Tuesday, August 4, 2009

Parting Is Such A Sweet Sorrow

Araw-araw, may mga namamatay, umaalis at lumilisan. Mula sa pagkamatay ni Ruth Hamilton, Michael Jackson, ang aso ko, at si former Pres. Cory Aquino. Mahirap tanggapin na may mawawala sa pamilya natin at sa mga minamahal natin pero 'di natin ito maiiwasan.

Let's discuss their contribution to our society na lang..

Ruth Hamilton

'Di niyo siya kilala 'no? Siya ang world's oldest blogger na pumanaw last year. 109 y.o. siya nang lisanin ang mundong ibabaw. Madami siyang mga napahanga sa mga blogs niya. Kung mai-imagine niyo, paano siya nakakapagblog sa edad niyang 'yan. Siyempre it's with the help of Mike Rubbo. Siya yung nag-encourage kay lola na mag-blog. Sumikat si Ruth sa internet sa mga kwento niya tungkol sa mga historical events na nadatnan niya. Nang mamatay siya, ang huli niyang hiling e sana daw madami pang makakita ng blogs niya at magsilbi siyang inspirasyon ng mga kabataan. Kaya masasabi pa rin nating happy ending ang kwento niya dahil natapos niya ang misyon niya sa buhay.

Michel Jackson

Sikat na celebrity, magaling na dancer, ayos na singer, at retokadong lalaki. Sumikat siya noong bata pa lang siya kasama ang mga kapatid niya. Acoording sa napanood ko sa TV tungkol kay MJ, masyado daw siyang sumikat kaya may mga panahon na iniisip niyang 'di niya na-enjoy ang kabataan niya. Try to listen to his songs like "Ben" and "Childhood". Pinaparamdam niya dito ang nararamdaman niya tungkol sa buhay niya. Ganoon naman ang tao 'di ba? Gagawa ka ng isang tula, kanta, o akda na nagpapakita ng mga nararamdaman mo. Bawat sayaw niya nagpapakita ng mga pinagsama-samang mga galaw at parang puno ng damdamin. Sabi ng isang ininterview nila tungkol kay Michael. Pinanganak siyang maitim pero nagpadoktor siya para pumuti. Isang bagay na hindi ako sang-ayon para sa isang tao. Pero nang mamatay siya, sinubukan kong maghanap sa internet ng mga tungkol sa kanya. Inaamin ko, naging fan niya agad ako. Mahusay siya sa chosen career niya. Bago siya mamatay, may gagawin pa sana siyang concert na magsisilbing last concert niya. The Last Curtain Call. Isang concert na inaabangan ng lahat. Isang concert na kahit kailan ay hindi na matutuloy dahil sa biglaan niyang pagkamatay. Sayang. Tapos na ang oras pero 'di pa siya nakapagpaalam at hindi pa niya narinig ang huling palakpak ng tao sa kanya. Kulang sa huli pero sobra-sobra na noong una.

Cory Aquino

Isang magiting na babae na naturingang "Woman of Democracy". Isang role model ng mga may posisyon ngayon. Kung lahat ng nasa gobyerno e magiging katulad niya, tapos ang usapan. Uunlad ang Pilipinas. 'Di man mabilisan preo sigurado. Nagsilbi siya ng tapat sa bayan. May kwento akong narinig tungkol sa kanya. Ito e hearsay lang kaya 'wag kayo agad maniwala at magbago ng pananaw. May mga nag-aalok daw sa kanya ng mga projects na magbibigay ng pera sa kanya noong presidente pa siya pero tinanggihan niya ang mga ito at sinabing aanihin nila ang pera kung niloko naman nila ang bayan. Ang isa pa e madaming nagsasabi sa kanya na  tumakbo siya sa pagiging presidente dahil pwede pa naman pagkatapos ng termino na nakuha niya ng mapatalsik si dating Pres. Marcos. Sabi niya naman tungkol dito e, siya nga ang magbibigay demokrasya sa bansa kaya paano niya ito magagawa kung may posisyon siya. At kung tatakbo siya e magiging 12yrs ang itatagal niya sa pamahalaan at parang wala na siyang pinagkaiba sa nauna na nagtagal ng 20yrs dahil ayaw nitong umalis. Sa pagpasok ko ngayon, naririnig ko sa mga dasal namin ang pangalan niya at nakikita ko sa mga pinto ng ibang rooms na nakikiisa sila sa pagkamatay niya. Masasabi nating isa talaga siyang mabuting tao. At syepmre, happy ending.

Death is more universal than life. Everybody dies but not everybody lives.