Chapter 1 : Am I Good Or Bad? What Do I Need/Want?
May pupuntahan pa akong debut mamaya. 3pm ata kami magkikita sa SM. Di pa ako nakakaligo kaya bibilisan ko na lang to. Wala naman yatang nagbabasa kaya wala na akong pake. Type lang ng type. Gusto ko lang mag-share. Walang main topic tong post kong to. Kung ano maisip ko, yun na ittype ko. :)
Ang dami ko nang nagawa sa buhay na nakakabwisit talaga. Sa iba at sa sarili ko. Ang ganda naman kasi talaga ng mundo ko. Hindi mo makasama ang gusto mong makasama. Hindi mo gusto ang mga lagi mong nakakasama. Ang sarap mabuhay sa mundo. Nakakapagisip ka, nakakagalaw, nakakapag-type, at kung anu-ano pa.
Wala akong kapatid. Nasabi ko na ata yan sa iba kong blog. Masaya ang mundo, masarap magkwento ng mga experience, jokes, kaalaman, at problema. Lalaki ako, at sa isip ko walang kwenta magkwento sa mga kapwa lalaki. Una, hindi kasi madalas maglabas ng saloobin ang mga lalaki. At isa pa e tinatawanan lang namin ang problema. Mahirap humanap ng lalaking iintindi sayo ng seryoso. So ang gusto kong sabihin, isang gamit ng babae e pwede mo silang kwentuhan. (Tapos bigla mo malalaman na chinismis na nila sa iba yung kinwento mo. Dun ka magiging misanthrope tulad ko.)
Tinuturing kong misanthrope ang sarili ko. Una, para astig. Pangalawa, (Ewan ko kung ako lang yung ganito pero wala na akong kilala na ganito mag-isip.) madalas akong mag-obserba sa mga kilos ng tao, madami na akong nakita na sa tingin ko e walang kwenta sa mga tao... at madalas e sanay ang karamihan dun. Tulad nung mga pang-bara ni Vice Ganda. Elibs talaga ako dun. Eto example.
(Naglalakad si Vice at may nakitang lalaki na nag-iisa. Nilapitan niya to.)
Vice: Hi. Anong pangalan mo?
Lalake: Ako?
Vice: Bakit may iba ka pa bang nakikita ka bang di ko nakikita?
*Barado
-End of the story-
Ayan. Yung mga ganyang tipo. Nakakagago talaga. Nag-iisa ka nga lang. Sino pa ba kinakausap niya? Ayoko sa tao yung mukang tanga. Karamihan e sanay sa ganyan. Dito ko lang na-explain yung paniniwala kong ganyan. Wala nga kasi akong masabihan. Alangan na dumampot ako ng tao sa labas sabay sabihin kong, "Halika nga! Makinig ka sa mga kwento at ideya ko!".
Isa sa lamang ng tao sa ibang mga nilalang e yung kakayahan nilang mag-isip. Sa utak ko ngayon, umaapaw ang mga ideya na gusto kong sabihin pero hindi kayang sundan ng mga daliri ko at ng katawan ko lahat ng yun. Pati ang longest word na alam ko.
"Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis"
Halos 10% lang daw ang nagagamit ng mga normal na tao sa utak nila. Paano kaya kung magamit nila ang 100%? Ang saya. Sa tingin ko, lahat talaga posible sa utak ng tao. Ganito ako mag-isip. Lumaki kasi akong ganito. Nasanay na din ako sa mga masasakit na salita. Yung ina ko kasi e madalas ginagamit yun.
Kapag may nagtanong ng "Tanga ka ba?" sa lalaki, medyo nakakaoffend. Sa tingin ko dalawa lang ang pwedeng reaksyon ng normal na tao sa sitwasyong ganyan. Una e sasagot ng, "Baka ikaw!" or something na medyo nakakaoffend din. Dito naaapply yung kasabihang "Kung ano ang itinanim e siya ding aanihin.". O di ba? Para na akong matanda. Pangalawa, kung isa kang mala-anghel na hulog ng langit, kapag sinabihan ka ng ganun e tatahimik ka lang at makikinig. Sa akin kasi, bakit ka maaasar? Sa oras na maaasar ka, dun ka lang nagiging tunay na tanga. Uulitin ko yung tanong. "Tanga ka ba?" Tanong yan mga tao. Isang tanong. Bakit ka maaasar sa isang walang kwentang tanong? Ang dapat dyan e sinasagot. Oo o hindi. Next time mga tao ng mundo. Kapag tinanong kayo kung tanga ba kayo sumagot kayo ng oo o hindi.
Ang tao ay may dalawang sides. Ang mabuti at ang masama. Hindi sila pwedeng magsama kahit kailan. Hindi porke may nagpakopya at kumopya ka naman e wala kang kasalanan. Hindi din porke nagpakopya ka e anghel ka na. Anghel ka sa mata ng pinakopya mo. At dahil feel mo ang pagka-anghel mo, hindi mo napansin na nalugi yung iba.
Hindi ko sinasabing isa akong sugo ng langit at lahat ng sinasabi ko e inaapply ko. Hindi din ako ganun kabuting tao. Wala naman kasing perpekto. Hindi lahat ng maganda e matalino. Hindi lahat ng matalino e maganda. Hindi din naman umiikot ang mundo sa katalinuhan at kagandahan. Kung pang Miss Universe na sagot ang hahanapin mo malamang ang sabihin nila sayo e nasa puso ang tunay na kagandahan. I tell you not. Open your eyes kid. Kahit kelan hindi naging maganda si Rosalka sa mata ko. Hindi ko sinasabing sa pisikal lang ako tumitingin. Ang ibig kong sabihin, hindi mabubuo ang kagandahan sa puso lang. Hindi mabubuo ang katauhan ng isang tao kung puso lang ang titingnan. Hindi porke mabait e maganda na. Aminin mo sa sarili mo na tinitingnan mo ang tao sa lahat ng aspeto ng pagkatao niya. Pisikal, mental, emosyonal, at kung anu-ano pang mga -al.
Masyado nang mahaba ang nasabi ko. Kung may babasa nito e baka mahabaan na. Feeling ko may magbabasa. Feeling ko lang. Napakafeeling ko. LOL
Ganito na lang muna siguro ang gagawin ko. Parang chapters. Hindi ko lang alam kung kelan ulit ako gagawa. Masyado naaaliw ang mundo sa akin. Napakadami kong problema na walang nakakaalam kundi ako. Napakasayang mabuhay. How I wish someone who can understand me well will come to my life and listen to my stories. :)
Bago ko i-click yung post e naisipan kong lagyan ng chapter title to.
Post.