“Your life is your message to the world. Make it inspiring.” ~ Lorrin L. LeeHindi ka bayani. Hindi ka din artista. Pero kung ano man ang gawin mo sa buhay mo, yun ang magrereflect sa kung anong klaseng tao ka. Yun ang magiging basehan kung dapat ka bang kilalanin ng iba. Pero kilalanin ka man o hindi, hindi din mahalaga yun. Ang mahalaga lang talaga e kung anong ginawa mo sa buhay mo.
Ang gulo. Ng isip ko. Ng isip ng tao.
Madami kang gustong makuha. Madami kang gustong gawin. Alam mo na ba yun? Alam mo na ba kung anong gusto mo talaga? Kung anong gusto mong maging?
Maging maunlad? Yumaman? Maging [state your profession]? Magkaroon ng kotse? Tumira sa Playboy Mansion?
Hindi yan yun. Walang kwenta yan. [
Hindi ko din alam kung ano ang gusto ko. Ang gusto kong maging. Malapit na akong makatapos sa kolehiyo [
Hindi lang sa pag-aaral. Sa buhay. Bakit ka ba nabuhay? Para bwisitin ang mga kamag-anak mo araw-araw? Para magparami ng lahi? Para saan? Hindi naman pwedeng nabuhay ka lang dahil may nagwagi na sperm at may nagpaubayang egg cells sa sinapupunan ng ina mo.
Akala ko dati, makagraduate lang, magkatrabaho, at hindi maghirap e okay na ang buhay. Parang finish line na. Kailangan mo na lang ituloy yun hanggang mamatay ka. Pero hindi. Meron ka pa talagang dapat gawin. Madaming nakatapos ang hindi nagtagumpay. Madaming mayaman ang hindi masaya. Madaming tao ang naging mahirap na lang.
Abot kamay na ang tagumpay pero hindi pa rin kayang makuha. Parang piso na nalaglag sa drainage. Kitang kita mo na. Pero hindi mo parin makuha. So close yet so far.
Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa buhay ko. Hindi ganoon kaganda ang nagiging relasyon ko sa ibang tao. Kahit sa pamilya ko. Iba ang pagkakakilala ng mga kaibigan ko sa akin. Tawa lang naman ako ng tawa sa eskwela. Masaya naman talaga ang buhay. Kapag tumatawa ka.
Sa tingin ko, ang dapat lang nating gawin ngayon ay mahalin ang kung anong mayroon tayo. Ingatan ang mga bagay sa paligid natin. Ihiwalay ang problema sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Mabuhay. Piliting mamuhay. Wag sumuko sa buhay. At higit sa lahat, alamin kung bakit at ano ang misyon mo sa buhay.
Kapag naabot mo na yun, masaya ako para sayo. Sana maabot ko rin yun. Ililibre kita. :)