Scenario:
Naglalaro ako ng Social Empires when suddenly, may nag-pop na chatbox.Isang kaibigang blogger. Ewan ko kung anong kailangan niya, anong nakain niya, anong nangyari sa kanya.
Basta inutusan niya akong mag-blog.
[T_T]
Kaya nandito 'to ngayon.
Reason niya: Wala akong mabasa.
Sagot ko: Mag-aral ka.
(
-end- Talo ako.
FAQ
Q: Bakit Tragic Love Story ang title?
A: Nagtanong ako ng topic sa nagrequest, yan ang sagot. Title na halos. Blog nga e. Ginawang teleserye.
/nothingfollows
FAQ nga e. FAQs ba?!
Game.
Taya! (Corny.)
Come, gentle night, come, loving, black-brow'd night,- Juliet (Romeo and Juliet Act 3 Scene 2)
Give me my Romeo; and, when he shall die,
Take him and cut him out in little stars,
And he will make the face of heaven so fine
That all the world will be in love with night
And pay no worship to the garish sun.
Naaalala ko yung movie ng Windstruck twing naiisip ko yung "tragic love story". Movie yun kung saan may nagka-ibigan na astig na babae at sablay na lalaki. Noong una, (syempre madalas sa mga love story) hindi sila magkasundo. But eventually, nagkagustuhan sila. (Fast forward, bakit movie ba to?!)
Sa may climax ng movie, namatay yung lalaki dahil nabaril siya. Hindi tulad sa ibang movies na martir yung bida na sinalo yung bala para sa iniibig niya. Nakakaumay na yung ganun. Sa movie na to, nabaril siya ng di sinasadya dahil napagkamalan siya na tumatakas na kriminal. Ehem! Pulis yung babae sa kwento. Hindi siya yung bumaril.
Kung napanood/napapanood/mapapanood niyo man yung movie, or kahit sa tunay na buhay, mahirap mawalan ng minamahal. Alaga pa nga lang iniiyakan na nung iba e. (Naalala ko pa yung ipis na namatay nung nasa high school pa ako, nilibing namin sa may puno at nilagyan pa ng krus.)
Mas masakit, kung biglaan ang pagka-tragic ng love story. Or ewan ko. Masakit din yata ng super pag dahan-dahan. (For reference, paki-recall yung One Liter of Tears na koreanovela.) Doon, nagkasakit yung bida at inubos ang natitira niyang buhay sa pag-ibig, at sa... taping ng pelikula? Basta namatay siya.
Di ko talaga alam ang sasabihin ko sa tragic love story. Di pa ako namamatayan ng minamahal. At syempre, ayoko. Uunahin ko muna kayo! >:] Just kidding.
Sa buhay, talagang di mo alam ang mangyayari e. Pwera kung napanaginipan mo kagabi. (De javu 'tol.)
Sa Romeo and Juliet, akala ni Romeo patay si Juliet, nagpakamatay siya, "nabuhay" ulit si Juliet, patay si Romeo. (Sinong tanga? HAHAHA! JK.)
Sa Windstruck, namatay yung lalaki pero tinupad niya yung lagi niyang sinasabi na "I want to be free as the wind. When I'm not around, if you feel the wind blowing then that's me…if I die, I want to be the wind again." Noong part na tumalon yung babae sa building para magpakamatay, sinalo siya ng giant hand balloon ng parada. At lagi siyang guided ng hangin. Hanggang sa nagpaalam na sa kanya yung lalaki. At hanggang sa maiyak ako. ;( P.S. Yung ending, pinakilala pa nung lalaki yung gusto niyang maging kapalit niya sa buhay ng babae.
Ang lesson lang naman talaga ay masa-summarize sa ilang quotes.
1. " 'Tis better to have loved and lost than never to have loved at all." -Alfred Lord Tennyson.
Di natin mapipigilan ang mangyayari. Mas mabuting mamahal tayo, at mahalin. At... Yun.
2. " Love me now while i am living do not wait till i am gone." -Anonymous
Di ko alam kung sino o saan nabanggit yan. Pero sabi nga, ayan. Basahin mo. Wag mong hintayin na mamatay bago ka magmahal. Pwera kung necromaniac ka. O_O
3. " It is foolish and wrong to mourn the men who died. Rather we should thank God that such men lived." -George S. Patton
Sa huli, lahat ng meron dito at mawawala din. Wag kang malungkot na nawala sila. Matuwa kang nagkaroon ng "sila". Tinagalog ko lang halos. Galing 'no?
Yun lang naman. Kung wala kayong/kang/akong (kung ako lang din ang magbabasa nito) napulot na aral, okay lang. Basta sa tragic love story, tragic pero hindi dapat maging sad. Yun lang.
/end