Noong bata ako, ilang beses na akong naka-encounter ng mga paranormal activities. Buti matapang ako. (Kung alam niyo lang ang traumang dinanas ko noon.='( )
STORY 1
Settings
Sa bahay namin. Noong elementary pa ako.
Trivia: Ka-birthday ko pa yun. At ilang days after naming mag-birthday ay kinuha na siya ni Bro.
Elementary ako at magisa akong umuwi galing sa school.
Knock.
Knock.
Knock.
Walang kwenta. Di man lang naisip ng aso ko na ipagbukas ako ng pinto. Sarap gawing asusena. Isa pa, sabi ng kaluluwa kong gusto nang pumasok at magmeryenda.
Knock.
Knock.
Knock.
*Gate opens*
[O_O]
Punyemassssssssssss. SINONG NAGBUKAS NG GATE?
Yan ang sinigaw ng kaluluwa ko nung mga panahong yun.
Di bale na, ako atapang atao. May mumu, di atakbo. -Sabi ng nanginginig kong katawan.
Pumasok naman ako. Chineck ko yung gate kung may automatic opening system na ba.
WALA.
Chineck ko kung yung mga kamag-anak namin sa kabilang dako ng hacienda nakatira ang nagbukas.
HINDI.
Pinilit kong magisip ng paraan kung paano nabuksan yung pinto.
Sinara ko na yung gate. Nag-thank you sa kung ano mang lamang lupa ang nakarinig sa panalangin kong may magbukas.
Instantly, nasa pintuan na ako. Ang bilis pre. Siguro adrenalin rush. 10 steps dapat yun. Feeling ko nagawa ko in 1 step. (Feel like a ninja.)
Binukas ko yung pinto. Sumara ng kusa yung pinto. (Kalma lang, may spring yung pintuan namin. Wag mong gawing haunted house ang bahay namin.) Umupo agad ako at nagnilay-nilay sa mga pangyayari. Binukas ko yung TV at nanood na parang walang nangyari.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung aling force ang nagbukas sa gate. Pinipilit kong i-apply ang law of gravitational pull, law of relativity, law on obligations and contracts, at lahat ng laws na pwedeng i-apply. Sa mga may katulad na karanasan.... SINO ANG NAGBUKAS NG GATE?!
STORY 2
Settings
Sa bahay ulit namin.
Elementary ako. Same year din nun story1.
Umalis ang lahat ng tao sa bahay maliban sa akin. Kauuwi ko lang galing school. Mga 5pm pa lang nun. May araw pa. Nood ng TV. Suddenly, may nag-boo sa left ear ko. Syempre sinapak ko.
Hindi tinamaan.
Galing umiwas.
Hinanap ko sa likod ng sofa.
Sabay [O_O].
ASDFGHJKL WALANG TAO!
Akala ko yung pinsan ko, dumating at ginulat ako. Abala kasi ako sa panonood noon ng balita.
(Oha oha! Batang mahilig sa current events.)
[Tama na ang pagyayabang and back to story.]
Syempre natulala na naman ako. Lumipat na lang ako ng upuan. Dun nako sa sofa sa may pader. Para kung may gugulat sa akin galing sa likod, sure na. Kailangan na naming lisanin ang bahay namin.
After nung nangyari, nakatulala na lang ako sa TV pero hindi naman ako nanonood. Hanggang sa dumating ang pinsan ko. (Sa wakas, may nagawa rin siyang mabuti.) Bumalik ako sa realidad. Luto na ang hapunan.
So, sino ang mga may ganyang karanasan na sa buhay? Yung mga pang-halloween talaga. (Ang lakas ng loob kong magtanong. Para namang may nagbabasa pa nitong blog na to.) [FOREVER ALONE.]
Sana natuwa naman [
Masyadong emosyonal ang buhay ng tao. Hanggang sa kabilang buhay ay nadadala nito ang pait o ligaya ng buhay nila dati. Hindi natin alam kung kailan tayo babalik sa Kanya. Gawin nating masaya ang ating buhay upang wala tayong pagsisihan sa huli. Wag kang matakot sa kung ano man ang nararanasan mo. Let's spend a minute to think about our relatives who now rests in peace. Happy halloween.