Friday, June 22, 2012

Inside A Fishbowl

Every person is like a fish inside a fishbowl. The other fishes are like your friends and loved ones. The water, the bond connects you and your friends.

People tend to stay within their social circle, within their fishbowl. They are always in a place near their friends and loved ones. Some people choose to go out of their "fishbowls" and live in other places. There, they become alone in front of strangers. People look for friends as fishes look for other fishes.

Once they fit in their new environment, they are now in a new bowl with other fishes. They may be happy and contented but there will come a time where you think of the past. The time when it feels like you are longing for the "water" that you are used to. It's the time when you think of your dear old friends. There comes a time when you are happy in the present and it brings back the past. The memories of your loved ones, those happy moments.

"Only in quiet waters do thing mirror themselves undistorted. Only in a quiet mind is adequate perception of the world."
                                                                                          -Hans Margolius 

Your friends are far away from you. They are in another "fishbowl". Go back to where you came from, even just for a little while. If you are lost, don't give up. Go back to your friends. You'll see that the other fishes are waiting for you.. Hoping to see you again.

Friends are friends. You should "water" the seed of friendship that you implanted on each other. You should reach out and communicate with them. When you feel alone, find a friend and you are not alone anymore.

“I hold this to be the highest task for a bond between two people: that each protects the solitude of the other”
                                                                                                                              -Rainer Maria Rilke

Friday, February 17, 2012

Tragic Love Story

Scenario:
Naglalaro ako ng Social Empires when suddenly, may nag-pop na chatbox.
Isang kaibigang blogger. Ewan ko kung anong kailangan niya, anong nakain niya, anong nangyari sa kanya.
Basta inutusan niya akong mag-blog.

[T_T]

Kaya nandito 'to ngayon.
Reason niya: Wala akong mabasa.
Sagot ko: Mag-aral ka.
(Kasinungalingan) Lusot niya: Puro na ako aral.
-end- Talo ako.

FAQ
Q: Bakit Tragic Love Story ang title?
A: Nagtanong ako ng topic sa nagrequest, yan ang sagot. Title na halos. Blog nga e. Ginawang teleserye.

/nothingfollows
FAQ nga e. FAQs ba?!

Game.
Taya! (Corny.)

Come, gentle night, come, loving, black-brow'd night,
Give me my Romeo; and, when he shall die,
Take him and cut him out in little stars,
And he will make the face of heaven so fine
That all the world will be in love with night
And pay no worship to the garish sun.
           - Juliet (Romeo and Juliet Act 3 Scene 2)

Naaalala ko yung movie ng Windstruck twing naiisip ko yung "tragic love story". Movie yun kung saan may nagka-ibigan na astig na babae at sablay na lalaki. Noong una, (syempre madalas sa mga love story) hindi sila magkasundo. But eventually, nagkagustuhan sila. (Fast forward, bakit movie ba to?!)

Sa may climax ng movie, namatay yung lalaki dahil nabaril siya. Hindi tulad sa ibang movies na martir yung bida na sinalo yung bala para sa iniibig niya. Nakakaumay na yung ganun. Sa movie na to, nabaril siya ng di sinasadya dahil napagkamalan siya na tumatakas na kriminal. Ehem! Pulis yung babae sa kwento. Hindi siya yung bumaril.

Kung napanood/napapanood/mapapanood niyo man yung movie, or kahit sa tunay na buhay, mahirap mawalan ng minamahal. Alaga pa nga lang iniiyakan na nung iba e. (Naalala ko pa yung ipis na namatay nung nasa high school pa ako, nilibing namin sa may puno at nilagyan pa ng krus.)

Mas masakit, kung biglaan ang pagka-tragic ng love story. Or ewan ko. Masakit din yata ng super pag dahan-dahan. (For reference, paki-recall yung One Liter of Tears na koreanovela.) Doon, nagkasakit yung bida at inubos ang natitira niyang buhay sa pag-ibig, at sa... taping ng pelikula? Basta namatay siya.

Di ko talaga alam ang sasabihin ko sa tragic love story. Di pa ako namamatayan ng minamahal. At syempre, ayoko. Uunahin ko muna kayo! >:] Just kidding.

Sa buhay, talagang di mo alam ang mangyayari e. Pwera kung napanaginipan mo kagabi. (De javu 'tol.)

Sa Romeo and Juliet, akala ni Romeo patay si Juliet, nagpakamatay siya, "nabuhay" ulit si Juliet, patay si Romeo. (Sinong tanga? HAHAHA! JK.)

