka ipakulong ka.
Ito kasi yung tipong iniisip mo lagi kung ano na ang nangyayari sa kanya. Yung tipong kapag may ginagawa siya e gusto mong sumama. Yung gusto mong tumulong sa mga di niya kayang gawin. Yung gusto mong iexplore ang ibang bagay kasama siya. Punyeta. Wholesome ideas lang ang meron dito. Bakit kailangan kong magpaliwanag. HAHA!
Ang pag-ibig, para sa akin, e wala talaga sa pisikal na itsura. Kung nasa pisikal na itsura yun, malamang ang mga magkakaasawa lang at manliligaw e di bababa ang standards sa isang Taylor Swift (wag kang makialam, di mo to blog) o kaya Tajima (ADMU). Pero sa totoo lang, yang pisikal na itsura, walang kwenta na yan pag umibig ka. Yung taong mahal mo? Punyeta. Pag nakita mo siya, kumikintab na parang si Edward Cullen sa movie. Yung kagandahan niya? Punyeta. Lahat na napunyeta ko. Pero grabe, di mo malilimot yon. Pag nandyan siya, lahat ng tao parang black and white at stickman nalang na drawings.
Umiibig nga talaga kasi ako ngayon. At kasama sa pag-ibig ko yung doubts. Isa na naman ba to sa mga nakaraang relasyon ko na parang Yes Yes Show na bigla nalang mawawala? Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na ayaw na ayaw ko na ng ganoon.
Una, syempre gusto ko naman ng magandang love story. Naniniwala pa rin ako sa forever. Aba! Bata pa naman ako kaya baka may makita pa nga ako dyan na magbibigay ng forever ko. Pero naniniwala din ako na di mo kailangang hanapin ang forever. Nananalig ako na ikaw mismo ang mag-iistrive para umabot sa ganoon.
Pangalawa, kung mahal mo yung tao, ayaw mo siyang masaktan syempre. Pwera kung mala-50shadesofgrey ang peg mo. De, kidding aside. Kung halimbawang matulad nga lang sa dati, para mo lang sinira yung tao. Para kang nakakita ng isang magandang bulaklak tapos sobrang epal mo, pinitas mo. In the end, nalanta lang din at iniwan mo.
Sa takot ko lang, ito ang naisip ko:
Nakita ko siyang ganyan. Ang ganda. Ang saya niya. Ang daming accomplishments. Ang saya pagmasdan. Minahal ko siya na ganyan. Ngayon ba, pag nilapitan ko siya, makakabuti ba o makakasama? Ang layo ng gap sa paningin ko. Di naman ako feelingerong tao. Buti nga at naging kaibigan ko pa siya. Salamat lang sa isang subject na naging kagrupo ko siya. Hmp!
Ang tagal ko nang prinsipyo sa buhay na ayokong makaabala ng iba. At mukhang magiging abala nga talaga ako kung nagkataon. Kaya ito, ganito nalang muna siguro.
Pero wag ka! Nabanggit ko naman na sa kanya lahat. Pero never ko tinanong kung anong feelings niya para sa akin. Ayoko din mag-assume. Bukod sa masakit ang naa-assume ko, a wise lady once said, "never assume unless otherwise stated." Haha! I love that wise lady.
Tumutugtog na naman yung Say You Like Me ng We The Kings. Please naman. Sa dami ng binato ko sa utak ko, sana minsan masabi mo nalang kung ano ba talaga ako sayo. Hahaha! Nakiusap din sa huli e no. I really hope she'll never reach this blog. Nakakahiya pinaglalagay ko dito. Pero lahat ay totoo. Mahal kitaaaaa. Haha!
Kaya kung sino man ang nakakabasa nito, when you're in love, make sure that it's love. Here's my favorite description of love. It's from the Bible. Please be guided accordingly. :) This is how love should be.
4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
8 Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.
- 1 Corinthians 13 : 4-8
I've got nothing to say anymore. And I have other things to do so i'll just end it with the lyrics of the song I mentioned.
'Cause I'm never going down,
I'm never giving up.
I'm never gonna leave,
So put your hands up.
If you like me,
Then say you like me.
I'm never giving up.
I'm never gonna leave,
So put your hands up.
If you like me,
Then say you like me.
:)
No comments:
Post a Comment