Sa Windstruck, namatay yung lalaki pero tinupad niya yung lagi niyang sinasabi na "I want to be free as the wind. When I'm not around, if you feel the wind blowing then that's me…if I die, I want to be the wind again." Noong part na tumalon yung babae sa building para magpakamatay, sinalo siya ng giant hand balloon ng parada. At lagi siyang guided ng hangin. Hanggang sa nagpaalam na sa kanya yung lalaki. At hanggang sa maiyak ako. ;( P.S. Yung ending, pinakilala pa nung lalaki yung gusto niyang maging kapalit niya sa buhay ng babae.

Ang lesson lang naman talaga ay masa-summarize sa ilang quotes.
1. " 'Tis better to have loved and lost than never to have loved at all." -Alfred Lord Tennyson.
Di natin mapipigilan ang mangyayari. Mas mabuting mamahal tayo, at mahalin. At... Yun.
2. " Love me now while i am living do not wait till i am gone." -Anonymous
Di ko alam kung sino o saan nabanggit yan. Pero sabi nga, ayan. Basahin mo. Wag mong hintayin na mamatay bago ka magmahal. Pwera kung necromaniac ka. O_O
3. " It is foolish and wrong to mourn the men who died. Rather we should thank God that such men lived." -George S. Patton
Sa huli, lahat ng meron dito at mawawala din. Wag kang malungkot na nawala sila. Matuwa kang nagkaroon ng "sila". Tinagalog ko lang halos. Galing 'no?

Yun lang naman. Kung wala kayong/kang/akong (kung ako lang din ang magbabasa nito) napulot na aral, okay lang. Basta sa tragic love story, tragic pero hindi dapat maging sad. Yun lang.
/end

Tuesday, January 17, 2012

So Close Yet So Far

“Your life is your message to the world. Make it inspiring.” ~ Lorrin L. Lee
Hindi ka bayani. Hindi ka din artista. Pero kung ano man ang gawin mo sa buhay mo, yun ang magrereflect sa kung anong klaseng tao ka. Yun ang magiging basehan kung dapat ka bang kilalanin ng iba. Pero kilalanin ka man o hindi, hindi din mahalaga yun. Ang mahalaga lang talaga e kung anong ginawa mo sa buhay mo.

Ang gulo. Ng isip ko. Ng isip ng tao.

Madami kang gustong makuha. Madami kang gustong gawin. Alam mo na ba yun? Alam mo na ba kung anong gusto mo talaga? Kung anong gusto mong maging?

Maging maunlad? Yumaman? Maging [state your profession]? Magkaroon ng kotse? Tumira sa Playboy Mansion?

Hindi yan yun. Walang kwenta yan. [My blog, my opinion.] Hindi ka naman nabuhay para mamatay ulit. Hindi ka din naman nabuhay para kumain lang at matulog. Hindi ka lang nabuhay para mabuhay at mamuhay. Meron pa talagang dapat gawin ang isang tulad mo. Kung ano yun, hindi ko alam. Hanapin mo sa sarili mo.

Hindi ko din alam kung ano ang gusto ko. Ang gusto kong maging. Malapit na akong makatapos sa kolehiyo [kung walang kokontra] pero hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako nandito. Hindi ko naman talaga "passion" ang kurso ko. Pero kung hindi ito, e ano? Wala akong plano.

Hindi lang sa pag-aaral. Sa buhay. Bakit ka ba nabuhay? Para bwisitin ang mga kamag-anak mo araw-araw? Para magparami ng lahi? Para saan? Hindi naman pwedeng nabuhay ka lang dahil may nagwagi na sperm at may nagpaubayang egg cells sa sinapupunan ng ina mo.

Akala ko dati, makagraduate lang, magkatrabaho, at hindi maghirap e okay na ang buhay. Parang finish line na. Kailangan mo na lang ituloy yun hanggang mamatay ka. Pero hindi. Meron ka pa talagang dapat gawin. Madaming nakatapos ang hindi nagtagumpay. Madaming mayaman ang hindi masaya. Madaming tao ang naging mahirap na lang.

Abot kamay na ang tagumpay pero hindi pa rin kayang makuha. Parang piso na nalaglag sa drainage. Kitang kita mo na. Pero hindi mo parin makuha. So close yet so far.

Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa buhay ko. Hindi ganoon kaganda ang nagiging relasyon ko sa ibang tao. Kahit sa pamilya ko. Iba ang pagkakakilala ng mga kaibigan ko sa akin. Tawa lang naman ako ng tawa sa eskwela. Masaya naman talaga ang buhay. Kapag tumatawa ka.

Sa tingin ko, ang dapat lang nating gawin ngayon ay mahalin ang kung anong mayroon tayo. Ingatan ang mga bagay sa paligid natin. Ihiwalay ang problema sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Mabuhay. Piliting mamuhay. Wag sumuko sa buhay. At higit sa lahat, alamin kung bakit at ano ang misyon mo sa buhay.

Kapag naabot mo na yun, masaya ako para sayo. Sana maabot ko rin yun. Ililibre kita. :)